Naabutan namin si Adrian na buhat buhat si Sharmaine. Nahulog pala siya nung pasakay sila ng kalesa. Ang sweet pa nga nilang dalawa ngayon at inaasar pa siya ng mga kasama ko.
Ang sakit.
"Okay ka lang?" Tanong ni Darrel ng lumapit kina Adrian.
Hindi ko magawang lumapit sakanila. Nasasaktan ako ng nakikita silang magkasama.
"Papansin." Bulong ni Mara. Nakatingin lang siya ng masama kina Adrian. "Look at her, nakakairita siya." Aniya.
"Baby are you okay?" Malambing na tanong ni Adrian kay Sharmaine. Umalis ako at bumalik nalang sa sasakyan.
Naabutan ko si Adam na ngumingiti habang may kausap sa phone. Nagulat siya ng makita niya ako. "Any problem?" Tanong niya sa akin.
"W-wala."
Dumating na din silang lahat sa sasakyan. Aalis na kasi kami sa Vigan at papunta na sa Pagudpud.
"Ako na magdrive." Ani Jude habang kinakagat ang mainit na empanada.
"Sige." Sagot ni Adrian ng bumaba sa driver's seat.
Nakatingin lang ako sa mga dinadaanan namin habang nasa byahe. Nagkukwentuhan silang lahat at nagkakatuwaan. Tinabihan ni Adrian si Sharmaine na ngayon ay natutulog.
"Okay ka lang?" Tanong ni Darrel sa akin habang naglalakad at paikot ikot sa loob ng sasakyan.
"Anong sa tignin mo?" Iritang sagot ni Mara kahit hindi naman siya ang tinatanong. Hinawakan ko ang legs ni Mara para patigilin siya.
"Stop." Sabi ko.
Hindi ko lang sila kinibo buong byahe. Minsan gusto ko nalang kalimutan itong si Adrian, pero kailan pa ba nautusan ang puso? At kung pwede man itong kalimutan, matagal ko ng ginawa.
Sinubukan ko na noon sa pamamagitan ng pakikipagrelasyon. Anong nangyari? Wala. Patagal ng patagal, lalo akong nahuhulog sa bangin na ito. Kung saan walang pwedeng sumalo o tumulong sa akin.
Walang gustong mahalin ang puso ko kungdi si Adrian lang. Naiinis ako nung mga panahong nararamdaman ko iyon.
Ano bang nakita ko sakanya? Hindi naman siya yung tipo ng lalaki na papangarapin mo. Madaming may ayaw sakanya at madami din ang may galit sakanya.
Tuwing inaasar niya ako noon, gusto ko. Tuwing magkasama kami, gusto ko. Tuwing nakikita ko siyang nakangiti, gusto ko. Kapag kinakausap niya ako, gusto ko. Lahat gusto ko.
Pero wala eh, ganyan talaga. Minsan sa buhay natin may mga taong hindi tayo kailanman kayang mahalin.
Nag stop over kami sa isang restaurant sa gitna ng highway. "Masarap daw dito." Ani Darrel. Nakailang balik na kasi siya dito sa Pagudpud. I mean, silang dalawa ni Jude. Wala kasing alam gawin ang dalawa kungdi ang gumala ng gumala.
Sumakay na kami ulit ng sasakyan para tumuloy na sa byahe.
"Ruth, sample nga ng kanta diyan!" Ani Darrel habang inaabot yung mic. "Ayaw kasi ni Jas eh." Kinuha ni Ruth yung mic at namili siya ng kakantahin.
Nagising na si Sharmaine na ngayon ay nasa harap ko. Kausap niya si Adrian habang nakayap ito sakanya. Hinalikan ni Adrian ang noo ng tumatawang Sharmaine.
Ang sakit, sobra.
"Magmula ng nagkalayo,
Araw-Gabi nalulungkot
Di matanggap ng damdamin,
Na ikaw ay di na akin
Paano ang gagawin ko,

BINABASA MO ANG
Words You Can't Hear
Mystery / ThrillerMay mga bagay na hindi mo napapansin. Nakakasakit kana pala at hindi mo na ito namamalayan dahil sa alam mong wala palang mali. Anong gagawin mo kung huli na pala ang lahat?