'Hoy san ka pupunta?' tawag ni Chloe sa kanya.
Itinaas ni Marie ang kamay at pinakita ang hawak na cellphone sa kaibigan. 'Ihahatid ko lang kay Luke ang cellphone niya.' sagot ni Marie habang sinusuot ang tsinelas. Inabot niya ang jacket na nakasabit sa pader at mabilis na isinuot.
Tiningnan ni si Chloe na nahiga sa kama nito at nakangiti habang nakaharap sa cellphone.
'Aalis na ako. I lock mo na lang ang pinto paglabas ko, may dala akong susi.'
'Okay. Pero hindi pa ako matutulog, basta bilisan mo lang.'
Tumango si Marie bago lumabas. Habang naglalakad sa hallway at pababa nang hagdan ay tumunog ang cellphone niya. Hindi naka phonebook ang nag text sa kanya. Binasa niya ang message na galing pala kay Luke, dahil nga naiwan ang cellphone nito ay nakitext ito sa iba, Si Marie na mismo ang nagsabi na siya na lang ang pupunta sa dorm nito dahil nga nakalabas na rin siya nang dorm.
Nagpasalamat siya na naisipan niyang magjacket palabas dahil nga sa lamig ng hangin. Napansin kaunti na lang din ang estudyante kumpara kanina nang ihatid siya ni Luke. Usually mga ganitong oras ay may tumatambay pa sa labas.
Nakita na ni Marie ang building ng dorm ni Luke, pero nakuha nang lalaking nakatayo sa gilid. Hindi kailangang makita ni Marie ang mukha nito para makilala ni Marie ang lalaki. Kahit ang katawan niya ay automatic na nag rereact na para bang may sixth sense siya.
Napaatras si Marie at planong bumalik sa dorm niya, nang mapahinto dahil sa lalaking nakatayo sa harap niya.
'Hello, Marie.' nakangiting nitong saad na nakapagpataas ng balahibo sa batok ni Marie.
Pamilyar ang lalaki kay Marie, marahil ay nakita na niya ito nung sila pa ni Justin.
'I know you're looking for Luke,but sadly he's not here right now. Kasama siya ngayon nang isang kaibigan namin. Maybe they're just hanging out and catching up.' sabi ni Justin na naramdaman niyang nakalapit na sa kanya.
Kinabahan si Marie sa narinig mula kay Justin. ALam niya kung anong kaya nitong gawin. Pero hindi niya maintindihan kung bakit ito ginagawa ni Justin. He's wasting his future because of her and his jealousy on Luke.
Hinarap ni Marie si Justin. 'Why are you doing this Justin. Kaibigan mo si Luke, hindi ko maisip na kaya mo siyang saktan dahil lang hindi mo matanggap na nasa kanya ang gusto mo.It was childish and immature.'
Bigla siyang hinablot ni Justin at inilapit ang mukha niya dito. It was wrong move to provoke Justin, at huli na bago maisip ni Marie iyon. Justin kept staring at her, at kahit hindi niya gaanong nakikita ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa poste ay ramdam naman ni Marie ang galit nito. Naghintay siyang pagbuhatan nito ng kamay, dahil dito naman ito magaling. Pero tiningnan lang siya ni Justin at ilang sandali pa ay binitiwan.
'You can come and witness how I end Luke's dream, or just stay here. Tandaan mo lang Marie na sa oras na malaman kung may pinagsabihan ka nito, hindi ako magdadalawang isip na saktan si Luke.' banta ni Luke.
Hindi alam ni Marie ang gagawin. The best thing to do is call a help, pero alam niyang hindi magdadalawang isip si Justin sa gawin ang sinabi nito. Pero hindi niya rin kayang tingnan kung paano nito tatapusin ang pangarap ni Luke. Nang marinig niya noon ang nangyari kay Jolo ay nasaktan siya kahit hindi naman sila ganun ka close ng lalaki. But to Luke, it would be a pure torture knowing she will be there and there's nothing she can except to watch.
Justin waiting for her answer and Marie choose to be with Luke kahit alam namang niyang may magagawa siya. Marie nod in response ay sumabay kanila Justin sa sasakyan nito. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ni Justin. At habang wala na siyang nakikitang mga gusali at tanging kadiliman na lang ang nakikita sa labas ay mas lalong lumalakas ang kabog sa puso ni Marie.
BINABASA MO ANG
The Secret Tutor
Teen FictionAkala ni Luke ay natakasan na niya ang subject na pinakaiinisan niya ng gumraduate siya ng high school. Hindi niya akalaing pati pagtungtong ng college ay nakasunod pa rin ito sa kanya. Worst, his position on the soccer team was in jeopardy dahil sa...