Smae
P.E subject.
Syempre lahat kami naka P.E attire at kasalukuyang nasa field.
Sa ngayon wala naman ni-lesson, hinayaan lang muna kami magpapawis sa kahit anong paraan na gusto namin.
At ang napili kong paraan ay panoorin si Bobby habang naglalaro ng basketball...
Naiisip ko, paano niya nagagawang maging HOT kahit naglalaro lang siya ng basketball? kahit wala naman siyang nakakaakit na ginagawa, basketball lang talaga.
Tapos naka P.E uniform siya pero ang HOt pa rin talaga niya, yung iba nga dyan kailangan mag-brief na lang para masabing hot sila, di ko naman sinasabing si Dante Gulapa yon ah.
Nakatitig lang ako sakanya.
GrabEEEE nakakapawis, effective work out to sis.
Kalaro niya ngayon si Chan at June.
Habang si Hanbin naman ay naglalaro ng tennis, kasama si Ros at Danica.
Ako naman nakaupo lang sa ilalim ng puno, at nasa gilid ko si Song at Jinhwan.
Naglalaro sila ng jackstone.
“Pakita mo sakin ngayon yabang mo Jinani.” rinig ko pang sabi ni Song.
“Wag ka ngang maingay, unang round pa nga lang tagilid ka na e.” sagot naman sakanya ni Jinani.
Napalingon naman ako sa mga benches.
Nandoon si Gret, nakatulala lang, parang gulat sa nakikita niya.
Tinignan ko rin yung pinapanood niya at.. si Hanbin, may kaharutang iba.
Masakit ka nga naman.
Napatayo ako para tabihan at icomfort si Gret pero may nauna na sakin.
Si DK, niyakap niya si Gret at napangiti naman ako bigla.
Ang harot!
Nagulat na lang ako bigla dahil may sumunggab saakin dahilan para mapahiga ako sa damuhan dito sa field.
Ang lagkit sa pakiramdam.
Sunggab! as in may biglang bumangga sakin at hinila o kinaladkad ako pahiga.
“5.. 4.. 3.. 2..---” bilang niya pa na para kaming nagre-wrestling.
Siniko ko naman siya kaagad dahilan para di na niya maituloy ang bilang niya.
“Bobby, ang lagkit mo!” reklamo ko.
“Pawis yon, pero mabango pa rin naman.” proud na sagot pa niya.
Tinulak ko siya para makabangon na ako sa pagkakahiga.
Pero siya na rin mismo ang tumulong sakin patayo nung naitulak ko siya para bumangon.
“Paamoy nga.” sabi ko pa at inamoy amoy nga siya.
As in nilapit ko yung mukha ko sa leeg niya.
“Oy tama na, chansing ka na.” natatawang sabi niya pa at tinulak ang mukha ko papalayo.
Ang nakakainis pa doon occupied ng kamay niya yung buong mukha ko.
Psh.
“Aba? ako pa talaga? ikaw nga tong unang lumapit sakin e, may pa bangga bangga ka pang nalalaman gusto mo lang naman ako mayakap!” pang-aasar ko pero pasigaw.
“Kung gusto lang pala kita mayakap edi sana ginawa ko na to.” at bigla niya akong niyakap, sobrang higpit.
Bumaon pa yung mukha ko sa katawan niya.
BINABASA MO ANG
my type // Bobby (iKON)
FanfictionI am the 'talented and good-looking boy's type'. I can't believe it. I am his type. A newly arrived girl from Australia transferred to a school where a group of 7 dorks studies. She develops connection with them and made new friends and memories. H...