{CHAPTER FIFTEEN: RECOVERY}
Chad's POV
"Oh my gosh, Chad! How is she? Okay na ba sya? Is she awake? Yung mga sugat nya, masyado bang malala?! A-ano...uhmm, magpapabook na ako ng flight ko dyan pauwi! Tama...t-teka la---"
Natawa ako sa reaksyon ni Tita. Eto na naman sya, naghyhsyterical at talagang magpapabook pa ng flight pauwi.
"No tita. She's totally okay. Actually gising na rin sya. She got minor wounds pero sabi nung doktor, mabilis naman daw kaagad yung gagaling---"
"No! I want to see him, Chad. M-magiimpake na ako ng gamit ko. Kahit ako na lang muna ang umuwi dyan!"
"Tita Francine naman! Wag kang masyadong maging paranoid dyan. Kausapin mo na lang si Ivy sa phone pero tita, wag ka ng magpabook pa ng flight pauwi dito. Pano si Lolo dyan? He needed accompany with you too, hindi lang puro kay Tita Vanessa."
I heard her sigh in the other line. Sa wakas, sumuko na rin sya.
"C-can I a-atleast...talk to her?"
"Of course...wait, I'll just give the phone to her."
Pumasok muna ako ng kwarto at nadatnan ko si Ivy na sinusubuan ni Alexander ng lugaw tapos natatawa-tawa pa sa pinapanuod na Goblin dun sa cellphone. Oo, tama kayo ng hula. Avid fan sya ni Gong Yoo lalo na ng BTS. Bias nya yung si ano...si...ah...si V ba yon? Alien pa nga yung tawag nya dun eh.
"Ivy, gusto ka sanang makausap ni Tita Francine."
Nung narinig nya yung pangalan ni Tita, agad nyang pinause yung pinapanuod nya at tsaka hinablot yung cellphone ko. Pasensya na, may pagkabastos rin yang babaeng yan. Pinindot nya yung loudspeaker ng phone tsaka itinapat sa tenga nya. See? Baliw talaga. Sana mabingi sya.
"T-tita?"
"IVY! OH MY GOSH, ANAK KO! Okay ka lang ba dyan? May masakit pa ba sayo? Jusko naman, Ivy ! Gusto mo bang magpabook na ako ng flight pauwi dyan?! Ivy...answer me? Okay ka na ba?"
I saw how my sister giggled because of her aunt.
"Tita Francine. Masyado ka naman dyan! Baka mamaya atakihin ka dyan at ako pa ang lumipad dyan papuntang New York. Of course tita okay na ako! Ako pa eh, isang Ivy Montereal yata toh."
Pumunta muna ako sa kusina at kumuha ng mansanas sa ref.
"Ivy naman eh. I want you to take a rest ah. Huwag na huwag kang gagawa ng mga bagay na bawal sayo especially kapag alam mong mahihirapan kang gawin iyon. Ivy, take your medicines on time. Never take it that late, okay. Tapos lagi akong tatawag sayo everyday ah, don't you dare to reject my calls!"
"Yes Tita. Actually, nasulat ko na lahat ng lectures mo."
"Ivy...I'm really worried about you. Ano, may imbestigasyon na ba about dun sa pagsabog ng mall? Who's behind it? May sinabi na ba ang mga pulis?"
Tinignan ko si Ivy. I was waiting for her answer. Oo, sinabi na namin kung ano yung nakita ni Alexander at nagalit sya. She said na hinding-hindi yun magagawa ni Tita Francine pero lahat ay kailangang idaan sa matinding imbestigasyon.
Ivy looked at me too, confused on how is she going to answer Tita Franz's questions. I just nodded at her. Siguro, lilinawin na lang namin ang lahat kapag personal na naming nakausap si Tita ng harap-harapan. Mahirap kapag tawagan lang. Magiging malabo lang ang usapan at baka magkagulo pa lalo.
"T-the investigation is on going, Tita. Ka-kami na ang bahala dun. Nothing to worry about it."
"Okay okay. Ivy ah, tandaan mo yung mga sinabi ko sayo kanina. Tinatawag na ako ng lolo mo, iinom na sya ng gamot. I need to go, honey."
Ivy smiled. "Bye Tita. Take care, I love you."
"I love you too, honey."
And then they ended the call. Ivy returned my phone to me at nanuod na ulit ng Goblin.
Based on Tita Francine's actions, alam kong malabo nya rin na sya ang nasa likod ng pagsabog ng Reed Rose kahapon pero bakit nandun yung necklace nya until an idea popped up in my head. I called Aljiand.
"Oh, Chad?"
Ibinaba nya yung phone nya tapos tumabi ako sa sofa, yung malayo kay Ivy para hindi nya muna marinig yung usapan namin.
"Are you sure na si Tita Francine ang nasa likod ng lahat ng toh?"
"No. Not yet at alam mong malabo kahit nandun pa ang necklace nya kanina. Something's wrong here and someone's trying to play with us."
I sighed deeply.
"Aljiand...listen up. Paano kapag duplicate lang ng necklace ni Tita yung nakita ni Alexander kanina and the suspects want to set-up my aunt?"
========
Third Person's POV
"Very good, mga bata."
Saad ko nung ipinakita nila ang footage ng pagguho ng mall kanina kung nasaan si Ivy Montereal. Iba talagang gumawa tong mga alipores ko.
"Here's the money."
Iniabot ko sa kanila yung rectangular na sobre na naglalaman ng 50,000. Sulit na toh sa kanila, marami pa naman akong trabahong ipapatapos sa kanila pati na yang Gianna Salvador o mas kilala sa pangalang, Ivy Montereal. Masyado na syang nakakaharang sa daanan ko. Dapat kasi, nung bata pa lang sya...natuluyan na nung mabaril kaso parang pusa eh, akalain mong mabubuhay pa.
"Oh bossing, eto nga pala yung necklace oh."
Nginitian ko ang babaeng nag-abot sakin ng isang necklace na may silver pendant. Kinuha ko ito at sinuri.
Akala mo talagang totoo.
"Very good. Sige, ipapatawag ko na lang ulit kayo kapag may next project na kayo."
"Thanks boss. Una na kami."
Tinanguan ko lang sila at tsaka pinanuod na makalabas ng aking opisina at nung mag-isa na ako, tumawa ako ng sobrang lakas bago uminom ng champagne.
Babala pa lang yan, Ms. Ivy. Mag-ingat-ingat ka na rin sa susunod.
=======
Author's Note:
Monday pero nakapag-update ako. Sinulit ko na habang may oras, maaga ko namang natapos yung assignments ko. BTW, free ako sa mga dedications nyo basta always kayong magvovote, follow me at please...don't be a silent reader. Thanks. Love lots.
BINABASA MO ANG
𝐓𝐇𝐄 𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐋𝐎𝐒𝐓 𝐆𝐀𝐍𝐆𝐒𝐓𝐄𝐑 𝐐𝐔𝐄𝐄𝐍 𝐈𝐒 𝐁𝐀𝐂𝐊
ActionHIGHEST RANK IN ACTION: #17 THE LONG LOST GANGSTER QUEEN IS BACK This story is now entered on Wattys2019! ------------------------ "Why should I apologize for the monster I've become? No one ever apologize in making me this way." Return for Revenge...