1

461 9 0
                                    


Napawi ang mga ngiti sa labi ni Luke ng pumasok sa locker room ang coach nila na madilim ang mukha.Katatapos lang ng laban nila sa ibang school,at gaya ng inaasahan ng nakakarami ay nanalo sila. Kaya hindi niya alam kung bakit aburido ito imbes na magsaya gaya ng ginawa nila bago ito pumasok sa locker room.

'Luke maligo ka at pagkatapos ay puntuhan mo ako sa opisina ko.' utos nito. Umalis din ito kaagad na para bang hindi ito nagtungo sa locker room nila.

Tiningnan niya ang iba at wala na rin ang mga ngiti sa labi ng mga ito. Binaba ni Luke ang hanggang tuhod na medyas at tinanggal ang shin guard bago hinubad ang soccer shoes.

'Anong problema Luke?' tanong ni Justin sa kanya.

'Hindi ko alam?' sagot niya sa pagitan ng paghuhubad ng damit at pagtapos ay sinunod ang short. Nakatayo sa harap ng ibang teammates na tanging boxer brief lamang ang sout. Pero wala siyang pakialam, wala naman siyang ikinahihiya sa boung katawan niya.

'You did well, Cap. Kung pinatawag ka man ni Coach Nick marahil ay para yun sa susunod na game na tin.' pang-aalo ni Ian.

'Marahil.' sagot niya sabay pagkibit ng balikat.

Iniwan ni Luke ang mga teammates at pumasok sa isa sa mga shower at mabilis na naligo. Nagbihis kaagad siya at tsaka nagpa-alam sa mga ito.

Pumasok sa Luke sa opisina ng hindi kumakatok. Naupo siya sa upuan sa harap ng table ng Coach nila kahit hindi pa man siya inanyayahan. Ilang beses na rin siyang nakapasok dito at alam na niya ang gagawin. Pero hindi niya mapigilang hindi kabahan, lalo pa't galit na ito nang tawagin siya.

Hindi nag-abalang magtaas ng tingin ang coach nila. Nanatili itong nakatingin sa papel na binabasa. Ilang sandali pa'y itinabi nito ang papel at tiningnan siya.

'Naghihintay ka ba na puruhin kita sa laro mo kanina, Ramirez?' tanong nito.

'Hindi, Coach.' sagot niya kaagad.

Nick Santos, is a man on his fifties. Malaki ito at matangkad kung ikukumpara kay Luke. At nakakatakot sa tuwing galit. Bihira lang din itong pumuri kaya kahit pa man alam ni Luke na maganda ang ipinakita niya kanina sa laro ay wala siyang aasahan dito.

'Mabuti, dahil wala kang aasahan sa akin. Lalo pa sa narinig ko kanina kay Mrs. Valdez.'

Napapikit si Luke nang marinig ang pangalan ng kanyang math teacher. Ngayon alam na niya kung bakit galit ito.

'Wala ka man lang bang balak sabihin sa akin ito? Alam mo kung ano ang mangyayari sa oras na bumagsak ka! Pwde kang ma bench worst matatanggal ka sa line up.Hindi lang ang teammates ang umaasa na makukuha natin ang kampeonato ngayon, pati ang may ari din nitong school. They expected too much from us that we can't afford to made mistake!' galit nitong saad.

Alam ni Luke lahat ng iyon dahil sinabi din yan ni Coach Nick nang gawin siyang captain nito. Pero anong magagawa niya, he can be pretty confident in everything but not when it comes to math. He hated that subject at ganun din ito sa kanya.

'I'm sorry Coach. I've tried my best.' rason niya. It sound pathetic but that's what it was. 

'Then you are not trying enough. Wala ka sitwasyon ngayon kung una pa lang ay sinabi mo na sa akin ang problema mo sa subject mo. Last year mo pa dapat kinuha ang subject pero inawasan mo, alam mong habang nag-aaral ka ay magkikita pa rin kayo ng math na yan.'

Nanatiling nakatingin si Luke sa Coach nila at tahimik lang na nakikinig sa mga sinasabi nito. Pwede siyang magmayabang o maging arogante dito, pero hindi sa paksa na ito.

'Intro to College Mathematics. Basic and simple problem dahil hindi naman related sa course mo. Kung naipasa mo ang math nung high school, magagawa mo din ngayon.'

'I barely manage. Pumasa lang ako dahil sa kaibigan ko.' he reasoned out.

'Tawagan mo siya at huminga ka ulit ng tulong.' saad nito na para bang ganun lang kadali iyon.

'I can't, Coach.Lumipat na sila ng bahay at naputol din ang kumunikasyon naming dalawa.' sagot niya.

It was not a lie, but it was not the whole truth either. Iris, his ex-girlfriend on high school, was the reason he passed and able to graduate. Ito lang ang nagtyagang nagturo sa kanya at kailanman ay hindi sumuko na maipapasa niya ang subject.

Nagdesisyon ang pamilya nito na lumipat at kasabay nun ay naputol din ang kumunikasyon nilang dalawa. Walang sino mang nakipagbreak sa kanilang dalawa, pero mahigit isang taon na rin ang lumipas. They're relationship can be considered done.

'Sinasabi mo bang kaya mong ipasa ito kung may tutulong sayo?'

'Yes. Definitely.' kampante niyang sagot.

'Kakausapin ko si Mrs. Valdez. Asahan mo ang text ko mamaya sa magiging resulta ng pag-uusap namin. Makakaalis ka na.'

'Thank you, Coach.' tumayo si Luke at nilisan ang opisina nito.


Inisang lagok ni Luke ang baso ng alak na sinerve sa kanyang harapan bago umorder ulit.Narito ngayon sila sa isang bar na may kalayuan sa university para icelebrate ang pagkapanalo nila. Ito ang napag- usapan nila bago pa man pumasok si Coach Nick sa locker room. Pero ngayon ay hindi magawa ni Luke maging masaya gayong alam niyang hindi permanente ang posisyon niya sa team.

'Pare, okay ka lang ba talaga?' tanong ni Hunter.

'Yeah.' sagot niya lang.

Hinila niya ang babaeng kanina pa pinipilit na kunin ang atensyon niya at pinaupo sa mga hita niya. Nang maghiwalay sila ni Marie ay pinangako ni Luke na pansamantalang kakalimutan ang mga babae dahil wala din naman itong magandang naidudulot sa kanya. He fell in love twice, at dalawang beses din siyang nasaktan. He learn that in order for him to guard his heart, it should not involve in the first place. 

Sinunggaban niya agad ang babae at mariing hinalikan na kaagad namang sinuklian nito. Nilaliman ni Luke ang halik at pinagapang ang kamay sa exposed nitong balat dahil sa sout. Parang baliw ang babae sa itaas niya at kinikiskis ang katawan nito sa kanya. Hinayaan lang ni Luke ang babae, dahil nagugustuhan niya rin ang ginagawa nito sa kanya.

This is the only thing that he can offer. Quick fuck. No string attached sex. 

'Hey man, get a room.' biro ni Justin.

Pinutol ni Luke  ang halik at  tiningnan si Justin. Prente lang itong nakaupo habang may dalawang babae sa magkabilang gilid nito. Nakangisi ito at ineenjoy ang mga babae sa tabi. He look like he already moved. Lucky for him.

 Sa tabi nang babae ni Justine  ay tahimik lang si Hunter na umiinom at hindi pinapansin ang babae na kanina pa siya hinawakan. Seryoso lang itong umiinom at minsan ay nakikipag-usap sa teammates nila. May girlfriend na ito at matagal na rin sila ni Chloe, kaya alam niyang hindi nito sasayangin ang relasyon sa nobya para lamang sa panandaliang sarap.

'Hey.' tawag ng babae sa kanya.

Tiningnan ni Luke ang babae at alam niyang nabitin niya ito. Napangiti siya pero ang kaninang init na naramdaman niya ay nawala na. Hinawakan niya sa beywang ang babae at inilipat ito sa tabi niya.Narinig niya ang pagkadismaya sa boses nito at ilang sandali lang ay iniwan siya nito. Sinundan lang ni Luke ng tingin ang babae at napakibit balikat bago bumalik sa pag-inom ng alak. 

Maybe he will stick to drinking and forget on getting laid tonight. 


Nov. 11, 2017

The Secret TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon