'Narinig kong si Luke pala ang tuturuan mo.'
Nag angat ng tingin si Marie at nang makita ang kaibigan ay binitiwan niya ang hawak na mga handouts at itinabi ito. Nandito siya ngayon sa foodcourt dahil nagugutom siya at the same time ay kailangan niya ring mag-aral. Hitting two birds in one stone, ika nga.
'Oo.' payak niyang sagot bago sinubo ang tuna sandwich at uminom ng juice sa carton.
Naupo si Chloe sa harap at kumuha ng fries sa plato niya. Sinamaan niya ito ng tingin pagkatapos ay inilayo ang pagkain sa kaibigan. Hindi niya maintindihan kung bakit ang hilig nitong kumain sa pagkain ng iba gayong bumibili din naman ito para sa sarili.
'Okay lang ba sa'yo?' tanong nito sa pagitan ng pagsubo, this time ay ang pagkain na nito.
Napabuntong hininga si Marie. 'Wala akong choice Chloe. It's either this o hihinto ako sa pag-aaral sa next sem. Kung aasa lang ako sa trabaho ko at sa pera na ibinibigay ni Ate Jessie ay baka tumanda na ako hindi ko pa natatapos ang engineering.'
'Pano yan eh mahal mo pa yung hingante na yun?'
'It's not as if were picking where we left off.'
Tumango ito. 'Okay.'
Tiningnan ni Marie ang kaibigan habang kumakain ito. It's was an unusual for Chloe to be silent about this thing. Nang maghiwalay sila ni Luke ang marinig at sinabi niya kay Chloe ang mga sinabi ni Luke sa kanya ay kailangan pang tumulong si Hunter para pigilan ang nobya para lang wag sugurin si Luke. But later that day, nalaman niyang sinuntok ni Hunter si Luke.
Nagulat si Marie ng may marinig na tumawag sa pangalan niya. Tiningnan ni Marie ang kaibigan, pero ngumoso lang ito. Sinundan ni Marie ng tingin ang itinuro nito. Nagulat siya ng makita si Luke na nakatayo sa tabi niya. Naka plain white T's lang ito at faded na pantalon, pero hindi nabawasan ang kagwapuhan nito. Tinaas ni Marie ang tingin at ng magtama ang mga mata nila at hindi napigilan ni Marie ang pagkabog ng dibdib. Kinuyom niya ang mga kamay at pilit na pinapakalma ang sarili. Ayaw niyang makita ni Luke na may epekto pa rin ito sa kanya.
Napakurap siya ng maramdamang may tumama sa kanya. Kinuha niya ito ng mahulog sa mesa at nakitang tirang french fries iyon. Napatingin siya sa kaibigan at nakita niya ang naglalarong ngiti sa mga labi nito. Binato niya ito pabalik kay Chloe, napangiti siya ng tumama ito sa noo ng kaibigan. Gaya kanina ay kinuha ito ng kaibigan at kinain.
'Sayang ang pagkain.' depensa nito ng tingnan ng masama ni Marie. Tumayo si Chloe at kinuha ang bag pati na rin ang basura nito sa mesa. 'Aalis na ko Marie sasabayan ko pa si Hunter mag-aaral.'
Walang nagawa si Marie kundi tingnan na lang ang papalayong pigura nito. Hindi niya maintindihan ang kaibigan, ayaw nito kay Luke dahil sinaktan siya ng lalaki, pero ngayon ay nagagawa na siyang iwan nito kasama si Luke.
'Nakaistorbo na ako?'
Nabalik ang atensyon niya kay Luke na nakatayo pa rin.Tinuro niya ang upuan sa harap niya at mukhang nakuha naman nito dahil umupo ito. Nilagay ni Luke ang bag sa mesa.
'Why are you here Luke?' tanong niya kaagad ng makitang kumportable na itong nakaupo.
'Can't wait to get rid of me?' seryosong tanong nito.
'No. May klase pa ako, kaya kung gusto mo akong kausapin, you only had...' tiningnan ni Marie ang relo bago nagsalita ulit. 'ten minutes.'
'That would be enough. I'm just gonna say that we might end our practice later than intended, and it's a waste of time to go out. Pwede bang sa dorm ko na lang?'
Luke had a point about going outside. Pero sa dorm nito? No. Definitely no. Baka imbes na maturuan ng maayos ito at pumasa ay baka lumala pa. She maybe mad at him, a little bit mad at him, pero yung puso baka magwala. Isipin niya pa nga lang ito parang nakipagkarerahan na kabayo ang puso niya. Ano pa kaya kapag kasama niya ito sa isang silid. Hunter is there, alam niya iyon, dahil kasama ni ito ni Luke sa kwarto. Pero sapat ba iyon para maging matino siya sa pagtuturo dito? Maybe not.
BINABASA MO ANG
The Secret Tutor
Teen FictionAkala ni Luke ay natakasan na niya ang subject na pinakaiinisan niya ng gumraduate siya ng high school. Hindi niya akalaing pati pagtungtong ng college ay nakasunod pa rin ito sa kanya. Worst, his position on the soccer team was in jeopardy dahil sa...