Chapter Eight: Hunt

7.5K 152 2
                                    

Kindly read the author's note after this part.


C H A P T E R E I G H T: HUNT


Cairo's POV

"Tangina naman pare. Bakit ka sumuko ng ganun-ganun lang?! Ipinahiya mo yung grupo natin!"

"Tama si Jacob, Cairo. You shouldn't give up that fast."

Napahilamos na lang ako ng mukha ko. Ano ba naman kasing ginawa ko? Katangahan.

"Oo alam ko! Pero tangina naman, eh inatake ako nung babae eh. Pinagtulungan kaya ako tapos si Elijah, plakda kaagad. Ano? Hahayaan na lang nating mapuruhan tayo?" 

Sagot ko tapos pinunuan ulit yung baso ng alak at deretsuhang ininum. 


"Maybe Cairo's right. Huwag na nating masyado pang ipahiya ang grupo natin sa harap ng maraming tao. Ano, gusto nyong makita nila kung paano tayo napuruhan ng apat na babae? Ganun ba?" 

Tanong ni Jaziel tapos kumuha ng alak at tumabi sa kasalukuyang natutulog na si Elijah.

"Pero hindi ba tayo napahiya sa ginawa ng kabayong yan? We surrendered! Sumuko tayo...sa apat na babae lang!"


"Jacob! Watch your words."

"Why? Mali ba ako dun, Clarenz? Matatapos ko na yung babaeng naka-sando eh kaso biglang sumuko tong engot na leader natin. Dapat atin na yung isang milyong dolyar kaso sinayang ng nagmamagaling ng pinuno natin."

Napatayo ako sa kinauupuan ko at hindi napigilang suntukin si Jacob.

"Ako ang leader dito kaya ako ang dapat masunod, Jacob Wayne!"


Pinunasan ni Jacob yung dugo sa labi nya at tinulungan naman sya ni Jaziel makatayo tapos pinigilan naman ako ni Clarenz na sumugod.

"Tama na yan, Cairo."


Nakakapunyeta eh. Yes! Oo, alam kong mali akong sumuko but its for the sake of my group. At mas lalong walang karapatan si Jacob para pagsalitaan ako ng ganun. He's just a hacker in this group. He must know his limits. Leader ako, hacker lang sya. Mas matanda ako, bata pa sya kaya mas alam ko kung anong dapat gawin.

"Dyan ka lang magaling, Cai. Dyan sa pasuntok-suntok mong nalalaman. Dapat kasi si Clarenz na lang ang leader ng grupo...baka nanalo pa tayo kanina at hindi pa tayo sumuko! Tangina Jaz, bitawan mo nga ako."


Kumalas sya sa pagkakahawak sa kanya ni Jaziel at lumabas ng silid. Pakshet. Huminga na lang ako ng malalim at hinawi yung buhok ko. Swear to those girls, babalikan namin sila.

Putangina. Papatayin namin sila at tatalunin. Madugong labanan ulit ang masasaksihan ng mga tao kapag nangyari yun. Hindi na ulit ako susuko. Tatapusin ko ang laban. Tatapusin ko rin sila.

Ipapakita ko ang tunay na laban ng Blazers.

"Renz, samahan mo ako. May pupuntahan tayo."


I snatched my car keys from the coffee table tsaka yung jacket ko.


"Saan na---"

"Basta. Jaz, bantayan mo ng maigi si Elijah. Si Jacob, hayaan mo muna yun. Baka nagpapalamig. Babalik rin yun mamaya."

Then we went out of the room.


======


Ivy's POV

"One more bottle of tequila please."

"And two more shorts of champagne too."

"Oh my g, Ivy. This is the best win we've ever had."

"You're right Denise. Those boys looked so pathetic."

"Hey Ivy! Bakit ba ang tahimik mo dyan? Want more shots?"


Umiling ako sa offer ni Alice. I'm thinking about Cairo. He really looked familiar. Even the voice. Face features like the eye, mouth, nose...lahat mukhang pamilyar sakin.

Si Lander. Si Cairo. They looked like one. Iisa lang ang hitura nila.

Remember Lander? Yung batang nakapagpatahan sakin nung unang beses akong kinupkop nila Tita Francine. He mean so much to me pero parang may gut feel parin akong nakapagpapatigil saking hindi si Lander yun. Na si Cairo at Lander ay hindi iisa but if you based it in the looks, syang sya talaga.


Tsk! Masisiraan ako ng bait kapag pinagtuunan ko pa sila ng pansin because first of all, kalaban ang Fire Blazers. Kalaban sila Cairo.


"Earth to Ivy, please! Ano ba?! Tulalang tulala ka dyan! You should be happy kasi nanalo tayo and we got the one million dollar prize. Don't tell me nanghihinayang ka kasi natalo sila Cai—"

"Shut up Denise. Hindi ako nanghihinayang at mas lalong hindi sila Cairo ang iniisip ko. It's something...personal."

Saad ko tapos nagsalin ng tequila sa baso ko. Ininum ko iyon ng deretsuhan tapos nagsalin naman ng champagne.

Maybe Denise's right. I should celebrate our win kesa kung ano ano yung iniisip ko.

I'm getting paranoid.


"Okay okay. Hands up." Sagot naman ulit ni Denise.

We spent more hours in the bar talking and laughing on how Cairo's group surrendered.

"Si Dark hairy boy, yung mukhang inosente. Inaamin kong matatalo nya ako, good thing nagtaas na ng kamay yung leader nila!" Uminom pa ng isang shot si Denise bago tumawa.


"Si Jacob yun. Mine is Jaziel. Yung mukhang kabayo...in fairness, malakas syang sumipa. Nahirapan akong ilagan sya dahil mabilis rin yung isang gagong yun. Ahahahaha~"

"Joy, lasing ka na. Nagmumura ka na eh."

"Oh my gosh, Alice! Of course not!! Hindi nga ako nagmumura eh. Bawal yun...tangina." Napailing ako kay Joy. Lasing na nga. Mahina sa inuman.

Next thing we know, naghihilik na sya tapos nangingiti ngiti pa.


"I think we should go, guys. Inaantok na ako. See, it's already 4am. We need to rest. I got a meeting later in the company." Yaya ko tapos tumayo na. I stretched as Denise and Alice helped carrying Joy in their shoulders.

Sinalampak nila ito sa backseat ng sasakyan at ako na ang nagdrive. Mababangga lang kami kapag ipinagkatiwala ko sa kanila ang kotse ko. May tama na rin yung dalawa eh. Ako lang yung matibay sa mga ganitong tagayan.

Hay!


Author's Note:

So maikli lang yung update ko. Masabaw pa but atleast nagupdate. Papasok na naman sa Thursday eh, di ko na naman magagalaw ang Wattpad ko. Hope you like it kahit maikli lang.

Love lots.

𝐓𝐇𝐄 𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐋𝐎𝐒𝐓 𝐆𝐀𝐍𝐆𝐒𝐓𝐄𝐑 𝐐𝐔𝐄𝐄𝐍 𝐈𝐒 𝐁𝐀𝐂𝐊Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon