Simula

13.8K 111 1
                                    


ROWEN

"WENNA!!!" narinig ko na ang sigaw ng nanay nanayan ko kaya't tumakbo na ako sa pinto para ilock iyon dahil sasaktan nanaman niya ako, in short. Papaluin! Putangina! Beinte sinco na kaya ako!

"Lumabas ka diyan! Impakta ka! Nasaan na ang unang sweldo mo?!" aba't ang kapal ng mukha niyang kunin ang sweldo ko.

"Mas impakta ka..." bulong-bulong ko na lang sa sarili ko.

"Hindi ka lalabas diyan?! Puta ka!" parang masisira na ang pinto dahil sa lakas ng kalampag niya.

Tutal start pa lang nitong storya ko, gawin na lang nating cliché. Ako si Rowen, mas kilala sa pangalang Wenná. Pangit pakinggan, parang naná. Yung sa pigsa.

Inimpake ko lahat ng gamit ko, aakyatin ko ang bintana para makatakas. Hindi ko na kaya pang mamuhay kasama sila dito sa di kagandahang bahay namin na puro butas ang bubong.

Kung hindi niyo naitatanong dati akong akyat bahay nung highschool ako. Nahuli ako ng madrasta kaya ayun, bugbog ang abot ko. Wala kasi akong pambili ng bra kaya kinuha ko iyong bra ng kapit-bahay namin. Hindi naman pala kasya kasi cup A lang iyo, cup C pala ako. Nung sinuot ko ay hindi ako makahinga.

Kahit kailan talaga, hindi ko nagustuhang ang magsuot ng bra. Nangangati kasi iyong ilalim ng dede ko tapos magkakasugat. Pero ngayong may trabaho na ako, marami na akong bra. May terno pang panty. Nasanay na rin akong magsuot dahil kailangan. Babakat kasi iyong utong ko kapag hindi ako gumamit.

Pagkalabas ko ng bintana ay sumakay ako sa trycicle dala ang lahat ng mga bra ko--este damit ko. Nagpahatid ako sa bayan kung saan ang sakayan ng bus papuntang Maynila. Hindi ko sana babayaran iyong sinakyan kong trycicle pero nakita kong mukha iyong adik. Baka masaksak pa ako.

Matagal ko nang gustong maglayas sa amin pero hindi ko naman kaya dahil wala pa akong maipagmamalaki pa sa madrasta ko. Aping api ako ng mga tunay na anak niya dahil inampon lang ako ni Cardonino. Ang tatay tatayan ko naman na namatay na. Siya lang ang kasundo ko at mahal na mahal ko iyon. Kaya ng mawala siya ay mas lalong lumala ang pangaapi sa akin sa bahay naming hindi kagandahan. Saka sino bang may pake sa sinasabi ko? Wala namang nagtanong.

Pagkasakay ko ng bus ay may nakatabi akong matandang amoy kulob. Buong byahe nakatakip ako sa ilong ko. Sumasandal pa siya sa akin kapag nakakatulog siya. Feeling close amputa. Isang beses na natulak ko siya at napalakas ata iyon kaya't nalaglag siya sa upuan niya. Nagtulug-tulugan na lang ako, iisipin niyang naout of balance siya.

Ilang oras ang byahe bago makarating sa Maynila. Hindi kagaya sa lugar namin ay maraming tao dito at puro mga nakapormal. Para bang laging nagmamadali. Matataas ang mga gusaling nakapaligid sa akin. Marami pa akong nakitang mga bata na nakacap at makukulay ang damit. Sila ba iyong jejemon?

Naglibot pa ako kahit hindi ko alam. Napunta ako sa isang eskinita na maraming nakatambak na kung ano. Mga bakal at sirang parte iyon ng sasakyan.

Palabas na sana ako ng eskinita ng may humintong napakagarang sasakyan sa harapan ko. Kulay itim ito at kumikinang.

May lumabas ditong lalake na nakashades. Malaki ang katawan niya at mukhang mamahalin ang suot niya damit. Mainit pero nakalongsleeve? Manhid ata toh?

"Rowen Ophelia Michaels. 25 years old. Unemployed---"

"Excuse me! Hindi Michaels ang apilyedo ko! Batongbacal! At may trabaho ako sa lugar namin. Sa factory ng mga bra. Dinidiretso iyon sa divisoria. Class A at--"

"Sumama ka sa amin." may lumabas pang dalawang lalaki mula sa loob ng sasakyan na kapareho niya ng suot. Tatakbo pa sana ako pero hinawakan nila ako sa magkabilang braso.

Turn Me On [R18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon