Kabanata 12
Tatakas ako. Hindi ako pwedeng manatili sa lugar na ito. Papatayin ako ni Yross sa hindi ko malaman na kadahilanan.
Bakit ako pa? Mamatay man ako ngayon ay wala talaga akong naargabyadong tao sa buhay ko.
Rinig na rinig ko ang usapan nilang dalawa ni Lazarus. Ngayon ay nagsisisi na akong hindi ko tinanggap ang alok niya sa akin na tumakas noon. Tanga ka talaga, Rowen!
Takot na takot ako habang tumatakbo sa kagubatan. Nagtungo ako sa likod ng villa at nakita ko sa hindi kalayuan ang isang gubat. Nagmamadali akong tumakbo sa takot.
Takot hindi dahil sa papatayin niya ako, kundi dahil sa pagsisisi at pandidiri. Natatakot ako na kapag nakita ko siyang muli ay bumigay nanaman ako.
Nagsex kaming dalawa. Bobo na kung bobo pero gusto ko 'yon. Pero sa pagkakataong ito ay hindi na iyon mauulit pa.
Pagod na pagod na ako sa pagtakbo kaya't sumandal muna ako sa isang puno. Nahihilo na rin ako sa gutom. Wala naman akong makitang pwedeng makain sa paligid.
Pinagpatuloy ko ang paglalakad. Namulot ako ng mga sanga na pwede kong sindihan para sa pagdaing ng gabi. Takot na takot akong naglalakad dahil dumidilim na at wala parin akong nakikitang tao o bahay manlang sa paligid na pwedeng hingan ng tulong. Hindi ko na kakayanin pang makasama ang taong gustong pumatay sa akin.
Kahit na natatakot ay pinagpatuloy ko ang paglalakad, sabog sabog na ang kulot kong buhok. Pawisan na rin ako kaya pumili ako ng isang lugar na maaaring pagpahingahan. Nang maupo ako ay saka lamang rumehistro sa akin lahat ng nangyari.
Gusto ko lang magbagong buhay kaya ako nagpunta sa Maynila. Hindi ko akalaing nandito na ako sa sitwasyon na ito. Napaiyak na lamang ako. Kahit na kailan sa buhay ko ay hindi ako umiyak kapag napapagod na ako. Noon, iniisip ko lang na kakayanin ko pero ngayon, hindi ko na alam. Nawawalan na ako ng pag asa.
Pinagpatuloy ko ang paghikbi at pagiyak nang may marinig akong kumaluskos sa paligid. Napatalon ako sa sobrang gulat.
Natigil ako sa pag iyak at nag angat ng tingin. Tinignan ko ang paligid. Halos wala na akong makita sa sobrang dilim ng paligid nang may marinig nanaman ako. Mas malapit na sa akin ang tunog ngayon kaya't napatayo ako at sinimulan na ang pagtakbo sa sobrang takot.
Sana ay hayop lamang iyon na naligaw. Sana ay hindi si Yross.
Mas tumakbo ako ng mabilis ng maramdaman kong may humahabol na sa akin ngayon. Rinig na rinig ko ang kaluskos ng mga halaman at kahoy na naapakan sa aking likuran. Sa kasamaang palad ay nadapa pa ako. Naramdaman ko na nagkasugat ako dahil sa hapdi sa aking paa.
"Who are you?"
Nagsitindigan ang balahibo ko sa narinig na boses. Tao? Lalaki!
"What are you doing here?" mas dumiin ang kaniyang boses. Hindi ko maaninag ang kaniyang mukha sa sobrang dilim.
"W-Wag mo akong sasaktan...p-parang awa mo na...kailangan ko lang ng tulong....Please...." napaiyak na ako sa sobrang takot, ito na lang ang natatanging paraan para makaalis sa lugar na ito.
BINABASA MO ANG
Turn Me On [R18]
RomantikLoving an enemy is forbidden. But having sex with them is not. This story contains adult scenes that is not suitable for young readers. Parental Guidance is adviced. Read at your own risk. Do not report.