Kabanata 5

113 13 1
                                    

"Shit!" Sigaw ko. 

Biglang bumukas ang ilaw kaya nasilaw ako. "Anong nangyayari?!" Ani Darrel habang may hawak na walis tambo.

Natatakot din siguro siya dito sa bahay na ito. Kaya naging alerto siya.

"Quinn, anong nangyari sayo?" Tanong ni Mara habang nakatingin pa din sa akin. Napailing nalang ako. 

Pagod lang siguro ito.

"Tss, sabi ng matulog kana e." Ani Adam habang inaayos yung phone niya.

Si Nathan at Jasmine ay mahimbing na natutulog. Hindi sila nagising dahil sa sigaw ko, pagod na pagod sila siguro sa byahe.  Si Jude naman ay tinitignan lang ako habang nakaupo. Damn, hindi ko kakayanin magtagal sa lugar na ito kung ganito ang pakiramdam ko.

Hindi na nila pinatay ang ilaw at hinintay nalang ako na makatulog. 

Maaga kaming nagising para masubukan ang zipline. Nag-almusal kami na luto ni Jasmine at Darrel. Kinukulit nga ni Jasmine na magtrabaho si Darrel sa restaurant niya. 

"Si Ruth?" Tanong ko kay Kyle habang dala dala niya yung mga plato. 

"May lagnat eh." Sagot niya. Inayos niya yung mga plato at tinulungan naman siya ni Mara. Napansin ko din na panay ang hikab nitong si Mara. 

Lumabas na din si Ruth at sumabay sa aming kumain. "Hindi na ako makakasama sa Zipline." Ani Kyle habang hinahawakan ang kamay ni Ruth. 

"Pwede naman kayong pumasyal sa dalampasigan." Ani Jude habang nililigpit yung mga pinagkainan namin.

Dumiretso na muna kami sa dalampasigan. 

"Akala ko ba sa zipline?" Tanong ni Mara habang nakahalukipkip. 

"Wag kang excited Ma-" Naputol ang sinabi ni Jude ng "AHHHHH!" makarinig kami ng sigaw mula sa itaas. 

"What the!"

"Fck. Bakit nalalag yun?"

"Hindi pala safe."

Nagmadali ang mga lifeguards sa pagsagip doon sa babaeng nalaglag. Nakatingin lang si Jas sa itaas kung saan nahulog yung babae.

"Weird." Ani Jas habang nakatingin pa din. 

"Anong weird?" Usisa ni Sharmaine. Magkasama kasi si Sharmaine at Jasmine ngayon. Si Mara ang nag group sa aming lahat kung sino ang magiging katabi namin.

"Kasi tignan mo, kung tayo yung unang sumakay. Ikaw yung nahulog." Ani Jas na halatang nag-iisip talaga.

Napaisip na din ako dahil sa sinabi niya. 

"Wag niyo nalang isipin iyon!" Ani Darrel na halatang natatakot na. "Mag swimming nalang tayo!"

Sinang-ayunan namin si Darrel na magswimming nalang. Hindi ko maiwasan na mapalingon doon sa mga taong sumasagip doon sa nahulog. 

"Dammit." Narinig kong nagmura si Mara. Siya kasi yung kasama ko ngayon at ang makakasabay ko sa zipline.

"Why?" Tanong ko sakanya.

"Tignan nga natin iyon." Aniya tsaka niya ako hinila. Nakarating kami doon at madaming mga taong nakatingin sa katawan nung babae. 

"Buhay pa ba?" Tanong ng isang lalaki na turista din gaya namin.

Namatay daw ang babae dahil sa pagkakahulog doon sa mga bato. Hindi mo na din gugustuhin na makita ang katawan nito. 

"MISSY!" Narinig naming iyak ng isang lalaki. Napaiyak din ako nung nakita ko kung gaano siya nasaktan. Siya yung kasabay ni Missy sa itaas, nagulat nalang siya nung biglang nahulog ang kasama niya. 

Words You Can't HearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon