WAKAS : FORGIVE AND FORGET

150 13 3
                                    

Napatikhim ako sa sinabi ni Louie. Parang bigla akong binuhusan ng mainit na tubig ng pagkarinig ko ng pangalan ni Mara. 

Gusto ko pa ba siyang makita? 

"Mahal, okay ka lang?" Tanong sa akin ni Louie. Nginitian ko siya at tumango. Humarap na ulit kami sa mga bisita. 

"May I?" Inalok sa akin ni Louie ang kanyang kamay. Bumaba kami para pagbigyan ang mga request ng bisita. 

"I love you, mahal." Ani Louie habang nakahawak ang kanyang kamay sa bewang ko. 

"Mahal, paano mo natagpuan si Mara?" Tanong ko sakanya.

"Yiiieee! Ang sweet talaga nila!" Ani Jasmine habang niyayakap si Mike.

"Beb, nasasakal ako." Pagbibiro ni Mike na ikinatawa naman naming lahat. 

"Sasakalin talaga kita!" Ani Jasmine.

"Natagpuan daw siya sa isang market."

Natapos ang pagsasayaw namin at pumunta ako sa table ng mga pinsan ko at kasama doon si Clark. Poging pogi na si Clark at nakikipagbiruan na sa din.

"Ate, is there any problem?" Tanong ni Clark habang nakapangalumbaba. Matangos ang ilong ni Clark, singkit ang mga mata at makikita mo ang mahahabang pilikmata nito. No wonder kung bakit madaming naghahabol dito kay Clark.

"Wala naman."

Nakatingin silang lahat sa akin at tinaasan ako ng kilay. "What?" Pagtatanong ko sakanila. 

"Sinong niloko mo?" Ani Jas habang nakangisi. 

"Fine. Fine. About kay Mara."

"WHAT?!" Sabay nilang sabi. Gulat na gulat silang lahat sa sinabi ko. 

Sino ba naman ang hindi magugulat kung ilang taon na ang nakakalipas at ngayon ay minumulto ka ng nakaraan. 

"Handa ba kayo?" Tanong ni Louie sa amin. 

"Desidido na kami." Sabi ni Jasmine.

Kaming lahat ay pumunta kung saan natagpuan si Mara. Isang napakaliit at simpleng tahanan ang naabutan namin. May isang teenager kaming naabutan, nilapitan ni Adam ito at nagtanong. "Hello, pwede bang magtanong?"

Hinawakan ni Louie ang kamay ko, isang napakahigpit na hawak. Kinakabahan kasi ako sa makikita ko. 

"Ano po iyon?" Tanong ng batang babae. Siguro ay kasing edad palang ni Clark itong batang ito. 

"May kakilala ka bang Mara?" Sabay pakita ng picture ni Mara doon sa bata. Kumunot naman ang noo nung bata at umiling. 

Nakaramdam ako ng pagkabigo nung umiling siya. 

Wala na siguro siya doon.

"Hindi po Mara ang pangalan niya e." 

Ako na yung lumapit sa bata para tanungin, "Anong ibig mong sabihin?"

"Maikka po ang pangalan niya."

Sinamahan niya kami papasok sa bahay. Napakasimple talaga ng bahay at makikita mong napakasaya nilang pamilya sa mga letrato palang na nakasabit.

"Ate Maikka!" Sigaw ng bata.

"Ano iyon?" Lumabas mula sa kusina si Maikka/Mara. Nginitian niya kami na para bang walang problema at hindi niya kami kilala. "Khaila, sino sila?"

"Amnesia girl?" Ani Clark. 

Nakaupo kami sa mga upuan na gawa sa kawayan. "Mag miryenda muna kayo." Ani Maikka/Mara ng ilapag ang tinapay na may palaman na keso. 

Words You Can't HearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon