7

123 6 0
                                    

'Congrats, Luke.' 

Napatingin si Luke sa pinanggalingan ng boses at nadismaya ng makita na nag-iisa lamang si Chloe. Pinigilan niya ang sariling tanungin ang babae kung nasaan si Marie, dahil alam naman niya na hindi siya sasagutin nito ng maayos. Nag-uusap sila minsan, pero alam niyang may galit pa rin ito sa kanya dahil sa nangyari sa kanila noon ni Marie.

'Thank you, Chloe.' saad niya.

Lumapit si Hunter sa kanila matapos nitong makausap ang mga kasama. Abot tenga ang ngiti nito. At dapat siya din. With tonights  game  ay pasok na sila sa championship game, pero hindi niya magawa ang maging masaya. Hindi nangako si Marie na manood ito, but Marie is a big fan of football. Naalala niya hindi pa ito nagmintis na manood ng laro nila last year, wether it was because of Justin or anything else.'

Where's Marie?' tanong ni Hunter. Tahimik na nagpasalamat si Luke sa kaibigan ng itanong nito sa girlfirend ang kanina pa niya gustong itanong kay Chloe. 

'Hindi ko alam.' sagot nito na nakatingin kay Luke. 

Nagtaka si Luke sa sagot nito. Originally ay may session sila ngayon, pero dahil nga may laro ay hindi natuloy. Akala niya ang magkasama ang dalawa na manonood. 

'What do you mean?' pagkaklaro niya. 

'Nag text siya na mauna na ako dahil kailangan niya pang tapusin ang project niya. Pero hanggang sa matapos ang laro ay hindi ito dumating. Marahil ay hindi pa ito tapos sa ginagawa.' 

Napatango na lang si Luke sa sagot ni Chloe. Iniwan niya ang dalawa ang pumasok sa locker room. Naabutan niya ang mga kasama na nagkakasiyahan sa loob. He hugged everyone at pinuri ang magandang laro ng mga ito. Muntikan na niyang makalimutan kung bakit siya malungkot imbes na magsaya kasama ang teammates nang mapansin na hindi niya pa nakikita si Justine pag katapos ng laro. 

He wanted to talk to Justin and clear everything, pero hindi niya ito nakita maliban ngayon. And with the pressures of today's game ay nawala din ito sa isip niya. Pagkatapos ng laro ay bigla na lang itong naglaho.  

'Nakita niyo ba si Justine?' tanong niya sa mga kasama. 

'Kanina pa umalis, Cap.' si Ian ang sumagot. 

 Hinubad niya nag maduming damit at nagbihis, mamaya na siya maliligo pagkatapos makita si Marie. Nagpaalam siya sa mga kasama at mabilis na nilisan ang lugar. Tinakbo niya papunta si dorm ni Marie. Medyo tahimik ang paligid dahil nasa field halos lahat ng estudyante at sumoporta sa laro kanina. 

Nang makapasok sa gusali at tinanong niya kaagad ang unang taong nakita niya kung saan ang kwarto ni Marie. Tiningnan siya nito masama, pero tinuro naman nito ang kwarto ni Marie. Habol ang hiningang huminto siya sa tapat ng kwarto ni Marie. 

Kinalma muna niya ang sarili bago kumatok at naghintay ng sagot sa loob. Ilang segundo ang lumipas ay walang sumagot. Sinubukan niyang buksan ang pinto pero na lock ito. Tahimik siyang napamura at tinalikuran ang pinto. Maybe it was just a coincidence na hindi nanood si Marie at nawala din si Justin. 

Kinuha niya ang cellphone sa bag ay sinubukang tawagan si Marie. Nag riring lang ito at walang sumasagot. Hanggang sa malabas sa building ay hindi siya huminto sa pagtawag kay Marie. Naghintay siya sa labas at tinitingnan ang paligid. Hindi maintindihan ni Luke kung bakit siya nagkakaganito. Wala namang sinabi na masama tungkol kay Justin, but he can't shake off the feeling that there's something wrong. At hangga't hindi niya nakikita siya ay hindi mawawala ang pag-aalala niya. 

Ilang minuto ang lumipas ng makita ni Luke ang pamilyar na bulto ng katawan ni Marie. Nagpakawala siya ng malalim na hininga. He promised na kakausapin niya lang ito ay aalis na siya. They have a celebration party in the bar, at ayaw niya namang maging KJ sa mga kasama. Marahil ay nauna na doon si Justin kaya hindi niya nakita ito. 

The Secret TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon