Kabanata 7
NAGISING AKO sa hindi pamilyar na kwarto. Nanaman? Araw-araw ba akong ililipat ng lalaking iyon ng kwarto? Bawat araw ko na ata ay iba ang kinagigisnan kong kwarto?
May balak ata ang isang iyon na ipagamit sa akin lahat ng kwarto dito sa mansyon...?
Napansin ko ang bukas na bukas na bintana. Iba ang tanawin sa labas. Kitang kita ang asul na kalangitan. May ganito bang parte sa mansyon? Sa pagkakaalam ko ang puro punong matatayog ang nakapaligid dito?
Tumayo ako para pagmasdan ang labas. Napatigil ako ng makita ang tanawin. Dagat. Kahit saan ako tumingin ay puro dagat sa hindi kalayuan.
Ano namang ginagawa ko sa ganitong lugar?
Napakatahimik. Walang katao tao sa lugar na ito.
Nagsimula na akong mangamba. Ipinatapon na ba ako ng gagong iyon sa islang ito? Ng mag isa lamang? Gugutumin niya ako?
Bumalik ang tingin ko sa kwarto. Puro puti lahat. Mapa dingding, mga gamit, kama, sahig, kahit saan ako tumingin ay puti!
Lumapit ako sa pinto, dahan dahan ko iyong pinihit. Nagulat ako ng hindi iyon nakalock! Hindi ako sanay dahil lagi akong kinukulong ng lalaking iyon sa mansyon.
Hindi kaya talagang iniwan na niya ako dito? Paano ako mamumuhay dito? Baka kapag gabi ay may halimaw na kumain sa akin dito?!
Pagkalabas ko ng kwarto ay natanaw ko ang hallway. May katapat na pinto ang kwartong nilabasan ko. Kapag tumingin sa kaliwa ay naroon ang kahoy na hagdanan.
Nakapaa akong bumaba. Hindi na ako nagpalit pa ng damit. Naka black spaghetti strap na dress lamang ako. Wala akong bra na nararamdaman, maski panty ay wala. Hindi ko alam kung sinong nagsuot sa akin noon, basta ang mahalaga ay nakadamit ako.
Napansin ko rin na wala akong tali sa buhok, mukha akong bruha.
Pagkababa ko ay kita agad ang dining area. Malinis dito at para talagang tinitirhan. Tanaw ang kitchen counter na kahoy. Simple lamang dito. Malawak dito sa ibaba dahil hindi ganoon karami ang gamit.
Ang ceiling na kahoy pati ang sahig ay napakagandang tignan.
Napaisip ako na, kung ipapatapon man ako ni Yross. Bakit sa ganitong lugar? Masyado itong maganda para pagtapunan lamang ng kagaya ko.
Nandito kaya siya?
Umiling ako sa naisip. Ayokong makasama ang gunggong na iyon sa ganto kagandang lugar. Masisira lang ang araw ko.
"You're awake."
"Ay, putangina!"
Napatingin ako sa likuran ko. Naglalakad papunta sa pwesto ko si Yross. Walang pang itaas na damit. Shit!
Napalunok ako sabay hagod ng tingin sa 8 pack abs niya. Kakagaling lamang ata sa dagat o paligo dahil basa ang buhok at katawan niya. Tumutulo pa ang kaunting tubig sa abs niya!
Kailan pa ako nangarap na maging tubig? Para naman mahagod ko ang pandesal niya!
"Sharap." wala sa sariling saad ko.
"What?" pabalang na tanong ni Yross.
"A-Ano? What? Wala!" defensive na saad ko sa kaniya. Umiling lamang siya.
Kinabahan ako doon ah!
Hindi na siya nagsalita saka ako nilampasan. Napatingin ako sa kaniya na dumiretso sa isang pinto sa tabi ng kusina at pabagsak na isinara iyon. Napatalon pa ako sa lakas.
BINABASA MO ANG
Turn Me On [R18]
RomanceLoving an enemy is forbidden. But having sex with them is not. This story contains adult scenes that is not suitable for young readers. Parental Guidance is adviced. Read at your own risk. Do not report.