thirty-five

15 2 0
                                    

Smae

Sa mall muna kami unang pumunta, naglalakad lakad lang habang nagkukwentuhan.

Kahit sikat sila dito di naman sila pinagkakaguluhan dahil balot na balot naman sila.

Naka-mask pa kagaya nung porma ni Bobby nung isang gabi kaya di ko siya narecognize.

“Buns, gusto mo nyan?” biglang kalbit sakin ni Dong at tinuro ang waffle stall.

Napansin ko naman na napalingon sa gawi namin si Bobby na may kausap sa phone.

Kanina ko pa napapansin na di siya masyado nakikisali samin, nasa likod lang siya ng grupo palagi.

Tumango na lang ako kay Dong na kanina pa naghihintay ng sagot ko.

“Bili ka.” sabi niya bigla at napanganga na lang ako, di talaga nagbago.

Pilyo pa rin talaga.

Napailing na lang ako.

“Yan sige, d'yan ka magaling.” tugon ko na lang.

Napansin ko na binaba na ni Bobby ang phone niya at unti unting lumapit samin ni Dong.

“Gusto niyo ba?” tanong ni Bobby at kumuha ng wallet sa bulsa.

Naglabas siya ng cash.

“Parang di mo naman nakita yung kain ko kanina, Babs. Busog pa ko.” yun lang ang sinabi ni Dong.

“2 waffles please.” (in korean) sabi ni Bobby sa tindera.

Binigay sakanya agad yung binili niya at di ko inexpect na aabutan niya ako.

Tinitigan ko lang yung inaabot niya, di ko alam ang gagawin, nawala ako sa sarili.

“Sabi mo gusto mo.” nagsalita na siya at napatingin naman agad ako sa mukha niya.

Walang emosyon kagaya nung pagbitaw niya ng salita.

“Wala akong sinabi.” sagot ko.

Wala naman talaga, unless.. naka-tingin siya kanina nung tinanong ako ni Dong.

Di naman ako nagsalita e, tumango lang ako. Is it possible na tinitignan niya ako?

Char, assumera ng taon.

Kinuha ko na lang.

“Kakainin ‘to ni June panigurado.” sabi ko na lang at lumapit kay June.

Inabot ko yung waffle ng walang sinasabi.

“Uy, thanks.” sabi lang ni June at kinuha naman niya yung pagkain

At sabay sabay na kaming naglakad.

Di ko rin alam bakit ganon ang inakto ko, minsan talaga gusto ko lang maging jerk e.

“Exchange gifts tayo!” biglang hiyaw ni Jay.

“Di naman pasko ah?” sabat naman ni Akira.

my type // Bobby (iKON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon