10

130 6 0
                                    

'Ayoko na Luke.'

Umiling tsaka tinakpan ang bibig nang pakiramdam niya ay masusuka siya.Today is the foundation day of the town, at naisipan ng mga tao dito na magtayo ng mga free rides na hindi pa nila nagawa nung mga nakaraang taon. And Luke being Luke, sinubukan nila ang boung rides sa lugar, mapaferris wheel man yan, carousel at kahit mga pambatang rides ay sinakyan nila.Para silang bumalik pagkabata, and Marie love the feeling, pero yung sikmura niya ay hindi sumasang-ayon sa isip niya.

'Marie hindi pa natin nasakyan yung octupos. Sabi ni Nico ay mas thrilling daw yun.' saad nito na ang tinutukoy ay ang kaibigan nito.

Kanina pa lang pagkapasok nila sa lugar na pinagdausan ng kasiyahan ay ilang beses silang huminto at kinausap ang mga kaibigan at kakilala ni Luke.Ipinakilala din siya nito bilang girlfriend.Hindi nakaligtas kay Marie ang pagtitinginan ng kaibigan, marahil ay may kinalaman ito sa nangyari kay Luke at Aria. Marie believe Luke, at nang sinabi nito na siya lang ang mamahalin nito, naniniwala siya kay Luke.

Kasama nilang pumunta ang boung pamilya ni Luke, pero naghiwalay din sila nang mag-aya si Luke na sumakay ng ferris wheel.

'Ikaw na lang. Maghihintay na lang ako dito.'

'Sure ka?'

Of course hindi. Yun ang gustong isagot ni Marie. Wala siyang kakilala dito, at kahit wala namang problema sa kanya ang makipaghalubilo sa ibang tao ay naiilang pa rin siya. Lalo na nung makita niya ang tingin ng iba babae sa kanya.

Pero sa halip ay tumango siya. Kinagat niya ang pang-ibabang labi upang wag pigilan si Luke nang talikuran siya nito at maglakad para pumila sa entrance ng rides. Naghanap siya ng pwedeng maupuan habang hinihintay si Luke, nang makakita siya ng semetadong bench ay nilapitan niya ito at naupo. Nagulat si Marie ng makita si Luke sa harapan.

' Anong ginagawa mo dito Luke?'

'I can't leave you, Marie. I was disappointed you would even think of that.'

'Dyan ka lang naman sa malapit, kaya wala namang problema.' saad ni Marie na pilit pinipigilan ang pagngiti.

'Pano pag may lumapit na babae sa akin? Hindi ka ba magseselos.'

'Nope.' she answered popping the 'P'.

'No? Kahit kaunti?'

Umiling si Marie bilang sagot.

'Ouch.' saad ni Luke at hinawakan pa ang dibdib nito.

'Hindi naman lingid sa kaalaman ko na maraming nagkakagusto sayo. Pero alam kung ako lang mahal mo, kaya hindi ako mangangamba.'

Ambot tenga ang ngiti sa labi ni Luke. Inilahad ni Luke ang kamay niya na mabilis namang tinanggap ni Marie.

'Let's go eat.'

Gabi na ng magdesisyon si Luke at Marie na umuwi. Gusto pa sana nilang magtagal pero may pasok bukas at kahit nilang magpalit ng damit para sa dinner mamaya.Pagkarating sa bahay ay pinaakyat kaagad sila para makapagpalit. Pinauna ni Luke si Marie at nagpaiwan siya upang tulungan ang ina sa paghahanda, pero itanaboy siya nito at inutusang magbihis na. They are expecting visitors, pero hindi sinabi ng ina kung sino. Sa huli ay umakyat na rin, naroon din naman si Allie upang umalalay sa ina kung may kailangan ito.

Pagkarating sa kwarto niya ay naabutan niya si Marie na nakatingin sa mga damit na nalatag sa kama niya. Yes, they are sharing the room and it will never be the last time. Luke like to sleep beside Marie, at alam niyang hindi pa handa si Marie na ibigay ang sarili nito sa kanya. Luke can wait kahit gaano pa katagal dahil alam niyang sa kanya din naman ibibigay ni Marie ang kapurihan nito. After college? Or maybe after he married her? It doesn't matter to him now. Sa ngayon ay hinahayaan mo na niyang maging kumportable sa kanya si Marie, at itatak sa isip nito na kailanman ay hindi niya aabusuhin ang tiwala nito.

The Secret TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon