"Dapat nga magpasalamat ka pa sa aming dalawa ni Darrel eh." Ani Jude. Nakasandal siya sa couch namin habang yakap yakap yung throwpillow. "G*go." Napalingon kaming dalawa ni Jude kay Mara na galing kusina. Naka shorts at maluwang na gray shirt. Nakalaglag ang kanyang buhok at may pagkakulot sa ilalim. At sasabihin ko, mapapanganga ka nalang sa taglay niyang kagandahan.
"Ang aga aga, mura na agad?" Ani Jude habang pinaglalaruan ang throwpillow. Malapit lang naman ang bahay ni Jude sa amin dahil nasa iisang subdivision lang naman kaming dalawa.
"Ate Mara, will you get the remote control?" Ani Clark habang tinuturo yung remote sa itaas ng Tv. Kinuha naman iyon ni Mara at iniabot kay Clark na kumakain ng cereal.
"Hindi niyo na dapat ginawa iyon." Matabang kong sabi kay Jude. Kumunot ang noo ni Jude at si Mara naman ay tinaasan lang ako ng kilay. Niyakap ko yung tuhod ko habang nakaupo sa couch. Tinignan nila ako na para bang naghihintay sila ng kasunod. Huminga ako ng malalim bago sumagot, "May girlfriend na siya, ulit." I added.
Iniwan ko na muna sila sa salas at pumasok ako ng kwarto. Bukas na kasi ang bakasyon namin at kakailanganin ko ng mag ayos ng mga gamit ko. Habang nag-aayos ako, iniisip ko pa din si Adrian. Lagi naman siya ang laman ng isip ko eh, mula noon hanggang ngayon. Walang pagbabago.
Huminga ako ng pagkalalimlalim bago umupo sa gilid ng kama ko. Umiling ako at ginulo ang aking buhok dahil sa pagkainis.
Sasama si Adrian bukas.
Napalingon ako sa picture na nakapatong sa side table. "Bakit mo ako ginaganito?" Nasasaktan kong sabi.
"UYYY! Nagmomoment!" Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko si Jude na nakahalukipkip habang nakangisi. "Sira." Sabi ko sakanya.
Tinabihan niya ako at kinuha yung kamay ko. Tinignan niya yung palad ko na tilang nagbabasa siya. "Tragedy." Aniya. Bigla naman ako ginapangan ng takot sa sinabi niya. Inalis ko kaagad ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Inirapan ko lang siya at binalikan ko na yung inaayos kong gamit.
Ayokong isipin yung sinabi ni Jude. Sana hindi mangyari iyon. Naramdaman ko nalang na lumabas na siya ng kwarto ko. Nababaliw na ang pinsan kong si Jude.
"So what's the plan?!" Ani Jasmine habang tumatawa. Actually, kanina pa sila tumatawa. Ngayon lang kasi kami nabuo ng ganito. Hindi ko magawang tumawa dahil inaalala ko pa yung sinabi ni Jude kanina. Tragedy.
"Are you okay?" Bulong ni Mara sa akin. Napansin niya siguro na parang hindi ako nakikisali sakanila. "I'm tired." Sabi ko.
"Sorry, I'm late!" Dumating si Adrian na naka light blue na polo at black jeans. Siniko ako ni Mara at bigla siyang kinilig. Tinapakan ko naman ang paa ni Mara bilang ganti. Napa-'aww' nalang siya.
Nandito kami ngayon sa restaurant ni Jasmine para pag-usapan ang gaganaping lakad. "Anong sasakyan natin?" Tanong ni Darrel habang naglalaro sa kanyang cellphone.
"May company car kami, and I can drive." Napatingin kaming lahat kay Adrian. So, okay na yung sasakyan namin. Yung ibang kasama na hindi nakapunta ngayon ay sasabihan nalang daw ni Darrel at Jude.
"Si Adam, nasaan?" Tanong ni Mara ng mapansin niyang wala si Adam sa tabi ni Jasmine.
"Nasa labas, may kausap sa phone." Ani Nathan. Nakita ko naman na namula si Jasmine ng nagsalita si Nathan. Naging kaklase ko si Nathan nung 4th year highschool ako, late siyang lumipat sa school namin. Madaming nagkakagusto kay Nathan pero hindi niya iyon pinapansin. Wala kasi siyang type sa mga nagkakagusto sakanya. Gusto niya siya yung unang kumikilos.
He's taking up medicine.
Dumating na si Adam galing labas. "Tol, binata ka na?" Pang-aasar ni Jude at tumawa naman si Darrel. Hindi pa kasi nagkaka girlfriend itong si Adam. Nakafocus kasi si Adam sa mga binabasang libro. Bigla namang namula itong si Adam habang papaupo sa tabi ni Jasmine.
BINABASA MO ANG
Words You Can't Hear
Misteri / ThrillerMay mga bagay na hindi mo napapansin. Nakakasakit kana pala at hindi mo na ito namamalayan dahil sa alam mong wala palang mali. Anong gagawin mo kung huli na pala ang lahat?