Kabanata 3

147 11 0
                                    

"Damn! Anong mali sayo?!" Nakatingin lang ako kay Adrian habang sinisigawan siya. Napahilamos nalang ako. "Bakit di mo ako magawang mahalin?" Tanong ko ulit sakanya habang umiiyak. 

Hindi ko na napigilan ang damdamin ko at nasabi ko sakanya.

"Quinn." Aniya habang may bakas na kalungkutan sa kanyang mukha. "You deserve someone better, and it's not me." Naramdam ako ng galit sa katawan ko. 

Lalo nanlambot ang mga tuhod ko ng bigla siyang matumba sa harapan ko. "ADRIAAAAAANN!" Sigaw ko.

Iyak lang ako ng iyak. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ito na ba yung sinasabi ni Jude na tragedy? Hindi ko kakayanin. "Adrian, gumising ka!" Sabi ko habang inaalog ko ang katawan niyang walang malay. 

Nakita ko na paparating sa amin si Jude na may dalang flashlight. Tumakbo na ito ng mapansing umiiyak ako. "Quinn, anong nangyari?!" Nanlaki ang mata niya at lumapit kay Adrian. Natatakot ako na baka mawala si Adrian. 

"Quinn, gumising ka na." 

"QUINN!" Narinig kong sumisigaw si Adrian ngunit hindi ko ito pinapansin. "QUINN!" Inulit niya lang ang pagsigaw. Natatakot ako na idilat ang aking mga mata. 

Siguro nasa hospital ako ngayon at nagpapahinga. Tapos si... 

Hindi. Ayokong isipin. 

"QUINN, IIWAN KA NAMIN SIGE KA!" Bigla akong nakadama ng malamig na tubig sa buo kong katawan. 

"Shit!" Napamura ako sa lamig ng tubig na bumalot sa aking katawan. Nakita ko si Mara sa harapan ko na dala ang timba mula sa banyo. 

"Sabi ko naman sayo Jude. Magigising yan sa paraan ko." Ani Mara habang nakangisi. Tumawa din si Jude sa sinabi ni Mara. Sinamaan ko lang sila ng tingin pero hindi parin sila nagpaawat sa pagtawa. 

"Wait, nanaginip lang ako?" Tanong ko. Kumunot naman ang noo nila, "No, totoong nabasa ka ng tubig." Ani Jude habang tumatawa. 

Tumayo na ako at nagbihis para makapaghanda na. Nagsidatingan na din ang iba pa naming kasama. "Nasaan na si Nathan?" Tanong ni Jasmine habang tinutulungan ang kanyang kapatid sa paglalagay ng gamit sa likod ng sasakyan. 

"Papadating na daw." Ani Mara habang inaayos ang kanyang buhok. Kumunot ang noo ni Jasmine dahil sa pagkakagulat. "What?" Tanong ni Mara na may pagkairita. 

"W-wala lang." Ani Jasmine. Lumingon na siya kay Darrel na ngayon ay nahihirapan sa pagbubuhat.

"Ano ba tong gamit ni Mara?! Parang dinala ang lahat ng gamit." Reklamo ni Darrel. Lumapit si Jude at tinulungan si Darrel sa mga gamit. 

"Sabihin mo, mahina ka lang." Pagmamayabang ni Jude ng mabuhat niya ang gamit ni Mara. 

Napailing nalang si Mara sa dalawa. "Mga baliw." Bulong niya. "Nga pala, nasaan si Adrian?" 

"Eh? Adrian?" Napalingon ako sa paligid para hanapin si Adrian. Ngunit nabigo akong hanapin si Adrian. May kung ano sa aking loob na nagwawala. "Baka may sinundo." Matabang kong sabi kay Mara. 

"Sinundo?" Kumunot ang kanyang noo at tinaasan ako ng kilay. "What do you mean by that?"

"Si Sharmaine." 

May kung anong kirot sa puso ko ng dumating ang isa pang sasakyan. It was Adrian and Sharmaine. "Martyr." Narinig kong pagbulong ni Mara. 

Hindi ko na lamang siya pinansin. Hindi ko siya magawang pansinin kasi may katotohanan naman ang sinasabi niya. 

"Saan ako?" Tanong ni Adam habang nagbabasa at nakahilig sa sasakyan.

"Pfft. Sa gulong ka!" Pagbibiro ni Jude habang papasakay na pero nakita niya si Adrian na pababa ng sasakyan, kasama si Sharmaine.

Words You Can't HearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon