Smae
Bigla akong naalipungatan dahil nakarinig ako ng tunog mula sa front door.
Napatingin naman ako sa oras.
2:03 pm.
Maaga pa masyado para makauwi si Kzae.
Bakit kaya napaaga siya?
Pero sakto kailangan ko siya.
Napalingon ako sa katabi ko, si Bobby na tulog na tulog na tulog rin.
Napangiti na lang ako.
Nakaramdam ako bigla ng mabigat na hakbang mula sa hagdan, narinig ko rin na bumukas ang pinto banda sa kwarto ni Kzae.
Siguro nga siya lang yun, maaga nakauwi.
Napabangon na lang ako.
Kawawa naman si Bobby di pa pala siya nakakain ng lunch.
Napaunat ako, pero bigla kong naramdaman at narinig yung mabigat na hakbang na papalit sa kwarto ko.
Mula sa pagkakaunat ng braso ko ay bigla kong na pangtakip ang mga kamay ko sa bibig ko.
Nanlaki rin ang mata ko nung narealize ko na TUESDAY NGAYON AT SI DADDY AY UUWI NA.
Agad kong hinampas yung katabi ko at nagulat naman siya.
“Ano yun? Bakit?” gulat at nag-aalalang tanong niya.
Siguro naiisip niya nag kakaseizure na ako.
“Shhh.” sita ko pa at nilagay ko ang hintuturo ko sa labi niya.
Ang lakas kasi ng pagkakasabi niya.
“Ey?” tawag ni Daddy mula sa labas ng pinto.
Lalong nanlaki mata ko.
SI DADDY NGA HUHUHU PAANO TO NASA KWARTO KO PA SI BOBBY BAKA KUNG AKO ANG ISIPIN NIYA.
SI BOBBY PA NAMAN UNA KONG NAPAPASOK SA KWARTO AT HINDI SIYA KILALA NI DADDY, AS IN NO IDEA.
“Sino yun?” nagtatakang sabi ni Bobby.
Napapikit na lang ako ng mariin.
Paano ang gagawin ko? SEND HELP
Dahan dahan bumukas ang pinto at napatayo na lang ako sa kama.
Alam ko sa sarili ko na mukha akong tanga dahil sa facial expression ko ngayon.
0.0
“D-daddy.” yun lang ang tanging naiusal ko.
“Sino ka?” gulat rin na tanong ni Daddy nung nabuksan niya na ng maayos ang pinto, tinutukoy niya si Bobby.
“Sir.” napayuko na lang si Bobby.
“Boyfriend mo?” tanong sakin ni Daddy habang nakatingin na sakin.
Nanlaki lalo ang mata ko, pakiramdam ko anytime pwede nang lumuwa eye balls ko.
“Ayaw kitang higpitan dahil ikaw ang panganay ko, iintindihin kita dahil first boyfriend mo yan, pero bakit kayo nasa kwarto?” mabilis na pagkakasabi ni Daddy.
Hindi ko na siya napigilan sa kahihiyan na inilabas niya sa bibig niya.
“Hindi ko siya boyfriend!” sigaw ko pero may galang pa rin.
“Bakit mo siya kasama sa kwarto mo kung hindi? ano kayo? friends with benefits?”
“Daddy !?!?!? mali yang iniisip mo.” naiistress na sabi ko.
BINABASA MO ANG
my type // Bobby (iKON)
FanfictionI am the 'talented and good-looking boy's type'. I can't believe it. I am his type. A newly arrived girl from Australia transferred to a school where a group of 7 dorks studies. She develops connection with them and made new friends and memories. H...