Kabanata 7

116 12 1
                                    

Iniwan ko si Mara sa loob at pinuntahan sina Jude. Malayo palang ako ay natanaw ko na sila na hindi mapalagay sa nakita. 

Ano ba iyon?

Inisip ko na sana ay hindi iyon bangkay. Na hindi iyon katawan ni Adam. Na hindi si Adam yung nakita ni Nathan kaya siya napasigaw. 

Nagmadali ako para makarating sakanila. 

"Jesus Christ!" Napayakap ako kay Jude. Sino naman ang gagawa nito? Nakasabit at pira-piraso ang katawan ng pinagrentahan namin ng bahay. Makikita mo talaga na walang puso ang gagawa ng bagay na ito. 

Hindi nakayanan ni Jas ang nakita kaya nagsuka ito. "I wanna go home!" Aniya habang pinupunasan ang kanyang bibig. Inalalayan ni Darrel ang kanyang kapatid.

Wala na akong ginawa kungdi matakot at kabahan sa nakikita ko. Damn, this is so hard. Paano pa ako makakatagal dito kung alam kong walang puso ang gagawa nito.

"Kyle, ano bang nangyari?" Tanong ni Jude.

"Kanina ko pa siya hinahanap. Tapos ito na, nakita ko nalang siyang ganito." Paliwanag ni Kyle. 

Napailing nalang ako sakanila. Wala na sa tamang pag-iisip ang gagawa ng ganito. Napalingon ako bigla kay Adrian. And I don't know why. 

"Baby, don't be scared." Ani Adrian kay Sharmaine. Ibang iba ang pagkasabi ni Adrian doon. Weird nga ba ang pagkakasabi ni Adrian doon o masyado ko lang binibigyan ng kahulugan lahat ng naririnig ko?

Tumango naman si Sharmaine at niyakap si Adrian. 

Bigla kong naalala si Adam. Damn, nasaan na ba ang pinsan kong iyon?!

"Si Adam?" Tanong ko sakanila. Napatingin sila sa akin at hindi ako sinagot. Maya maya ay dumating si Adam na tumatawa. 

Weird.

"Why are you laughing, young man?" Ani Jas habang nakatingin lang kay Adam. 

"Where have you been?" Tanong ko sakanya. "Goodbye, I'll call you later." Aniya sa kausap sa cellphone at pinatay ito. At nakukuha pa talaga niyang makipagtelebabad sa phone?!

"What?" Pagtataka niya sa amin. Then kumunot ang kanyang noo at lumapit kina Kyle na nililinis yung bangkay. 

"Holy Sht!" Napatakip siya ng bibig sa nakikita niya. "Sinong may gawa nito?" Tanong niya ng lumingon sa amin. 

"We don't know." Ani Jas habang pinapakalma si Adam. 

"Tol, bawal malaman ng mga tao ang tungkol dito. Mapapahamak tayo." Ani Adrian habang inilalagay ito sa malaking plastik.

"So anong gagawin natin?" Ani Jas. 

"Kailangang hindi tayo maghiwahiwalay." Ani Darrel habang naghuhukay na ng pagtatapunan ng bangkay. Yes, it sounds crazy. Dalawang bangkay na ang nakalibing sa bakuran ng bahay na ito.

"We need to call our parents!" Ani Jas habang nagpapanic na. 

"Calm down." Ani Nathan. 

"What?! Calm down? Dawala na yung namamatay, tapos sasabihan mo ako ng calm down?!" Ani Jas. Halata sa mukha niya na galit na galit siya. 

"Hindi natin pwedeng tawagan ang mga magulang natin." Ani Adrian habang nakapalupot sakanya si Sharmaine. 

"W-why?" Tanong ni Jas. 

"Di mo ba naisip? Mag-aalala lang silang lahat doon. Magkakagulo. Lalong magiging worst ang lahat." Paliwanag ni Adrian.

Hindi ako kumbinsido sa naging paliwanag ni Adrian. Lalo silang mag-aalala kung lahat kami ay mamamatay dito. 

Words You Can't HearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon