thirty-six

20 1 0
                                    

Smae

Ang natanggap ko ay star na anklet, at yung penguin stuffed toy na binili ko ay napunta kay Akira.

Sinuot ko agad yung anklet, kanino kaya galing ‘to?

Ang galing pumili e.

Paano naman kaya nahulaan nito na magugustuhan ko to?

‘Tey’ lang naman nilagay kong code name.

Wala naman ata nakakatanda na nickname ko yon?

Na di ko rin naman talaga nickname.

Ay ewan!

“Kahit nabigay na yung gifts wala pa ring sabihan ah. Hanggang don lang yun.” sabi ni Jinan.

Nagstart na magkantahan.

Naglabas na rin sila ng pagkain.

At wine/alcohol.

Syempre nachibog na ko habang nakikinig sakanila na ang gagaling kumanta.

After kumanta ni Akira pinuri siya ni Dong.

“Ang galing mo pala kumanta Aki e, gusto mo sumikat?” sabi nito.

“Oo nga, ayan si B.I oh, malakas kapit sa agency namin.” sabi ni June, nagsasalin ng drink sa baso niya.

Nagtuloy ang usapan nila habang ako tahimik lang na kumakain.

Bigla kong napansin na si Bobby din ay hindi nakikisali, nag-se-cellphone lang siya habang nainom.

Triny ko rin uminom ng alcohol.

Try lang, ngayon lang naman e.

Pakiramdam ko kahit konti pa lang naiinom ko parang tinamaan na agad ako.

Mababaw lang ata alcohol tolerance ko.

Tumingin ako sa song book kahit wala naman akong balak kumanta.

Wala sa sarili nagreserve ako ng kanta.

Nung ako na ang kakanta tumayo pa ako.

“Hoy, Buns, ayos ka pa ba?” natatawang sabi ni Dong.

Napansin naman ni Jinhwan na ako ang halos uminom nung kalahati ng alcohol.

“Lasing na ata.” tumawa na lang rin si Jinhwan.

“Maganda rin pala boses ni Buns.” bulong ni Dong kay Bobby na katabi niya.

Tumango lang si Bobby ng hindi tumitingin kay Dong o sakin.

Natapos na kong kumanta.

Dinaldal ko si Akira na may tama na rin.

“Oy, girls. Tama na inom. Nakakarami na kayo.” wala na kaming nagawa nung sinabi yun ni Hanbin.

Tumigil na rin kami sa pagkanta dahil maya maya raw ay aalis na rin kami naghihantay lang ng van na sila mismo ang may ari.

Pero walang magdadrive sakanila, syempre yung official driver nila ang may dala nung van.

Di ko na rin namalayan na nandito na kami sa unit nila. Sa veranda kami tumambay.

Pero unti unti na kaming nauubos.

Nakahiga lang kami ngayon dito sa foam sa lapag.

Napansin ko na nakaidlip na si Bobby.

Sila Hanbin, Dong at Jinhwan na lang ang kasama ko.

my type // Bobby (iKON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon