Kabanata 6
"How's life here?" biglaang tanong ni Lazarus matapos ang napakahabang katahimikan.
"Ahm...okay naman." hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Wala pa naman akong experience na maglibot at mamuhay sa mansion na ito.
Kung ako lang ang tatanungin, mas gusto kong bumalik sa madrasta ko na sinasagot sagot ko lang, kaysa dito na nakakulong ako. Atleast, duon ay malaya akong makagala dahil wala naman silang pakielam sa akin.
"May ginawa ba sayo si...Yross na hindi maganda?"
Napaisip ako. Kung magsusumbong kaya ako sa lalaking to ay makakatakas ako? Kaibigan parin siya ng demonyong iyon. Baka hindi ko siya mapagkatiwalaan.
"Wala." umiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung mapapansin niya ba na nagsisinungaling ako. Bahala siya.
"Really?" ngumisi siya na para bang hindi naniniwala sa sinasabi ko.
"Oo nga! Ang kulit naman ng lelang mo!" sigaw ko pabalik sa kaniya.
"Fine, naniniwala na ako." parang pilit na saad niya, tinarayan ko siya.
Matinding katahimikan nanaman ang namahagi sa amin. Mapapanis na ang laway ko dahil hindi manlang siya nagsasalita. Ang sarap niyang batuhin ng lupa.
Sobrang boring kaya minabuti ko na lamang na tumayo at maglakad.
Ramdam ng paa ko ang mga damo. Dudumi ang paa ko pero okay lang, kaysa naman may takong ako pero masakit sa paa.
Binalingan ko ng tingin si Lazarus. Nakatingin lamang siya sa akin habang nakataas ang kilay at may maliit na ngiti sa labi. Mukha siyang tanga.
Nakapangalumbaba siya at parang bored na rin. Nasaan na ba kasi ang Yross na iyon.
Bumalik ako sa kinauupuan ko kanina. Marumi na ang paa ko. Maputik.
"Gusto mo bang makaalis sa lugar na ito?"
Napatingin ako sa kaniya bigla ng magsalita siya. Ano nanamang pakana ng isang ito?
"Kung gusto mo, sumama ka sa akin." he handed me is hand. Nagdadalawang isip kung tatanggapin ko iyon. Nanlaki ang mata ko nang marealize ko ang gusto niyang mangyari.
Siraulo naman pala itong gagong 'to eh!
Ayoko ko pang makipagtanan! Marami pa akong pangarap na gustong matupad!
Tumayo ako at dali daling binatukan siya.
"Aray! Ano ba?!" sigaw niya pabalik habang hawak ang batok niya. Kita kong gigil siya sa akin sa ginawa ko.
"Anong sumama sayo?! Wala pa sa isip ko ang pakikipagtanan! Saka may trabaho ka ba?! Ilang taon ka na ha? Halos ngayon pa lang tayo nagkakilala tapos....ah! Basta! Hindi ako sasama!"
Hindi makapaniwalang nakatingin siya sa akin. Wala namang mali sa sinabi ko.
Ilang minuto lamang ay humalagpak siya ng tawa. Iyong napakalas at nakahawak pa sa tyan niya. Nakakainsulto 'tong hayup na ito.
BINABASA MO ANG
Turn Me On [R18]
RomanceLoving an enemy is forbidden. But having sex with them is not. This story contains adult scenes that is not suitable for young readers. Parental Guidance is adviced. Read at your own risk. Do not report.