Kabanata 10

99 11 5
                                    

Hindi ko na sinagot ang tanong ni Nathan, para saan pa diba? Pero alam kong naghintay at interesado siya. 

Magduda muna bago magtiwala sa isang tao.

Pinsan at ang bestfriend ko nga nagawang pumatay. Paano pa kaya itong si Nathan? 

"Kailangan nating iligtas sina Adam." Ani Darrel. Nagpagpag ito ng damit at lumapit sa amin. "Kailangan nating umuwi ng kumpleto."

"No." Ani Nathan. Nakapamulsa ito at nakatingin lang sa amin. 

"Anong ibig mong sabihin?" Tinaasan ko lang siya ng kilay. 

"Nahihibang na ba kayo? Kapag bumalik tayo doon. Iisa-isahin nila tayo!" Ani Nathan. Nag-igting ang bagang niya at halatang naiinis na siya sa amin. 

"Quinn, siguro ay tama si Nathan." Ani Jas habang hinahawakan ang kamay ko. Inalis ko ang pagkakahawak nito sa kamay niya. "Ano?" Kumunot ang noo ko. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. 

Ano ba ito? Kinakampihan na niya si Nathan dahil sa tang*nang pagmamahal na iyan? Nahihibang na ba siya?

"Hindi ako aalis hanggat wala si Jude at Adam." Ani Darrel. 

"Hindi niyo ako naiintindihan." Ani Jas habang nagsisimula na namang umiyak. Mababaw lang ang luha ng babaeng ito. 

"Ano ba ang dapat naming intindihin?" Giit ko. Hindi na nakasagot si Jas ng bigla siyang nawalan ng malay. Buti nalang ay kaagad ko siyang nasapo at isinandal sa may dingding.  Bakit nawalan ng malay bigla itong si Jasmine? Ayokong isipin na may kinalaman ito sa mga nangyayari. Ayokong isipin na may gagawing masama itong si Nathan sa amin. 

Maya maya ay nawalan na din ng malay ang pinsan kong si Darrel. 

Nakaramdam na ako ng kaba ng makita ko sa gilid ng aking mata na naglakad si Nathan papalapit sa akin. Naglakad siya na para bang sinasadya niyang bagalan ang kanyang paglakad. 

"Ano bang kailangan niyo?" Tanong ko sakanya na may halong pagkainis. Alam ko na ngumisi siya nung tinanong ko siya. Naglakad lang siya nag paunti unti. Bawat hakbang niya ay nakaramdam ako ng takot at kaba. 

"Ako? Wala akong kailangan." Aniya. 

Pinagmasdan ko ng maigi ang kanyang mga mata. Namumula ang kanyang mga mata at parang wala na siya sa sarili. Napansin ko din na nag-iigting ang kanyang bagang at may inilabas siyang panyo mula sa kanyang bulsa. 

Tumakbo ako ngunit nahabol niya ako. 

And everything went black. 

"Is she alright?" 

"Pinatulog ko lang silang tatlo."

"Good job."

"Anong balak mo ngayon?" 

Nakarinig nalang ako na may mga nagsasalita sa paligid ko. Nasaan na ba ako? Hindi ko maimulat ang aking mga mata dahil sa telang nakatakip sa mga mata ko. 

Biglang may humawak sa damit ko at hinila ako papatayo. "Ano bang nagawa kong kasalanan sa'yo?" Tanong ko sakanya. Wala akong narinig na kasagutan mula sa tanong ko. Nakatayo lang siya at hawak hawak ang aking damit. 

Hindi ko alam kung tinututukan na niya ako ng baril o kung ano mang pwedeng makapatay ng tao. 

"Wag mo siya sasaktan!" Narinig kong sigaw ni Adam. 

Biglang nagliwanag ang paningin ko ng inalis na ang piring sa aking mata. Biglang binitawan ang pagkakahawak sa damit ko. Napatingin ako at nakita ko si Mara na nakangisi sa akin. 

Words You Can't HearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon