Smae
Nandito ulit kami ni Bobby kung saan kami nagpunta after formal party.
Mag-sa-sunset pa lang, at kung sakaling macoconvince ko siya na ituloy ang goal niya kasama sina Hanbin, mayroon pa silang time para mag-impake.
"Kamusta?" tanong ko.
Balak ko na rin talaga siya sagutin dito.
"Ayos lang." matamlay ang boses niya, alam ko naman na may gumugulo sakanya.
Hindi ko alam kung paano sisimulan.
Gusto kong matupad niya pangarap niya, ayokong manatili sila dito at pakawalan yung opportunity.
"Wala ka bang gusto ikwento?" tanong ko na naman, hanggang ngayon kasi hindi niya pa sinasabi yung tungkol sa agency sa ibang bansa.
"Ayokong umalis." sagot niya.
"Bakit?" tumingin ako sakanya.
Nakatitig lang siya sa kamay niyang pinaglalaruan niya.
"Natatakot ako na baka wala na akong babalikan."
Hindi agad ako nakakibo, isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.
"Bakit hindi mo sinabi agad?" naramdaman kong sinandal niya rin yung ulo niya sa ulo ko.
"Wala naman kasi akong balak umalis, kaya hindi ko na lang sinabi."
"Alam nila Akira, tapos ako hindi? Syempre gusto ko rin ng mga balita tungkol sayo." nakangusong sabi ko pa.
Hindi siya sumagot.
Maya maya dahan dahan kong inalis ang pagkakapatong ng ulo ko sa balikat niya.
"Pangarap mo yun di ba?" sabi ko pagkaharap ko sakanya.
"Pangarap niyo yun magkakaibigan, sayang naman kung ibabalewala niyo yung pagkakataon." hinawakan ko pa yung kamay niyang kanina niya pa fine-fidget.
"Pangarap din yon ng mga magulang mo para sayo." tumingin na rin siya sa mga mata ko.
"You said you wanted to shine bright, this is it babe." nakangiti kong sabi.
After ilang seconds, nagulat rin ako sa sinabi ko, nakakabigla.
Di ko akalain na tataksilan ako ng sarili kong dila.
"Babe?" bigla siyang ngumisi, bigla ring lumiwanag yung mukha niya.
Ngumiti na lang din ako.
"Magiging okay ka ba dito pag umalis ako?" tanong niya.
Tumango ako.
Hindi, hindi okay syempre.
"Pangarap mo rin ba yon para sakin?"
"Oo naman." sabi ko at bigla ko na lang siya niyakap.
Okay na ba siya? okay na sakanya umalis?
BINABASA MO ANG
my type // Bobby (iKON)
FanfictionI am the 'talented and good-looking boy's type'. I can't believe it. I am his type. A newly arrived girl from Australia transferred to a school where a group of 7 dorks studies. She develops connection with them and made new friends and memories. H...