Smae
Lumabas na kami ng school dahil nag 7pm na, di naman namin matatapos yun kaagad agad.
Kaya nga kami binigyan ng several days, kasi alam ni Teacher na di kayang tapusin agad yung activity.
"Sino sasabay sakin?" tanong ni Hanbin.
"Angkas ako kay June." sabi ni Song at sumakay na sa motor ni June.
Agad na inistart ni June ang motor niya.
"Songchelin ah?" sabi ni June bago umandar.
"Bye guys, bye Dirty Kid, bye B.I, bye Babs, bye Buns, bye Fairy-."
"Tanga! see you later dapat laglag kita dyan e." sabi ni June bago pa sila tuluyang makaalis.
"Di nag bye sakin amputik." sabi ni Chan saka sumakay sa kotse ni B.I.
Hanbin pala, napapagaya na ako sa B.I nila.
"Tampururut agad si Chokbol." asar ni Hanbin at kinurot pa ang tagiliran ni Chan bago magsara ang pintuan sa kotse.
Kinawayan ko sila bilang paalam pero pagkabukas ni Dong ng pinto sa kotse ni Hanbin, bago siya pumasok ay nagsalita muna siya.
"Di ka ba sasama? sama ka na, libre naman ni Chokbol e." anyaya ni Dong.
"Di na, bonding niyo yan magtotropa e." sagot ko na lang sama ngumiti.
"Parang tropa ka na din naman namin e." sabi niya.
Kinikilig naman ako, part na rin pala ako ng tropahan nila.
"Ayan oh, sumabay ka na kay Bobby, walang may gusto sumakay dyan e. Ang bilis bilis ba naman lagi."
Sige, sasakay ako, masarap naman pag mabilis e.
Masarap ang hangin.
Napalingon ako kay Bobby.
"Babagalan ko para sayo." sabi niya at in-offer ang helmet.
Naglakad ako papalapit sakaniya, narinig kong sumara na ang pinto sa kotse, lumingon ako saglit at pumasok na nga si Dong.
Humarap ako kay Bobby at kinuha ang helmet.
Sinuot ko yun at umangkas na sakanya.
Sa motor niya.
Inistart niya na ang motor at napahawak naman ako sa laylayan ng coat niya.
Umandar na siya.
Tahimik siyang nagdrive at kahit magsalita naman siya hindi rinig dahil sa ingay ng motor.
Mahaba haba din ang byahe, nakakaantok, dapat pala sa kotse na lang ako sumakay, para pwedeng matulog.
Matagal pa bago kami nakadating siguro mga isang oras din yun.
bumaba kami sa isang resto.
"Family ni Song ang may-ari nito." sabi ni Bobby pagkahubad niya ng helmet.
"Ang laki.. mayaman pala talaga sila no?" tumingin ako sakanya at naghintay ng sagot.
Tumango siya.
"May store din sila ng mga meat." dagdag niya pa.
"Tara sa loob, andun na siguro sila." Anyaya ni Bobby.
Nauna siya sakin at nakasunod lang ako sakanya.
Pumasok kami, andun na yung iba pero wala pa si Song at June.
Nagsiupo kami, at naghanap na agad sila ng maioorder.
[Chan] "tag iisang meal lang ah, magbabayad pa ako kay Bobby-hyung."
BINABASA MO ANG
my type // Bobby (iKON)
FanfictionI am the 'talented and good-looking boy's type'. I can't believe it. I am his type. A newly arrived girl from Australia transferred to a school where a group of 7 dorks studies. She develops connection with them and made new friends and memories. H...