thirty-four

13 2 0
                                    

Smae


“Ang tagal mo.” bulong ni Akira pagkalabas ni Chan ng elevator.

“Gusto chocolate ice cream, wala naman ako mahanap.” sagot naman ni Chan.

“Tara na nga.” naglakad kami kaunti.

Sobrang nabuburo na ko dito, akalain mo kalahating oras kami nakatayo, nanginginig na ata paa ko e.

“Okay ka lang, Smae?” tanong ni Akira at tumango na lang ako.

Gulat na napalingon si Chan sakin.

“Si Smae ‘to?” tumingin pa siya kay Akira at tinuro ako.

Tumango lang habang nakangiti si Akira at saka tumingin ulit sakin si Chan. Napangiti rin siya.

“Nandito ka pala?” sabi niya bago niya ako yakapin ng mahigpit.

Napayakap na rin ako sakanya.

“Di kita napansin, Smae.” sabi niya pag kakalas sa yakap.

“Akala ko kung sinong nakilala mo na naman sa daan na gusto mo isurprise kasi fan namin e.” baling niya kay Akira.

After namin malagpasan ang tatlong pinto ay sa wakas kumatok na rin si Chan sa sumunod na pindot.

Room 131.

Hmm, yung house number namin ganyan rin.

Ilang minutes pa bago nag beep ang pinto at bumukas.

Kahit na ang parehas na kamay ni Chan ay may bitbit na gawa niya pa ring mabuksan ang pinto.

Naunang pumasok si Akira sakin.

“Oy, Akira, bumalik ka?” bungad ni Yoyo at humalik pa sa pisnge ni Akira.

“May surprise ako.” cheerful na pagkakasabi ni Akira, saka niya ako hinila papasok sa kwarto.

“Oh.. sino-- SMAE?” naisigaw niya ang pangalan ko.

Kaya naman nawindang ang mga nanonood ng T.V.

si Dong at Jay, si Hanbin naka idlip ata sa sofa, nagising rin.

“Smae?” pag-ulit ni Dong sa pangalan ko.

Feeling ko sasabog na yung puso ko, di ko alam kung kinakabahan ako o natutuwa lang na nakita ko na sila ulit.

Napatalon si Dong paalis sa sofa at niyakap agad ako.

“I missed you.” bulong nito.

Sakto namang may pinto na bumukas na matatanaw  sa likura ni Dong, habang yakap ko siya.

Si Bobby.

Wala pang suot na pangtaas.

Doon na tumulo ang luha ko.

Kumalas si Dong sa yakap.

“Grabe, bakit di kita halos nakilala? Mas lalo kang gumanda.” sabi nito sakin natawa na lang ako kahit naluluha.

“Wag ka umiyak, parang ewan!” pinunasan pa ni Dong ang mukha ko.

Napansin ko na nanonood lang Bobby mula sa likod.

Sunod na lumapit si Jay, dahan dahan pang naglakad.

“Ikaw talaga yan Smae?” tanong pa ni Jay.

Tumango na lang ako habang pumupunas ng luha. Niyakap rin ako ni Jay.

“Smaeee.” bati sakin ni Hanbin at siya naman ang sumunod na yumakap.

“Oh, pangalan lang pala ni Smae magpapalas sayo sa lungga mo e.” pang-aasar ni Chan kay Bobby na nanonood lang, di manlang gumalaw sa pwesto niya.

my type // Bobby (iKON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon