Simula

277 15 1
                                    

Simula

Sinubukan kong iwasan si Adrian ng ilang araw, masyado kasi akong nalilito sa nararamdaman ko. Parang nagsisimula na akong mahulog sa bestfriend ko. Alam mo ba yung friendzone? Natatakot kasi ako na baka isang araw mangyari sa akin yun. At eto na nga, nangyayari na. 

"Quinn, nasa baba si Adrian." Ani Mama habang nasa tapat ng pintuan ko. Nakaramdam ako ng kaba sa sarili ko. Parang sasabog na itong puso ko sa kaba. Lumingon ako sa salamin para tignan ang sarili ko. Nakita ko na namumula ang mukha ko dahil narinig ko ang pangalan ni Adrian. 

"Palabas na po." Sagot ko kay Mama na naghihintay sa tapat ng pintuan ko. Naglagay ako ng kaunting polbo at pabango sa katawan ko.

Huminga ako ng malalim bago siya harapin sa salas namin. Nakaupo lang siya doon habang kausap ang kapatid kong si Clark.  Naka black polo shirt siya at naka black jeans at masasabi kong napaka gwapo niya ngayon.

"Hi." Aniya ng mapansin niya akong nasa harapan nilang dalawa ni Clark.

"Ate, nagpabango ka?" Tanong sa akin ni Clark. "Himala." Pabulong niyang sabi pero narinig ko. Tinignan ko lang siya ng masama tapos tumakbo na siya papunta sa kusina. Napatingin ako ulit kay Adrian ng marinig kong tumawa siya. 

"Anong nakakatawa?" Tanong ko sakanya.

I'm trying to act normal even its hard. 

"Wala lang." Aniya tsaka siya tumayo at biglang hinila ang kamay ko. "Saan tayo pupunta?" tanong ko sakanya. 

"Date."

Teka? Tama ba tong narinig ko? Date daw? Naramdaman ko na biglang uminit ang pisngi ko. Hindi ako makapaniwala na magd-date kami ngayon ni Adrian. Wait, baka friendly date lang? Huminga ako ng malalim ng pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan. Sinundan ko siya ng tingin habang papaupo siya sa driver's seat. 

"May dumi ba ako sa mukha?" Tanong niya sa akin. "W-wala." Sagot ko. Hindi ko namalayan na napatagal na pala ang pagtingin ko sa kanya. Tahimik lang ang buong byahe. Actually, hindi naman talaga kami ganito. Makikita mo kami noon palagi kaming nag-aasaran, palagi kaming nagkukulitan, at kung anu ano pa ang ginagawa namin. At hindi kami magkasundo sa isang bagay.

Hindi mabubuo ang araw namin ng hindi kinakausap ang isa't isa, lalo na ako. "Quinn." Bangit niya sa pangalan ko habang nagmamaneho. 

"Hm?"

"Kunin mo yung bulaklak sa likod." Ani niya habang nakatuon parin ang pansin sa daan. Lumingon ako sa likuran ng sasakyan at nakita ko yung isang bouquet ng bulaklak. Nakaramdam ako ng kung ano sa tiyan ko ng makita ko ang mga naggagandahang bulaklak.

"Maganda ba?" Narinig kong tanong niya habang nakatingin pa din ako sa likod. Napakaganda talaga ng mga bulaklak na ito, halatang mamahalin at espesyal. "O-o" Sagot ko sakanya. 

"May kahon diyan sa loob ng bulaklak." Tinignan ko naman at nakita ko nga na may pulang kahon na nakapasok doon sa bulaklak. "Buksan mo." Kinuha ko iyon at binuksan. Napalunok ako ng makita ko kung ano ang nasa loob nito. 

Isang infinity bracelet. 

"Ang ganda." Sabi ko. Ibinalik ko na yung kahon sa loob ng bulaklak at umayos na sa pagkakaupo. 

"Para kay Sharmaine ang mga yan." Aniya ng makabalik na ako sa pagkakaupo ko. Ah, hehe. Kay Sharmaine pala ang mga iyon. 

Ang sakit. Umasa kasi ako kahit papaano na sa akin ang mga iyon. 

"Sharmaine?" Tanong ko sakanya.

Adrian Franklin Montenegro. Ang lalaki na hindi pa matagpuan ang taong para sakanya. Seryoso siya sa mga nililigawan niya, sadyang hindi lang siya pinapalad sa mga iyon. Paano ba naman kasi, hanap pa ng hanap eh nasa tabi lang niya. 

Words You Can't HearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon