Kabanata 10
KUNG NILOLOKO niya ako, lolokohin ko rin siya.
Iyon lamang ang umiikot sa isipan ko habang nakatingin sa lalaking nasa harapan ko at masayang kumakain.
Masaya ba siya dahil nakascore nanaman siya sa akin kanina? Masyado siyang malibog. Pati sa labas at tinira niya ako. Wala talaga siyang patawad.
Gusto mo rin naman.
Parang may kung sinong nagsabi noon sa utak ko kaya't napaigtad ako. Napatingin sa akin si Yross.
"Are you okay?"
Ako magiging okay?! Halos lumpuhin mo na ako sa bayo mo tuwing magchuchorva tayo tapos tatanongin mo kung okay ako? Masarap pero magsisisi ka sa huli sa sakit ng katawan na aabutin mo!
Nagsisisi ka nga ba?
Parang may demonyo nanamang bumulong sa akin sa kung saan. Huminga na lamang ako ng malalim at hindi na nag isip pa. Wala naman akong iisipin dahil wala akong utak.
"D-Do you really like me?" tanong sa akin ni Yross na para bang nahihiya pa. Gusto ko sanang masuka pero kailangan kong magpanggap. Kailangan kong makuha ang loob niya para makatakas ako dito.
"Oo, gusto kita."
Gusto kitang patayin, nanggigigil ako sayo. Gigil mo si ako!
Namula ang gago. Ngayon ko lang siya nakitang ganito at hindi ako makapaniwalang nagbablush din pala ang mga demonyo.
"Hindi ka ba naniniwala?" sunod na salita ko sa kaniya. Sinadya kong lambingan ang boses ko na parang nagpapaawa. Umiling siya at biglang hinablot ang kamay ko para hawakan saka nagsalita.
"Naniniwala ako." nandidiri ako sa klase ng ngiti niya. Hindi ko matanggap na masyado siyang gwapo kapag nakangiti. Para akong hihimatayin dahil nakita ko ulit ang malalim niyang dimples at perpektong ngipin.
Magkakagusto kaya sakin ang isang ito? Mukhang mahihirapan ako nito.
"Do you want to swim?" biglaang tanong niya habang naghuhugas ng plato.
Nakita kong nagflex iyong malalaki niyang muscle sa likod. Kitang kita ko iyon dahil nakamuscle shirt lamang siya. Napalunok ako.
"Uhm..Ano...sarap.." nanlaki ang mata ko sa lumabas sa aking bibig. Boba!
"What?" napaharap siya sa akin saka nagtanong. Nataranta ako bigla at napatuwid ng upo.
"Ahh! Ano sabi ko...masarap lumangoy, kaso di ako marunong." napakamot ako ng ulo. Mukha naman naniwala siya. Yes! Nakalusot.
"Don't worry, akong bahala sayo." halos mangisay ako ng kumindat siya sa akin. Putangina! Bakit sobrang gwapo ng diyos na ito!
Napanguso ako ng maisip na hindi dapat ako kiligin sa kanya. Dapat ay siya ang kiligin sa akin.
Umalis ako sa pagkakaupo sa high chair at naglakad ng tahimik papunta sa likod niya. Nang makalapit ako ay dahan dahan kong ipinulupot ang braso ko sa bewang niya. Chansing ka Wenna!
Grabe! Walang bilbil! Ang tigas ng tiyan! Pamatay ang abs ni gago!
Naramdaman kong natigil siya sa ginagawa at nanigas. Hinigpitan ko ang yakap ko para maramdaman niya ang dibdib ko sa likod. Lalo siyang hindi makagalaw.
"R-Rowen, what are you d-doing?" nauutal na tanong niya.
Ikiniskis ko ng bahagya ang aking dibdib sa likod niya kaya't napaabante siya sa lababo. Kinakabahan.
BINABASA MO ANG
Turn Me On [R18]
RomanceLoving an enemy is forbidden. But having sex with them is not. This story contains adult scenes that is not suitable for young readers. Parental Guidance is adviced. Read at your own risk. Do not report.