Ishi's POV
Ako po si Ishi Meonlei Golod. 4th year high school na this school year, nag aaral po ako sa KWorld Academy. Nag iisa na lang po ako sa buhay ko ngayon. Sumasideline nalang ako minsan para may pang gastos ako sa araw-araw. By the way may dalawa akong kaibigan , wag kayong mag alala makikilala nyo rin sila..
+++++
10:30 na ng gabi pero nasa labas parin ako. Nagutom kasi ako kaya naghanap ako ng pagkaen pero noodles at chocolate lang nabili ko. Naglakad lang ako papuntang store at ngayon pauwi na ako.
"Grabe ! ang layo ! lalo lang akong nagutom" >_<
Hanggang sa napadpad ako sa bakanteng lote at naupo sa bench sa tabi ng puno.
"Haayss ! nakakapagod ! Malayo-layo pa lalakarin ko."
Maya-maya lang may nakita akong fireball na pabagsak sa kabilang lote. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa tuluyan na itong bumagsak.
"Whoa! Ang ganda !"
Dahil pakielamera ako, pinuntahan ko kung saan eksaktong bumagsak yung fireball.
Habang papalapit ako, may nakita akong isang lalaki na nakahandusay.
"Nako po! kawawa naman yung lalaki ! Hindi kaya... Natamaan siya ng fireball ?!!"
Agad akong tumakbo kung saan nakahandusay yung lalaki.
"Nako.. ang gwapo naman pala nito" I thought
Agad akong tumawag ng ambulance, humihinga pa yung guy kaya siguradong buhay pa siya.
Meron lang siyang ilang sugat sa katawan.. ilang minuto lang dumating na yung ambulance.
"kuya !! dito po !!"
"Miss ano pong nangyari sa kanya ??"
"May nakita po akong fireball kanina na bumagsak dito kaya tinignan ko po. Tapos ayan, nakita ko na lang nakahandusay na siya"
"Niloloko mo ba ako miss ? Kung fireball ang tumama sa kanya edi sana patay na siya at sunog na ang katawan"
Oo nga ano ? Dapat patay na nga siya, pero sugat lang ang meron siya..
"Nagsasabi ako ng totoo kuya! Pero bago yun, pwede dalin na natin siya sa hospital? Baka kung mapano pa siya eh"
Isinakay na ni kuya sa ambulance yung guy. Paalis na sana ako pero pinigilan ako ni kuya.
"Hep Hep ! saan ka pupunta ?"
"Po ? edi .. uuwi na"
"Hindi ka uuwi, sasama ka saamin. Paano yung pasyente kapag okay na siya"
"Teka kuya, hindi ko naman siya kilala eh! Nakita ko lang siya, hindi ko siya kilala!"
"Hindi.. sasama ka saamin. Doon tayo sa hospital"
Pilit akong isinakay ni kuya sa ambulance. Ano pa nga bang magagawa ko.. Ilang minuto lang naramdaman kong mejo bumagal na yung ambulance. Bumukas yung pinto tapos nilabas na si guy at dinala sa ER.
Hindi narin ako pumasok sa loob. Naupo na lang ako.. Ilang minuto din akong naghintay. Sana lang okay siya, kung hindi sagutin ko pa yun.
Maya-maya lang lumabas na yung doctor.
"Doc, kumusta na po yung pasyente?"
"Okay na siya. But since hindi pa siya nagigising bibigyan muna namin siya ng private room para mas comfortable siya"
"Salamat Doc"
"Ikaw ba ang kamag anak ng pasyente?"
"Ahh hindi po. Kaibigan lang po ako nung pasyente"
BINABASA MO ANG
12 BOYS FROM EXO PLANET
Hayran KurguThis story is just my imagination.. Nothing's real but I hope you'll like it guys.