twenty-eight

23 2 0
                                    

Smae

"Manhid ba siya? Kaya nga iniwan ko na kayong dalawa dun para makapag-usap kayo e, pero firstly syempre kailangan magselos muna siya." inis na sabi ni Sythia habang nakain kami ng ice cream dito sa tapat ng fish pond.

Kakatapos lang namin mag lunch, yung iba naming friends nauna na sa room, kami napag-isapan magkwentuhan dito sa may fish pond.

"Hayaan mo na nga."

"Bakit ka ba kasi ganyan?" inis din na baling niya sakin.

"Ano?" nakangusong sambit ko.

"Bakit ayaw mo mag-make move para maayos to!?"

"Bakit ako?"

"Hoy, relasyon niyo yan no?"

"E ang hirap nga mag-make move na wala naman kayong label! Ano gagawin ko e di naman kami magjowa? Totoo naman nga may karapatan pa siya makipag-mingle sa iba----"

"Shut up! Nililigawan ka na di ba? Why mingle?"

"Hoy, ano ginagawa niyo ah." biglang singit ng isang pamilyar na boses.

Halos mapatalon kami ni Sythia sa gulat, paglingon namin ay si Donghyuk lang pala.

"Nagkukwentuhan lang." sabay naming sagot ni Sythia at saka nagscoop ulit sa ice cream namin na nasa cup.

"Wala tayong magagawa, matagal na magkaibigan si Bobby at Yejin e. Talo tayo dun." biglang sabi ni DK.

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Bakit ba kasi di ka pa umaamin, tapos sagutin mo na siya nang di na makawala." dagdag pa niya.

"E sa sinusubok ko pa siya e, observe muna, e mukhang ekis ata tong Bobby na to e." sagot ko.

"Ekis ka dyan? baliw na baliw ka nga dun e."

"Yun na nga e, feeling ko, I deserve better.. pero baliw pa rin ako sakanya kainis lang."

"Nice, recorded." sabi niya at tinaas ang phone niya na naka voice recording nga.

Holy sh...

Napapikit na lang ako, at pag dilat ko wala na siya, nakatakbo na.

Noong tinignan ko naman si Sythia ay nakangisi lang siya habang nailing.

Jusko ano ba gagawin ko sa mga to?

-

"What do you like to eat? or drink? treat ko." offer ni Haru.

Nandito na kami ngayon sa Claren.

Di manlang ako pinigilan ni Bobby, nakakainis.

"Haru.. ano bang pag-uusapan natin? I need to get home early."

"Uhh.. ganon ba? sasabihin ko na yung pakay ko."

Tumango lang ako.

"Narinig mo na ba yung salitang 'Frontrow'?" napataas ang kilay ko.

"I'm sorry?" tumawa ako ng mahina.

"Frontrow, gusto mo bang mag-invest?" seryosong tanong niya.

"Uh...?"

"Joke lang." bigla siyang tumawa at tumawa na rin ako.

my type // Bobby (iKON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon