Kabanata 9

96 10 1
                                    

Dedicated to my classmate, Wheynne Tan! *O* 

--

Ang sakit. Nararamdaman ko na may nagbubuhat ng katawan ko pero hindi ko maimulat ang aking mga mata para malaman kung sino iyon. Wala akong alam sa nangyayari. Ang tanging alam ko lang ay may mabigat na bagay ang tumama sa ulo ko at nawalan ako ng malay.

Nagising ako sa isang kwartong napakadilim. Nasaan si Jude? Sinubukan kong gumalaw pero hindi ko magawa. Nakatali ang mga kamay at paa ko. 

Nasaan ba ako? Anong nangyari kay Mara? Ang tanging naaalala ko lang ay may pumukpok sa ulo ko mula sa likod bago ako mawalan ng malay. Kaya napaka imposibleng si Mara ang gagawa ng bagay na iyon sa amin.

Sinubukan kong alisin iyong nakatali sa kamay ko pero napakahigpit talaga. "Damn." Napamura nalang ako dahil sa inis. 

Mamamatay nalang ako, di ko pa din kilala kung sino ang may kagagawan nito. 

"Quinn?" Napa-angat ang ulo ko at pinilit kong tumingin sa dilim kahit na napaka imposible talaga. "S-sino yan?" Tanong ko sa taong di ko kilala. Epekto na ba to ng pagkakapukpok ko?

"Si Adam 'to." Bulong niya. Adam? Yung pinsan ko? Damn, ano nang nangyari sa utak ko?

"Adam, ikaw ba yan?"

"Oo, damn. Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya. Hindi ba dapat ako ang magtanong sakanya 'non?

"Nasaan ba ako?" Tanong ko sakanya. Hindi ko naman kasi masasagot ang kanyang katanungan kung hindi ko alam kung nasaan ako. Mahirap kaya iyon.

"Ui! Adam!" Hindi na siya sumagot muli. Iniwan na ba niya ako? Gago 'to ah! Nang-iiwan! "Hoy Adam Henares!"

"O-oh?" Aniya. Huminga ako ng malalim dahil narinig ko na din siyang nagsalita. Akala ko mag-isa nalang ako dito eh.

"Nasaan tayo?" Tanong ko.

"Basement." Aniya. "Edi nasa ilalim tayo?" Tanong ko sakanya. Damn, bakit ganyan ako magtanong? Nasaan na ang utak ko? Naalog na ba? Narinig ko siya na huminga ng malalim. Ganito katahimik dito, konting galaw mo lang ay maririnig mo na. 

Imposibleng marinig kami mula dito. Masyadong malalim itong basement ng kinalalagyan namin. "Adam." 

"What?" Halata na ang pagkaasar sa mga sagot niya. 

"Sa mga librong nabasa mo, anong ginagawa ng bida sa scene na ganito?" Tanong ko sakanya. Oo, papatulan ko na ang mga librong kinababaliwan nitong si Adam. May sense naman diba? 

"Naghahanda na ng last words." Malamig niyang sabi. Napatikhim ako sa sinabi niya. Ginapangan ako ng takot at parang madaming pangyayari ang nagpupumilit na pumasok sa isip ko.

Ganito pala 'yong pakiramdam ng mga napapanuod kong movies. Yung nakakulong ka sa isang kwarto at hinihintay mo nalang yung killer. Hinihintay mo siyang tapusin ang natitirang mga araw mo dito sa mundo. Sa bawat palabas ay may matapang na susubukang patayin ang killer, ngunit sa bandang huli ay mamamatay din ito. 

Nakakatakot. Kailangan maghanda na ako ng last words ko. 

"Quinn, anong iniisip mo?" Ani Adam. 

"Uhm. Last words?"

Narinig ko na bahagya siyang natawa sa sinabi ko. Pinagloloko ba ako nitong pinsan ko? Hindi na nakakatawa. 

Natahimik kaming dalawa ng nakarinig kami ng mga hakbang. Bumilis ang tibok ng puso ko at pinagpawisan na ako ng napakalamig. Pakiramdam ko ay kakatayin na ako mamaya. 

Narinig ko na bumukas ang pinto. Wala pa din akong makita kungdi kulay itim. Narinig ko ang mga yapak ng 'killer' na malapit na sa akin.

"S-sino ka?" Tanong ko. Hindi niya lang ako pinansin at nilagpasan ako. 

Words You Can't HearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon