Kabanata 1

175 17 1
                                    

Pumunta ako sa restaurant nila Jasmine para makausap siya at kumain na din ng lunch. Hindi ko na isinama si Clark dahil may pasok pa siya sa school mamayang hapon. Graduate na ako ng college at isa akong architect.

"Sorry. Medyo madaming customer ngayon eh." Pagpapaliwanag ni Jasmine nang papalapit sa akin at umupo sa upuan sa harap ko. Bago pa lang ang restaurant niya pero dinadayo na ito ng mga tao.

"Its okay." Sagot ko. Ininom ko yung mango shake ko.

"Ano nga pala yung sasabihin mo?" Tanong niya sa akin. "Ah, oo nga pala. Pwede ka bang sumama sa amin? 3 days vacation sa Pagudpud." Sabi ko.

Nginitian niya ako bago sumagot, "Oo naman. Hahaha. Ikaw talaga, Ms. Architect."

Ms. Architect ang tawag sa akin ni Jasmine, namangha kasi siya sa akin. Dahil ako ang nagdesign nitong restaurant niya dito sa Pampanga. Hindi ako nagtagal at nagpaalam din ako kay Jasmine. Hindi na kami teenager para ubusin ang oras sa mga bagay na hindi masyadong importante.

Pumunta ako ng office para kunin ang mga nakatambak na trabaho. Tatapusin ko na kasi ang mga ito para naman wala akong iniisip habang nasa bakasyon kaming magbabarkada. Gumuhit ako ng mga iba't ibang buildings.

"Quinn, tuloy ba kayo?" Tanong ni Krissa sa akin habang nagt-type siya sa computer. "Uh-huh" Sagot ko. Nakakatuwa nga eh at sabay kaming nag apply at natanggap ni Krissa dito.

"Ingat kayo." Aniya sabay higop doon sa iniinom niyang kape. Nginitian ko siya tsaka tinapos na ang mga ginagawa ko. Pinaglaruan ko yung lapis habang nag iisip ng magandang angulo ng bahay.

Hindi dapat masyadong delikado ang disenyo na iguguhit ko dahil may mga batang anak ang mag-asawang client ko. Dapat ay maging akma ito sa titira. Hindi kasi dapat na 'maganda' lang, minsan dapat isipin mo ang maidudulot nito.

Dinala ko nalang yung mga hindi ko pa natatapos iguhit.

Pagkauwi ko ng bahay ay naabutan ko si Darrel at Jude sa salas. Wala ba silang balak magtrabaho o kung ano pa man na magpapakaabala sa mga buhay nila? Oo, hindi na nga nila kailangan dahil mayaman sila. Pero hindi ba sila naiinip sa mga buhay nila?

Wala si Clark ngayon sa bahay dahil sa may klase pa ito.

"Hey!" Ani Jude. Hindi ko pa din nakakalimutan yung tinext niya sa akin kagabi. Tinignan ko si Darrel na naglalaro ng playstation ni Clark.

Mga isip bata pa talaga ang mga pinsan kong ito.

"Fck." Pagmumura ni Darrel nang mag game over siya sa nilalaro niya. Napailing nalang ako at dumiretso ng kusina para uminom ng tubig. Dinala ko na yung isang pitsel sa kwarto ko para doon gawin ang mga tatapusin kong trabaho.

Habang nag-iisip ako, naririnig ko silang tumatawa sa salas. Napahilamos nalang ako ng mukha sa ingay nila. Dammit! Hindi ba nila kayang manahimik?

"Shit. Ganun yun?" Ani Darrel habang tumatawa. Ibang iba si Darrel kay Jasmine. Hindi nag-aate si Darrel kay Jasmine kasi isang taon lang naman ang gap nilang magkapatid.

Hanggang ngayon ay tumatawa pa ang dalawang sira ulo kong pinsan. Hindi na ako nakatiis kaya pinuntahan ko sila sa salas.

Pagkabukas ko palang ng pinto ay napatingin na ang dalawa sa akin. "Hi." sabay ngisi nilang dalawa. Okay, tignan ko lang.

"FCK! HINDI BA KAYO TITIGIL SA KAKATAWA DYAN? CAN'T YOU SEE THAT I'M CONCENTRATING SA WORK KO?!" Sigaw ko sa kanilang dalawa.

"Nope." Ani Darrel. "Nagkulong ka sa kwarto kaya hindi namin nakikita." Dugtong ni Jude. Huminga ako ng malalim at inirapan ko sila tsaka pumasok ulit sa kwarto.

Words You Can't HearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon