Unti unting nanlambot ang mga tuhod ko sa ginawa ni Adrian. Pakiramdam ko pinupunit ng pira-piraso ang puso ko.
Nilapitan ko ang walang buhay na si Adrian. "Adrian, thank you." Hinalikan ko ang kanyang noo. Kumalat na ang dugo sa sahig. Naramdaman ko nalang na may kung anong bagay na nakatutok sa likuran ko.
"Nakaka touch naman." Ani Mara. "Tayo." Matigas niyang sabi. Tinignan ko si Adam habang tumatayo ako, "Adam, I love you." Iyon na siguro ang last words na pwede kong sabihin.
Hinila ako papalabas ni Mara. Dinala niya ako sa sala kung saan nakaupo si Nathan. Binabantayan ni Nathan si Darrel at Jasmine.
"Nagsisisi ako na minahal kita!" Ani Jasmine. Si Darrel naman ay nakatingin lang ng masama kay Nathan.
Binitawan ni Mara ang pagkakahawak sa akin at lumapit kay Nathan. "Babe, anong nangyari?" Inosenteng tanong ni Nathan.
Babe?
Kahit anong intindi ko ay hindi ko maintindihan kung anong meron si Nathan at Mara, at si Adrian at Mara. Naguguluhan ako at nalilito.
"Patay na si Adrian." Ani Mara habang sinisindi yung sigarilyo niya. Nakarinig naman kami ng kung anong ingay sa likod ng bahay. "Babe, tignan ko lang kung ano 'yon." Ani Nathan at hinalikan si Mara.
"Babe?" Pagtatakhang tanong ni Jasmine. "Akala ko si Adrian lang." Bulong na sabi ni Jasmine pero tamang tama lang para marinig ng aking tainga. Kumunot ang noo ko at nilapitan si Jas.
"Alam mo ang tungkol kay Adrian at Mara?!"
Pakiramdam ko ay pinaglalaruan ako. Mga pinsan ko ba talaga 'to?
Nakatingin lang sa akin si Jasmine. May lungkot sa kanyang mga mata habang tinitignan ako. "S-sorry." Yumuko lang si Jasmine habang sinasabi iyon. "Sorry, nung mga panahong inamin mo sa akin na may gusto ka kay Adrian. Matagal na si Mara at Adrian."
Narinig ko naman na tumawa si Mara mula sa likod ko. "Mga bobo." Tumayo siya at pumunta sa likod ni Darrel at Jasmine. "Yes, naging kami ni Adrian." Ngumisi siya at pinaglaruan ang baril na hawak niya. "But..boys will be boys and girls will be girls."
Tumingin siya sa akin at nginitian ako. "Alam ko na may gusto ka sakanya. Isa din 'yon sa dahilan kung bakit ko siya pina-ikot sa kamay ko."
Hindi natuloy ang sasabihin niya ng biglang namatay ang mga ilaw. Pinagsamantalahan ko na ang pagkakataong iyon para tumakas.
Tumakbo ako papalabas ng bahay at naghanap ng matataguan. Hindi ko alam kung bakit namatay ang mga ilaw pero isa lang ang nasa isip ko. I NEED TO STAY ALIVE.
Nagmadali akong pumunta ng pampang para hintayin na doon ang bangka na sasakyan mamaya.
"Sa tingin mo ba matatakasan mo ako?"
Napahinto ako sa pagtakbo ng narinig kong nagsalita si Mara mula sa likod ko.
"Mara, tumigil ka na."
Huminga ako ng malalim bago ako lumingon sakanya.
"Ngayon pa ba ako titigil? Ngayong malapit na ang ending?" Aniya.
"Hindi pa huli ang lahat."
"Huli na ang lahat, Quinn. Huli na!" Sigaw niya. "Galit na galit ako sa inyo! Sa inyong lahat!"
Sa boses palang niya ay makikita mo na matindi talaga ang galit niya sa amin. Pero paano? Bakit?
"Si Ruth at Kyle." Aniya. "Hindi ako ang pumatay kay Ruth."
"S-sino?"
"Si Kyle."
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Alam kong totoo ang sinasabi ni Mara dahil para saan pa kung magsisinungaling siya? Eh papatayin din naman niya ako.

BINABASA MO ANG
Words You Can't Hear
Mystery / ThrillerMay mga bagay na hindi mo napapansin. Nakakasakit kana pala at hindi mo na ito namamalayan dahil sa alam mong wala palang mali. Anong gagawin mo kung huli na pala ang lahat?