4

167 5 0
                                    

Ilang beses na tiningnan ni  Marie ang  relong pambisig at ilang beses din siyang nagpakawala ng buntong hininga. Nandito siya sa labas ng dormitory building ni Luke.Ilang minuto na rin siyang nakaupo sa hagdan ng front porch ng building , at ayaw naman niyang pumasok sa loob lalo na't sinabi ng mga kasama nito na hindi pa dumadating si Luke.

Tumayo si Marie at nagpabalik balik sa paglalakad sa front porch ng gusali.Napatingin ulit siya sa relo ay kalahating oras na siyang nandito, kahit text ay wala man lang siyang natanggap mula kay Luke. Marahil ay nakalimutan nito ang session nila ngayong gabi.

Napabuntong hininga si Marie. Huminto siya sa paglalakad at tiningnan ang daanan patungo dito. Wala man lang bulto nito o marahil ang tunog ng magara nitong sasakyan.

Naiinis na bumaba siya sa hagdanan.Marahil ay nakalimutan nito na first session nila ngayon. Yakap yakap ang sariling naglakad siya sa malamig na gabi. Marami pa ring mga estudyante sa school grounds ang iba ay palabas ng school marahil ay gagala basi na rin sa mga get up ng mga ito.

Naiinggit siyang tinitingnan ang mga ito. Hindi niya maalala kung kelan ang huli niyang gala. Kung kailan walang siyang inaalala maliban sa maglibang at magsaya. Bawat araw ay iniisip niya kung hanggang kailan magtatagal ang pera niya. Kung kailan pwede siyang kumain ng sobra sa budget niya para sa araw na iyon.

Napapikit siya at binura ang mga bagay na iyon sa isipan niya. Alam niyang darating din ang araw na iyon, oras na makapagtapos siya. Kaya kung kailangan magdildil siya ng asin ay pagtitiyagaan niya grumaduate lang siya.

Napansin ni Marie na may tao sa harap niya, pero bago pa man  niya mailagan ito ay nabangga na niya ito. Tumingala siya upang magsorry, pero nawala agad ang mga salitang iyon ng makita ang mukha ni Luke.

Mabilis na humakbang palayo si Marie kay Luke. 

'Marie. Mabuti at naabutan kita.' saad nito. Wala man lang sorry o di kaya ay  rason kung bakit ito nalate.

'Maybe because I wait for you for the last thirty minutes.'  she maybe sound complaining, pero wala siyang pakialam. Pwede naman itong magtext, para saan pa ang paghingi nito ng number niya. 

'I...' narinig niya na ang mahina nitong pagmura bago tumingin sa kanya. 'I'm sorry.'

Kung sa ibang pagkakataon ay matutuwa siya  makitang humihingi ng tawad si Luke. But not this time. She found nothing funny in this situation, not when she waited for the last thirty minutes outside hiss dorm waiting for the man who she think doesn't take this seriously. Or maybe he had a good reason, but she not ready to hear it. 

'You should be sorry. Ilang oras akong naghintay sayo, kahit text hindi mo lang magawa.' galit na saad niya dito. 

Napayakap siya sa sarili ng dumaan ang malamig na hangin. Tahimik na pinagalitan ni Marie ang sarili kung bakit hindi man lang siya nagdala ng jacket gayung alam naman niya na lalabas siya. Nagulat siya ng tanggaling ni Luke ang sout na jacket at ipatong sa mga balikat niya. 

'Bumalik na tayo sa dorm  o kung pwede ay bukas na lang.'

Napailing si Marie. 'May trabaho ako bukas, Luke. Bumalik na lang tayo, medyo maaga pa naman.'

Tahimik silang naglakad pabalik sa dorm ni Luke. Nangmakapasok sa loob ng building ay ilang pares ng mga mata ang napatingin sa kanila. Hindi pa nakapasok si Marie dito nung sila pa ni Luke, dahil alam niya ang takbo ng isip ng ibang tao. Pero iba ngayon, wala na silang relasyon ni Luke at kung nandito man siya yun ay dahil sa kailangan niyang turuan si Luke. Nang binuksan ni Luke ang kwarto nito at pumasok sila ay nakita niya agad si Hunter na nakihiga at nagbabasa ng libro. Tumayo ito ng mapansin silang dalawa ni Luke.

The Secret TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon