Mabilis na hinila ni Luke si Justin nang makapasok sila sa locker room. Isinandal niya ito at kwinelyuhan. Halata ang gulat sa mukha ni Justin, marahil ay hindi nito ang inaasahan ang gagawin niya. Simula pa lang ng praktis kanina ay pinilit ni Luke na pakalmahin ang sarili at ituon ang atensyon sa laro. During that time he imagine every possible scenario how to murder his teammate, dahil wala itong karapatan para tawagin niyang kaibigan.
Luke read Justin's text on Marie and older message na hindi binura ni Marie sa cellphone. And it took an ounce of control and patience not to drove to Justin's house and punch him.Hindi maisip ni Luke kung paano tinatagan ni Marie ang sarili sa mga banta nito ang mga salitang gusto niyang kalimutan at magpanggap na hindi niya pinakialaman ang cellphone ni Marie habang tulog ito sa byahe.
Ilang sandali lang ay nakalapit na sa kanilang dalawa ang ibang kasama.
'Luke.' it was Hunter. Pinipilit nitong ilayo silang dalawa ni Justin, pero lalo lang hinigpitan ni Luke ang pagkakahawak sa damit nito.
Luke stared directly into Justin eyes, trying to intimidate the man. Kung mauwi man ito sa sapakan ang mas malaki siya kay Justin at hinding hindi siya magdadalawang isip na gamitin iyon bilang advantage niya.
'Ano bang problema mo?' maangas nitong tanong na para bang hindi ito naapektuhan siya mga titig niya.
Tough. Sa isip ni Luke.
'You tell me, Justin?'
'You should be clearer Luke.'
'Hindi ako makapaniwala na nahulog ako sa kasinungalinan mo. And worst nasaktan ko yung taong mahal ko. And you even had the nerve to threaten her? What the fuck Justin?'
'She's mine Luke. Ako ang nauna sa kanya.'
'She already dump you Justin. Now she's mine at wala akong balak na pakawalan siya. Itaga mo yan sa kukuti mo.' matapos mabitawan ang mga salita at binitiwan ni Luke si Justin pero hindi pa rin siya umaalis sa harap nito.
Justin raise his hand at huli na bago mahulaan ni Luke ang gagawin nito. Tumama ang kamao ni Justin sa panga niya. Napaatras si Luke. Nalasahan niya ang dugo sa bibig niya, at para bang isa itong lason sa katawan niya pero iba ang epekto nito. He's seeing red, and his eyes singled out on Justin. Mabilis niyang binawi ang mga hakbang at ibinalik ang suntok kay Justin. Tinamaan niya ito sa panga bago nailigan ang sunod na suntok niya.
Ang kanina lang na nakatayo at nanonood na teammates nila ay pumapagitna ngayon at pinaglalayo sila.
'You gonna pay for this Luke. Sisiguraduhin kung pagsisihan mo kung bakit mo ako kinalaban.' banta ni Justin
Bumuka ang bibig ni Luke pero bago pa man niya masabi ang gustong sabihin ay ang malakas at galis na boses ni Coach Nick ang umalingawngaw sa boung kwarto.
'Anong kaguluhan ito?'
'Sinuntok ako ni Luke.' si Justin ang sumagot. Narinig ni Luke ang di makapaniwalang reaksyon ng mga kasama. Totoo sinuntok niya si Justin pero ito ang naunang nanuntok sa kanya.
Marahas na napatingin si Luke sa lalaki at nakita niya ang pagngisi nito. Hindi na niya makilala ang dating kaibigan dito. He changed so much. Gustong sunggaban ni LUke ang dating kaibigan pero ayaw niyang magmukhang walang modo sa harap nang coach nila. Kaya kahit na galit ay pinanatili ni Luke ang kalmadong ekspresyon.
'Luke at Justin sa office ko. Kayong mga natira ay magbihis na at umalis. Malapit na ang exam niyo na and I will be expecting to hear a great result from your teacher. Ayokong magkaroon nang isa pang alalahin maliban sa kung paano tatalunin ang kalaban niyo sa finals.'
BINABASA MO ANG
The Secret Tutor
Teen FictionAkala ni Luke ay natakasan na niya ang subject na pinakaiinisan niya ng gumraduate siya ng high school. Hindi niya akalaing pati pagtungtong ng college ay nakasunod pa rin ito sa kanya. Worst, his position on the soccer team was in jeopardy dahil sa...