Kabanata 5

6.1K 64 3
                                    

Kabanata 5

Nang maglapat ang labi naming dalawa ang halos mawala na ako sa huwisyo. Nanlambot ako kaya't kinailangan kong humawak sa kaniyang balikat para sa suporta.

Kinagat niya ng marahan ang aking labi dahilan para maibuka ko ito. At magkaroon siya ng pagkakataon para ipasok ang kaniyang makasalanang dila sa loob ng aking bibig na para bang may hinahanap na kung ano.

Mas lalo akong nakaramdam ng init mula sa kaloob looban ko. 

Ito, ito rin ang naramdaman ko noong una siyang may ginawa sa aking kabulastugan. Namalayan ko na lamang na itinulak ko siya palayo habang pareho naming hinahabol ang hininga.

Ngumisi lamang siya at inayos ang kwelyo ng kaniyang polo. Napalunok ako dahil kahit simpleng kilos niya lamang na ganoon ay naaakit na ako.

Hindi dapat ganito, siguradong may plano siya kaya niya ito ginagawa sa akin. Kailangan kong maging matatag. 

Ang kailangan kong gawin ay maghanap ng paraan para makatakas sa mansion na ito at sa lalaking manyakis na ito.

"Ano ba talaga kailangan mo? Manyak ka!" nanggigil na sigaw ko sa kaniya. Ngisi lamang ang ginawa niya at bumalik sa kaniyang upuan. 

"I said it before." sumimsim siya ng kung ano sa kaniyang baso na nakapatong sa kaniyang lamesa saka muling tumingin sa akin. Tinignan ko siya ng masama.

"Okay, I order everyone to dressed you up to make it up to you." mukha siyang malungkot.

"I want to apologised to what I have done to you. I've hurt without any reason, I'm really...s-sorry. I want you to know that I'm sincere in what I am saying right now. It's all my fault." 

"Ahm..." tinignan niya lamang ako na para bang naghihintay sa sagot ko, napalunok ako bigla. Sa totoo lang ay wala naman akong naintindihan.

"Pwede bang...." hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil nahihiya akong pagtagalugin siya. Mas- hot siya kapag naka ingles. Mukha siyang nalilito sa sinasabi. Itinaas niya ang kaniyang kilay. Saka sumandal. 

"May pabor sana ako...hehe." lalong tumaas ang kaniyang kilay. Iniisip na niya sigurado ngayon na makapal ang mukha ko.

"What?"

"Magtagalog ka na lang, hindi kasi kita gaano maintindihan eh." may sinabi siya na hindi ko maintindihan at marinig. Mukha siyang badtrip na ewan. Napikon ata.

"Pero kung ayaw mo...okay lang naman..." kinabahan ako lalo ng ibalik niya ang tingin sa akin.

"Fine." tumikhim siya. "I mean...sige." suminsim ulit siya sa kaniyang inumin.

"Bakit mo pala ako hinalikan kanina?" biglaang tanong ko sa kaniya. Maging ako, nabigla rin sa tanong ko sa kaniya. Loko ka, Wenna!

Naibuga niya ang kape sa sobrang pagkagulat. Nataranta akong lumapit sa kaniya habang nagkada ubo ubo na siya sa pagkasamid. Hindi mapigilang matawa at maawa sa kaniya.

"Tubig!" sigaw niya habang inuubo kaya't inilibot ko ang paningin sa malaking opisina na ito. Nakakita ako ng water dispenser sa hindi kalayuan kaya't dali dali akong tumakbo doon at kumuha sa palad ko.

"Iinomin ko yan? N-Nasa palad mo?!" gusto ko siyang kutusan sa pag iinarte niya.

"Inumin mo na kase! Ang arte mo ah! Kargo pa ng konsensya ko kapag namatay ka dito! Inom! Dali!" sinubsob ko na ang kamay sa mukha niya.

Turn Me On [R18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon