Kabanata 1
"Wenna..." narinig kong tawag sa akin ng kaklase kong lalaki. Alam kong crush niya ako pero wala naman akong pakielam sa kaniya. Masyadong makapal ang salamin niya, kasing kapal ng tartar niya.
"Saang University ka papasok? Magtatapos na tayo. Baka pwede na kitang maligawan." ngumiti siya na parang nasa commercial ng toothpaste. Ang baho ng hininga niya.
"Ahm...pwede bang..layo ka onti. Baho kasi ng hininga mo." medyo napangiwi pa siya sa pangri realtalk ko pero ginawa rin naman niya.
"Sorry, nakalimutan ko mag toothbrush kanina. Excited kasi akong makita ka." akala naman nito, makukuha niya ako sa ganiyang banat. Mag toothbrush ka muna uy!
"Tinanong mo ba ako kung excited akong makita ka?" saya niya pagtripan.
"Excited ka ba makita ako?!" Tangina!
"Hindi." tinawanan ko siya ng malakas. Halos maluha na ako bago tumigil at iwan siya doon. Hindi ako makatiis sa amoy ng hininga niya.
Uuwi ako sa bahay. Wala akong kaibigan. Ganun kasi talaga kapag maganda. Maraming naiinggit sa akin. Pero mas naiinggit ako sa iba kasi kasama nila ang totoong magulang nila. Ako, wala.
Lagi akong utusan sa bahay. Hindi ko nga alam kung makakatapos ako ng kolehiyo sa ganitong estado ng buhay namin. Hindi itinago sa akin ang pagiging ampon ko. Ipinapamukha pa sa akin iyon ng nanay nanayan ko dahil ampon lang ako ni tatay. Siya lang ang nakakaintindi sa akin.
Pagkarating ko palang sa tapat ng gate ay nagbunganga na agad ang nanay.
"Ano pang tinatayo tayo mo diyan?! Maghugas ka ng pinggan! Tapos labhan mo iyong nasa labahan at kailangan ni Kathy ng damit bukas! Wag ka tatanga tanga diyaan at baka mabugbog kita! Aalis kami ng tatay maglinis ka dito ah! Dapat pagbalik namin wala ng kalat dito!" pagod ako pero ganito ang bubungad araw araw sa akin. Nasanay na rin ako pero minsan ay nakakapagod rin.
Umalis silang pamilya. Oo, sila lang naman talaga ang pamilya. Sampid lang ako dito. Kahit na kailan ay hindi ako nasama sa mga paglabas labas nila. Kahit na pagbili ng simpleng damit ay hindi nila magawa. Mga pinaglumaan na lamang ang napupunta sa akin.
"Tanginang buhay toh..." napamura ako ng makita ang gabuntok na labahin sa basket. Tangina ang babaho. Parang walang CR dito ah?!
Sinimulan ko nang maglaba. Wala pang laman ang sikmura ko pero ito na muna ang gagawin ko para matapos ako ng maaga at magawa ang mga assignment ko.
Pagod na pagod ako pero hindi pa doon natapos dahil kailangang linisin ang bahay. Mag aalasyete na at baka dumating na sila. Mayayari nanaman ako sa impakta.
Pati ang mga kwarto nila ay nilinis ko. Wala naman akong kwarto dahil sa sala lang ako natutulog. May papag at isang unan doon. Wala pa akong kumot. Paggising ko ay puro kagat ako ng lamok at nangangatog sa lamig.
Nangako ako sa sarili ko na kailangan kong makatapos ng pag aaral para makaalis ako dito. Malaki na ang pasasalamat ko kay tatay dahil kinupkop niya ako at pnalaki kahit ayaw ng asawa niya.
Nang mamatay siya lalo akong naghirap. Sobrang pang aalila ang ginagawa sa akin. Doon na rin ako natutong lumaban. Sabi ni tatay noon, hindi dapat sa lahat ng oras ay magpapaapi ako. Dapat ay matuto akong lumaban. Sinabi niya iyon bago siya nalagutan ng hininga. Humingi pa siya ng tawad at hindi ko alam kung para saan ba iyon.
BINABASA MO ANG
Turn Me On [R18]
RomanceLoving an enemy is forbidden. But having sex with them is not. This story contains adult scenes that is not suitable for young readers. Parental Guidance is adviced. Read at your own risk. Do not report.