twenty-nine

16 2 0
                                    

Smae

Dumating na ang araw ng formal party, syempre naiinis pa rin ako sa fact na hindi ako ang date ng crush ko??? sino ba namang matutuwa? psh.

Pero napilit niya ako pumunta via panunuyo and panlilibre, naging okay kami these past few days.

Sa katunayan nga nasa Claren kami ngayon para mag-hanap ng susuotin dahil di ako ready!

“Libre ko na, kahit anong damit.” sabi niya pa pagkapasok namin sa isang boutique.

“May pera naman ako, tsaka ako naman makikinabang kaya, kaya ako na magbabayad.” sabi ko habang namimili na ng damit.

“Pero mas makikinabang naman yung mata ko, kasi makikita ko kagandahan mo.” banat naman niya, at tumawa ako.

“Bakit di mo ba araw araw nakikita ganda ko?” biro ‘ko.

“Yun nga e, araw araw akong feeling blessed.” at ginawa niya pa yung famous dance step na galing sa tiktok.

“Ang corny mo naman!” sabi ko at tinulak ang mukha niya.

“Anong corny dun? Ano ba gusto mo sabihin ko? Na oo, araw araw ko nakikita, sawang sawa na nga ako e.” natatawa niya pang sabi.

“Manahimik ka na nga baka ipalo ko pa sayo tong hanger, hampas lupa.” sabi ko at hinablot ang Louis Vuitton na hanger, akmang ipapalo ko sakanya pero lumayo siya habang natawa.

“Basta ah, ako na magbabayad.” pangungulit na naman niya.

“Bahala ka, kala mo naman makukuha mo ko sa palibre libre mo.” pang-aasar ko habang naghahanap ulit ng damit, bitbit ko pa rin yung Louis Vuitton na hanger.

“Ahh, ganon? Di mo ko sasagutin? Iiwan kita dito, bahala ka umuwi mag-isa.” patol niya naman siya pang-aasar ko.

“Okay lang, kaya ko naman mag-taxi.” sagot ko.

“Ahh talagang matigas ka ah, bakit? sinong maipagmamalaki mo? kung hindi ako ang sasagutin mo, sino sa mga nagkakagusto sayo ha? yung Haru? walang binatbat yon sa ngipin ko no!”

Natawa na lang ako sa sinabi niya at napahawak sa buhok niya, lambot.

yiiIiEee lambot.

“Oo, na sige na.”

“Sinasagot mo na ko?"

“Di, ikaw na magbayad nito.” inabot ko sakanya yung napili kong dress.

“Di mo itatry?” tanong niya.

“Try ko pa ba?”

“Pumili ka ng maayos! Para ka namang di babae.” tinulak niya ako sa part na hindi ko pa napupuntahan.

Marami pang damit doon.

“Ha? Ano bang gusto mo mangyari?”

“Yung sa mga pelikula, yung titignan ko kung ano bagay sayo kahit lahat naman bagay, pero basta marami kang itatry.”

“Ahh, so waste of time?”

“Hindi ah, grabe ka naman. Kasama mo naman ako, di sayang oras mo.”

my type // Bobby (iKON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon