three

39 2 0
                                    

Smae

Nakadalawang dry run na sila at ngayon nag water break muna sila pero sinabay na din nila ang pagkain ng mga foods na binili ni Song at Chan.

Nandito lang ako sa bench, tahimik na nakaupo.

"Smae, kain ka oh." Paanyaya ni Song.

Tumango lang ako saka hinimas ang tiyan ko, para sabihing busog pa ako.

Yung hitsura ng room ay malaki and it has mirror all over the walls, merong side na basag na ang mirror.

May speakers and instruments din sa isang area, may drums, pero hindi naman ganon kasikip sa room na ito. Maluwag pa din tignan.

May iilan din art canvases, atsaka art stand.

Habang iginagala ko ng tingin ang buong kwarto nagulat ako dahil pagkatingin ko sa harapan ay nakatayo doon si Bobby at may inaabot sakin na cookies.

Wala akong nagawa kaya kinuha ko na lang yun at kinain.

Di ko napanindigan yung sinabi ko kay Song.

Isa akong marupokpok.

Nagsimula na ulit sila magsayaw at kanta, habang pinapanood ko sila, ipinalipat lipat ko ang tingin ko sakanila.

Magagaling sila. Ang angas talaga
ng dating ni Bobby.

Natapos na ang practice ng 7:15 ang aga ngang natapos, 5:30 naman kasi nagsimula ang practice nila.

Umupo si Song at Chanu sa magkabilang side ko, parehas silang nagpunas ng pawis.

si Dong, June at Jinani naman ay nag indian sit sa foam.

si Hanbin ay humiga na at si Bobby ay naka beach sit naman.

Beach seat ba tawag dun? basta yung parang nag susun bathing hahahaha.

Nakatungkod yung dalawang braso, nakalapat yung mga biyas niya.

"May quiz pala bukas no?" paalala ni Song.

Basang basa yung tshirt na suot niya, yung iba din ay naka tshirt at slacks na kang, pero si Bobby naka uniform pa din.

"Oo, tatlo." sagot naman ni Chan.

"Easy lang yun." sabi ni Dong.

"Saang subject ba yun?" tanong ni Jinani habang pinupunas ang mukha niya sa likod ni Bobby.

"May quiz bukas?" tanong ni June na wala sa sarili.

[Dong] "Tignan mo 'to, walang alam." biro ni Dong.

[Song] "Wag ka na mag-aral June!"

[Chan] "Di naman na talaga yan nagaaral, napasok na lang yan para sa baon."

[June] "Lakas mo Chan ah, natutulog ka na nga lang sa klase e, pinapang-LoL mo lang baon mo e."

"Smae, pano ka? wala ka pa dito nung diniscuss yung mga ikuquiz bukas." baling sakin ni Song.

Napatingin ako sakanya saka ngumuso.

"Di ko nga din alam e." pag-amin ko.

"Ayan si Dong oh, tuturuan ka niyan." sabi naman ni Jinani at sinundot pa si Dong.

"Future teacher yan e." sabi naman ni Hanbin.

"Sige, pwede kita turuan, kaso hanggang 10pm lang ako. Tsaka saan naman tayo?" sabi niya na tumango tango pa.

"Pwede ka ba samin?" tanong ko.

"Pwede ba ako sainyo?" natatawang pagbalik niya ng tanong sakin.

my type // Bobby (iKON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon