Kabanata 11

3.2K 35 0
                                    

Kabanata 11




NAKABALIK NA kami ni Yross sa villa. Hindi siya bumitaw sa kamay ko na para bang nawawala ako. Nakangiti lamang siya sa akin na para bang hibang. Sinaniban ata siya at ganito makaasta.

"Anong gusto mong kainin?" nagulat ako sa biglaang tanong niya.

"Kahit ano na lang." bahagya akong nag iwas ng tingin dahil sa paninibago sa kinikilos niya. Sarap bigwasan, sarap din halikan.

Pinagmasdan ko lamang siya habang kumikilos muli sa kusina. Sumusulyap sulyap pa siya sa akin na para bang lagi akong mawawala. Pagkatapos ay ngingiti o kaya naman ay kikindat siya. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o kikilabutan sa mga ginagawa niya.

Isa lamang ang pumapasok sa isip ko ngayon. Ang plano kong makaalis at makatakas sa kaniya. Kailangan kong makuha ang loob niya para makaalis kami dito sa islang ito at kapag nasa siyudad na kami ay mas madali akong makakatakas.

Pero mas madali ang lahat ng ito kung hindi siya ang tatakasan ko. Para bang napakahirap niya kasing iwan. Para bang iniisip ko pa lang ay naaawa ako sa hindi malamang kadahilanan.

Naisip ko kung may pamilya ba siya o wala. Nasaan na ang mga ito at bakit hindi niya kasama? Sa tingin ko ay meron naman siyang jowa. Sa ganyang itsura ay siguradong maraming nahuhumaling sa kaniya.

Nakatulala na lamang ako nang may biglang naglapag ng pinggan na puno ng pasta sa harap ko. Naupo si Yross sa harap ko. Nakatukod ang kaniyang parehong siko sa harap ko. Nakamuscle shirt lamang siya kaya't kitang kita ang kaniyang braso na malaki.

"Let's eat." todo ang kaniyang ngiti sa akin at may nilapag na plato na walang lamang sa aking harapan at sinalinan iyon ng pasta. Saka inabot sa akin.

"Salamat." iyon na lamang ang nasabi ko at tinuon na lamang ang aking pansin sa pagkain. Nakatitig lamang siya sa akin.

Napailing na lamang ako.

I WAS busy looking at her while eating when my phone rang. Tinignan ko ito at hindi pinansin sa una dahil si Lazarus lang naman ang tumatawag. Pero sa pangatlong ring ay sinagot ko rin. I look at Rowen for permission to answer the call anyway. Okay lang naman raw sa kaniya.

"What do you want?" I ask in a serious tone. Masama parin ang loob ko sa isang ito dahil may gusto siya kay Rowen.

"Wala manlang hello?" tumawa pa siya sa kabilang linya kaya't nairita ako.

"Don't waste my fucking time, I'm busy---" he cut me off.

"Busy on what? Sa pagpapaikot kay Rowen? Nakuha mo na ba? I bet you still don't?" napangisi ako sa paratang niya.

Kung alam mo lang Laz, nakailan pa. Mamatay ka sa inggit!

"I have plans, remember? I know you already know about that? Just wait and see."

"Oh, Yross! I know you too well. Pero pakiramdam ko ay palpak ka sa panahon ito! Just consider my offer. Akong bahala sa kaniya. Kapag nasaktan ko ba siya ng isang beses ay okay na? I can hurt her but just once. Tapos ay tapos na. I'll court her then and make her mine. At least I can mend her broken heart after, how about you ---"

Turn Me On [R18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon