Nasa loob ako ng kwarto ngayon habang tinitignan itong cellphone ko. Nagv-view lang ako ng mga pictures naming magpipinsan at magbabarkada.
Huminga ako ng malalim habang tinitignan ko yung mga masasayang letrato namin. Unti unting tumutulo ang mga luha mula sa mata ko. Pinunasan ko ang mga luhang iyon. Parang kailan lang pala. Sana nananaginip lang ako ngayon.
Walang tao sa kwarto kung saan ako, maliban sa akin. Yeah, mag-isa ako ngayon dito sa kwarto. Kahit gustuhin kong lumabas, hindi pwede. Hindi pwede dahil ito ay nakakandado. Nakakandado mula sa ilabas. Sa madaling salita, ikinulong nila ako dito.
Mas okay na ito, kaysa naman sa nakakasama ko silang lahat at iba yung trato nila sa akin. Mas gusto ko na ito na hindi ko nakikita kung gaano nila ako pinag-iisipan ng masama.
Okay lang kaya si Mara?
Kinuha ko ang phone ko para tignan ang contact number ni Jude.
"IKULONG NIYO YANG MAMAMATAY TAONG YAN!"
Naalala ko bigla yung mga sinabi sa akin ni Sharmaine. Hinawakan at pinakalma lang nila si Sharmaine kanina.
Inilagay ko sa contact number ni Clark. Namimiss ko na ang kakulitan ng kapatid ko.
("Hello?") Nabawasan din kahit papaano yung bigat ng pakiramdam ko ng marinig ko na ang boses ng kapatid ko.
"Hi Clark." Pagpipigil ko na tumulo ang mga luha at humagulgol. Ayokong malaman ng kapatid ko yung pinagdadaanan ko ngayon.
("Ate? May problema ba?") Tanong niya sa akin. Narinig ko din si Mama sa kabilang linya na pinapatulog na niya si Clark. Inilayo ko muna yung phone sa akin para punasan ang mga luhang nagpupumilit na tumulo.
Alam niyo ba yung iyak na tahimik? Pinipigilan kong marinig ni Clark itong hagulgol ko. ("Ate?") Narinig kong tawag niya sa kabilang linya.
"Yes?" Pinilit kong sumagot ng maayos. Tila ba na wala akong problema.
("I miss you. Balik ka kaagad ah.") Malambing na sabi ng aking kapatid. Tinakpan ko ang aking bibig dahil sa ayokong marinig niya ang paghagulgol ko.
Clark, di ko alam kung makakauwi pa ako ng buhay.
"Sure. Ako pa, ang ganda ko kaya."
("Oo nalang ate. Yung pasalubong ko ah, wag niyo kalimutan nila Kuya Darrel at Jude.") Aniya. Narinig ko ang boses ni Mama sa kabilang linya. "Clark, matulog ka na. Si Ate ba yang kausap mo?"
Damn, di ko na 'to kaya.
("Anak?") Ani Mama sa kabilang linya.
"Ma."
("Kamusta na kayo diyan? Ingat kayo ah.")
Ibinababa ko na ang tawag. Sobrang bigat ng dinadala ko ngayon. Niyakap ko ang mga tuhod ko habang umiiyak.
Tumigil ako sa pag-iyak ng biglang namatay ang mga ilaw. "Shit!" Narinig ko na may nagmura sa ilabas ng kwarto. Tanging ang liwanag lang ng aking phone ang nagbibigay ilaw sa akin dito sa napakadilim na kwarto.
"AAHHHH!" Narinig ko ang mga sigaw nila mula sa ilabas. Alam kong si Sharmaine ang sumigaw, alam kong siya iyon. Damn, bakit hindi ako makagalaw sa pwesto ko? Natatakot ako. Natatakot akong lumabas. I just wanna go home.
Namimiss ko na sina Clark.
Bumaba ako ng kama at sinuot ang tsinelas ko para lumapit sa pinto. Sinubukan kong buksan ang pinto pero nakalock pa din ito.
"Quinn, think!" Bulong ko sa sarili ko. Inilawan ko ang mga gamit dito sa kwarto para makahanap ng pwedeng pagbukas ng pinto.
Kinalkal ko yung bag ko para hanapin yung wallet ko. "Sana gumana." Kinuha ko yung credit card para ipangbukas ng pinto.

BINABASA MO ANG
Words You Can't Hear
Mystery / ThrillerMay mga bagay na hindi mo napapansin. Nakakasakit kana pala at hindi mo na ito namamalayan dahil sa alam mong wala palang mali. Anong gagawin mo kung huli na pala ang lahat?