5

143 5 0
                                    

Mabilis na nagpalit ng uniporme si Marie pagkapasok sa locker room ng mga empleyado ng coffee shop na pinagtatrabahuan niya.Isa siyang waitress sa coffee shop hindi kalayuan sa campus. Dito niya kinukuha ang pang-araw araw na gastos. Kung minsan ay hindi pa nga sapat dahil kailangan niyang dagdagan ang pera na padala ng Ate Jessie niya para lang makapagbayad sa school fees.

Hindi niya rin masisi ang Ate Jessie niya, sa halip ay nagpapasalamat pa nga siya dito. Labindalawang taong gulang siya at labingpitong taon gulang naman ang ate niya ng mamatay ang magulang nila sa aksidente. Inako ng Ate niya ang responsibilidad sa mura nitong edad. Huminto ito sa pag-aaral at naghanap ng trabaho para lamang mabuhay sila.

Ipinaubaya nito sa kanya ang mga pangarap na hindi natupad. At kahit naghihirap ay pinilit siya nitong papag-aralin siya sa isang maayos unibersidad.Alam ni Marie na hindi lang sapat na umasa siya sa kapatid para makapagtapos, kaya nga kahit sa maliit na paraan ay tumutulong siya. At kapag nakuha niya ang scholarship na pinangako ng eskwelahan, isa itong malaking tulong para sa kanya. Hindi na kailangan ng kapatid niya na magpadala para sa kanya. Pwede na itong mag ipon sa sarili nito. At marahil at bumuo ng sariling pamilya.

'Good afternoon.' bati ni Marie kay Josh, kasama niya rin waiter.

'Marie.' tumango ito.

Nagsimulang nagtrabaho si Marie.Hindi kalakihan ang coffee shop kaya hindi din ganun kalaki ang area na pagseserbisyuhan niya.Ngumingiti siya sa bawat customer na pumasok at magalang na kinukuha ang mga order nito.

Gaya nang mga nakaraang araw ay hindi karamihan ang custumer ngayon, ibig sabihin konting tip. Imbes kasi na magtungo sa coffee shop ang mga tao, ang iba pumupunta sa mga bar tuwing gabi. Kaya naman medyo mahina ang kita at walang masyadong trabaho tuwing gabi. 

Pinahinga  niya muna ang mga paa habang naghihintay ng mga mga customer na papasok. Gusto niyang matulog at ipahinga ang hapong katawan, pero alam niyang hindi pa mangyayari yon dahil kasama siya sa huling shift ay kasama din siya sa magsasara ng shop.

Tatlong customer na lang ang naiwan, at pinilit niyang tumayo upang simulan ang pagpunas ng mga nabakanteng table. Nang matapos siya sa area niya ay sinali niya na rin ang kay Josh dahil nautusan ito sa pagchecheck ng inventory. Nasa huling table na siya nang makita niya ang tissue sa table. Itatapon na sana niya ito ng mapansin niyang may nakasulat dito. Napangiti si Marie ng maisip na isa ito sa mga admirer ni Josh. Pero mabilis na nawala ang mga ngiti niya ng makita ang nakasulat.

You are mine, Marie. Always mine.

Walang mang nakasulat na pangalan pero alam ni Marie kung kanino ito galing. Naglakad siya palapit sa bintana ay tiningnan ang labas. Hinahanap ang pamilyar na mukha ni Justine sa mga dumadaan na mga tao,pero wala ang pamilyar na bulto ng katawan nito.

'Marie, okay ka lang?'

Napatingin si Marie kay Josh tsaka tumango. Naikuyom niya ang kamay kasama ang tissue na naglalaman ng mga salitang palagi niyang natanggap kay Justine. Ilang beses na niyang bi-nlock ito at ilang beses na rin siyang nagpalit ng number kaya hindi niya kung bakit alam nito ang number niya. Tanging malapit lang sa kanya ang nakakaalam ng number niya, at alam niyang hindi ibibigay ni Hunter ang number niya dito.

Natatakot si Marie, dahil ngayon at hindi nalang ito nakukuntento sa text. Pati sa trabaho niya ay ginugulo siya nito. Hindi niya na alam ang tumatakbo sa isip nito. 



'Mari, okay ka lang ba talaga?'

Hindi maalala ni Marie kung ilang beses na siyang tinanong ng kaibigan.Narito sila ngayon sa dorm nila at nanood ng romantic movies sa laptop nito. Pero mukhang interesado pa si Chloe sa kanya keysa sa palabas sa harap.

'Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na okay lang ako.'

Hinawakan nito ang kamay niya at marahang pinisil.'. Hindi ko na nagugustuhan ang ginagawa niya Marie, natatakot ako para sa iyo.'

'Chloe, si Justine iyon, he won't do reckless thing in public. May imahe itong inaalagaan. ' saad ni Marie sa kaibigan. Pero hindi niya alam kung sino ang pinipilit na papaniwalain sa sinabi niya, ang kaibigan o ang sarili niya.

Hindi niya na kilala ang bagong Justine o kahit yung Justine na minahal niya noon. Hindi niya rin alam kung ano ang takbo ng isip nito. Puno ng mga banta ang cellphone niya mula dito. Pero wala naman itong ginagawa sa kanya. Kaya naisip niyang baka hanggang salita lang ito. Hindi niya alam ang gagawin kung umabot sa punto sa saktan ulit siya nito. At ang kinakatakot niya ay baka wala nang makakatulong sa kanya.

'In public, yes. But in private? Marie muntikan ka na niyang gahasain, at hindi ko maisip ang mangyayari sa yo kung hindi ako dumating. Worst, pinigilan mo pa akong idemanda siya.'

Walang maboung sagot sa utak ni Marie. In her defense, she avoided trouble at that time because she can't afford to transfer to another school. At mayaman ang pamilya ni Justine, kuing sakaling man idemanda niya ang lalaki at wala siyang pera pambyad sa abogado sa mga trial na gagawin. Kaya ginawa niya ang iniisip niyang tama ng mga oras na iyon. 

'Mag-iingat ako Chloe. I made sure na may kasama ako umuwi kahit pa kulitin ko si Josh na ihatid ako.'

'Pano pag nagtuturo ka kay Luke?'

'Nasa loob ng campus ang dorm niya Chloe at kahit gabi na ay marami pa rin namang estudyante sa school ground.'

'Kahit na.Magpahatid ka kay Hunter o di kaya kay Luke pagkatapos ng session. Okay?'

Pinaikot ni Marie ang mga mata. 'Chloe wag ka nang paranoid.'

'Marie wag matigas ang ulo okay. Makakahinga lang ako ng maluwag kapag nalaman kung may maghahatid sayo.'

Sa huli na napatango na rin si Marie. She maybe stubborn, pero walang tatalo kay Chloe pagdating sa patigasan ng ulo. 

Ilang sandaling natahimik si Chloe at binalik na rin ni Marie ang tingin si monitor ng laptop. Nawala na ang gana niyang manood marahil ay hindi na niya alam ang mga nangyari, pero pinilit niya ang sariling ituon ang pansin sa monitor. Alam niyang kapag hinayaan niya ang sarili na mag-isip ng iba ay mapupunta lang ito sa magandang mukha ni Luke. 

'Si Luke ang dahilan di ba kaya ayaw mong matanggal si Justine sa team?'napatingin si Marie kay Chloe ng magsalita ito sa tagal na pananahimik. 

'Pano nasali si Luke sa pinag-uusapan natin?' balik na tanong niya imbes na saguting ang  tanong ng kaibigan. 

Inilipat nito ang laptop sa kama at hinarap siya.  

'Last year ay si Hunter, Justin at Luke na lang ang naiwan na matandang player after mainjured ng captain nilang si Jolo. Kapag nalaman ng school ang ginawa ni Justin sa iyo ay maaring tanggalin ito, at maiiwan na lang ay si Hunter at Luke. That means less chances of winning the championship. And Luke, during that time is the new captain of the team, has the burden on his shoulder. Kahit pa man pinagsalitaan ka niya ng masama at ginawa kang sinungaling ni Justin sa mata niya, tinago mo na lang di ba, dahil mahal mo siya.'

Natulala si Marie sa narinig mula sa kaibigan, hindi dahil walang katotohanan ang mga pinagsasabi nito, sa halip sa sumakto lahat ang mga salitang lamubas sa bibig nito. Justin, maybe and arrogant and a bad man, pero hindi maikakaila na magaling ito. And she knows the hardship and pressure on Luke, at ayaw niyang dagdagan ito. Dahil nga mahal niya ito. 

'Yes.' payak na sagot ni Marie. 

'Marie he doesn't deserve your love. Kung matanggal man si Justin may reserve player sila, at kung matalo man sila kasalanan na nila iyon. Hindi pwedeng ganito na lang parati. Justin needs to know that he can't have you Marie.'

'Pero takot akong kausapin siya.'

'i will be there Marie. '

Napabuntong hininga si Marie. ' Okay. But not now, Chloe. Please. Kung patuloy pa rin ang panggulo niya, I will ask for help.'

'You stubborn woman.'

'Pero mahal mo ako.'

'That I do.'

Natawa si Marie sa sagot nito. Nagpatuloy ulit sila sa panonood at isinantabi ang issue kay Justine. She will deal with it later. 


Nov.12/Dec.28

The Secret TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon