Kabanata 9
NAKATULALA LAMANG ako sa lalaking natutulog sa tabi ko. Nakaunan siya sa dibdib ko at mahigpit ang yakap sa akin. Wala parin kaming saplot na dalawa. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya na nakadikit sa akin.
Hindi ko alam kung panaginip lang ba ang lahat ng ito, kung panaginip man ay gusto ko nang magising. Gustong gusto.
Bakit ko...isinuko ang sarili ko sa kaniya? Sa gagong ito pa?
Noong nakaraang araw lamang ay tinanggihan ko siya sa kahibangan niyang pakasalan ako pagkatapos ay ganito ang mangyayari? May nangyari samin!
Dahan dahan kong inaalis ang kaniyang malalaking braso na nakapulupot sa akin nang bigla iyong gumalaw at mas lalong humigpit ang yakap sa bewang ko.
"Where are you going?" nagulat ako nang magsalita siya.
"Maliligo lang ako."
Tumingala siya sa akin, kumabog nang husto ang puso ko nang magtama ang tingin namin.
"Then let's bath together. I know you're still sore, I can help--"
"Wag na, kaya ko ang sarili ko." biglaan kong inalis ang braso niyang nakapulupot sa akin. Sinadya kong biglain ang kilos para hindi na siya makaalma pa. Umalis ako sa kama at hinila ang isa pang comforter para itakip sa hubad kong katawan.
Dumiretso ako sa cr at tinignan ang sarili ko sa salamin.
Ano bang nangyayari sa akin?
Pakiramdam ko ay may malaking nagbago sa pagkatao pagkatapos ng mga nangyari.
Ngayon ko lang naisip na, bakit nga ba ako nandito? Bakit kasama ko ang lalaking iyon? Bakit niya ako kinuha, binihisan at....kinama.
Hindi ko siya kilala. Wala akong kilala na kagaya niyang tao. Makapangyarihan. Lumaki ako sa napakahirap na pamilya. Wala akong maalalang may nakasalamuha kaming mga marararangyang tao.
Ang gusto ko lang naman ay mamuhay ng maayos dito sa syudad kaya ako umalis sa amin noon. Pero hindi ko alam na ganito pala ang kahahantungan ko dito.
Nagawa kong isuko ang sarili sa taong hindi ko mahal at hindi ako mahal. Hindi biro ang ginawa ko. Paano kung mabuntis ako?
Inilubog ko na lamang ang sarili ko sa bathtub. Baka sakaling nawala ang lahat ng iniisip ko kapag nakapagpahinga ako kahit na saglit. Marami akong masyadong iniisip. At alam kong hindi iyon maganda.
"Rowen! Fuck! Anong ginagawa mo diyan!" napabalikwas ako sa gulat nang marinig ko ang sigaw at kalampag sa labas ng cr. Nakatulog ako!
"Shit!" napamura ako at dahan dahang tumayo sa tub.
"Rowen!" patuloy parin siya sa pagsigaw mula sa labas ng cr.
Nang masuot ko ang robe ay agad kong binuksan ang pinto. Nagulat ako ng biglaan niya akong yakapin. Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya.
Pagkatapos ay bumitaw siya sa yakap at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"Tangina, pinag alala mo ako! Kanina ka pa sa labas! I was waiting for you the whole time!"
Nagulat ako sa pagtaas ng boses niya.
"Ahm....ilang oras akong nasa loob?" sa totoo lang ay hindi ko talaga alam.
"You are there for 10 fucking minutes!" galit na galit siya. Sampong minuto lang?
"Ang oa mo! Sampung minuto?! Ang lakas ng tama mo!" tinawanan ko lamang siya at lumayo na ako. Baka kung ano nanaman ang mangyaring masama kapag masyado akong lumapit sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Turn Me On [R18]
RomanceLoving an enemy is forbidden. But having sex with them is not. This story contains adult scenes that is not suitable for young readers. Parental Guidance is adviced. Read at your own risk. Do not report.