Kabanata 2
Napadilat ako ng maramdaman ko ang hapdi sa aking pulsuhan at bandang paa. Hindi kaagad ako nakakita ng kahit na ano dahil napakadilim ng kwarto. Nararamdaman ko lang ang telang kinahihigaan ko. Malamig dito sa loob.
Sino naman kaya ang gagong gagawa sa akin ng ganito? Kindap and ransom ba?! Wala namang pera ang pamilya ko! Baka nga natutuwa pa iyon na nawala ako sa bahay! Tsk.
Sinubukan kong gumalaw. Mahapdi na lang ang pulso ko pero wala ng tali pa. Ang paa ko ay hindi ko pa magalaw dahil namamanhid ito.
Luminaw kahit papaano ang paningin ko. Nakakita ako ng malapit na lamesa at dalawang bakanteng upuan. Inilibot ko pa ang paningin ko.
"Hi!"
"Putangina!" napamura ako ng marinig ko ang boses ng isang lalaki. Naaninag ko kaagad ang kaniyang mukha dahil napakalapit niya lang pala sa akin. Nasa gilid ko lang ang gago!
"Masakit pa ba pagkakatali nila sayo?" nakita kong sumilay ang ngiti sa labi niya. Alam kong gwapo ang isang ito.
Naalala ko na ang nangyari. Iyong lalaking galit na galit sa akin na wala naman akong ginawa sa kaniya. Kinain niya ang pempem ko pero nabitin naman ako.
"Anong kailangan niyo sakin? Wala akong pera. Mahirap lang kami." umiwas ako ng tingin dahil naiilang ako sa klase ng pagtitig niya sa akin.
Alam ko. Hindi siya iyong lalaki kanina.
"Hindi pera ang kailangan niya sayo. Kaya niyang magpagawa ng sariling pera." hindi ko siya pinansin. Kung hindi pera ay ano?!
"Ang pagdurusa mo. Ng pamilya mo." napatingin ako sa kaniya. Pagdurusa?
"Kung magdudusa rin lang naman ako. Siguradong kakayanin ko. Dahil buong buhay ko ay nagdurusa na ako sa kamay ng pamilya ko." I smiled weakly to myself. Sarap mamatay.
"Oops! Correction! Di ko nga pala sila pamilya, sampid lang kasi ako doon." tinignan niya ako na para bang nagtataka.
"Sampid?"
"Oo, ampon lang ako. Kaya hindi ko makuha ang punto niyo. Kung bakit niyo ako kinuha. Wala naman akong naaalalang nakaaway ng tatay at ng madrasta ko na mayaman, madalas ay kapit bahay lang namin. Hindi pamilyar ang mga itsura niyo sa akin."
"Mahirap ka lang?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.
"Hindi lang halata pero mahirap lang ako." sumimangot ako pero tumawa lamang siya. Ano bang problema ng lalaking ito. Tumayo siya at lumapit sa pinto. Sumakit ang mata ko dahil sa biglaang liwanag ng ilaw ng bumbilya na binuksan niya.
Nang mabawi ko ang aking tingin ay nakita ko ng malinaw ang kaniyang mukha. Katamtaman lamang ang kaniyang kulay. Makapal ang kilay niya at napakatangos ng ilong. Natural na mapula ang kaniyang labi at malalim ang kulay berdeng mga mata.
"Hindi nga halata." he smiled to me. May kung anong kumabog sa puso ko na hindi ko maintindihan. Umiwas ako ng tingin.
"Sabihin mo kung anong kailangan sa akin ng lalaking iyon." hindi ata bagay sa akin ang maging seryoso.
"Really? Hindi ko alam. He's just a friend of mine but. Wala siya nasabi sa akin patungkol dito." imposibleng kaibigan siya pero wala siyang alam sa plano sa akin ng kaibigan niya.
BINABASA MO ANG
Turn Me On [R18]
RomanceLoving an enemy is forbidden. But having sex with them is not. This story contains adult scenes that is not suitable for young readers. Parental Guidance is adviced. Read at your own risk. Do not report.