Prologue

786 16 11
                                    

This is a story that I wrote a few years ago. Please vote and comment if you like it. =) 

PROLOGUE

Wala na sigurong mas mahalaga pa kay Miya kundi ang kumain. Badtrip siya sa mga ka-grupo niya sa major subject niya. Ang ganda ng usapan nila na magkikita sila ng ala-una sa library pero ang mga lintik alas tres na dumating. Hindi naman siya makaalis-alis sa library dahil mag-isa lang siya. Ang ending, gutom siya ng bonggang-bongga dahil umalis siya ng bahay na walang matinong tanghalian kasi natakot siyang malate. Ay naku! nag iinit talaga ang ulo niya.

“Burger meal, isang spaghetti, upsize ‘yung coke at isang two-piece chicken.” maangas niyang bungad sa cashier na pinipilihan niya. 

Nang makuha ang order, pumunta siya sa gitna dahil iyon na lang ang bakante. Habang hinihila ang upuan nahagip ng mata niya ang isang pamilyar na pigura. Bahagyang nawala ang pagka-irita niya sa nakita. Si Mr. Supladong Gwapo.  Napangiti tuloy siya. Nakaupo ito sa table na nasa harapan niya. Nakatungo habang nagsusulat. Sa tuwing nakikita niya parati itong may ginagawa.

Hindi niya ito crush. Familiar sight lang ito sa kanya dahil simula elementarya iisa lang ang eskwelahang pinapasukan nila. Pero hindi sila magkaklase. Na-discover niya noon na four years ang agwat nila kaya feeling niya graduating na ito dahil freshman siya. At hindi rin sila close. Mas lalong hindi sila magkakilala. Kilala niya ito dahil sa walang halong plastikan na deskripsiyon pogi ito. Kahit mukha itong problemado sa tuwing nagkikita sila hindi maitatatwa na agaw-pansin ito. Pero hanggang doon lang ang pagkakakilala niya rito. Gwapo ito, parating mukhang busy at mukhang problemado. Hindi niya alam ang pangalan nito dahil wala siyang planong alamin. Hindi naman niya ito crush. Bakit pa?

Nandito na naman itong lukaret na to. Isip ni Lawrence nang pag-angat ng mukha niya ay makita niya ang isang pamilyar na mukha. Kilala lang niya ang mukha nito. Iyon lang.

Kilala niya ito dahil sa hindi malamang rason parati niya itong nakakasalubong sa school lately. Hindi niya sana ito mapapansin pero hindi kasi ito hindi kapansin-pansin. Katulad ngayon. Para itong isang linggong hindi nakakain sa laki ng kagat nito sa burger na hawak nito.

Napansin niya rin na ubos na iyong plato ng manok sa harapan nito. Nagkalat sa mesa nito ang pagkain nito, aakalain ng lahat ng makakakita rito ng bibitayin na ito bukas. Gustong niyang mapasimangot sa nakikita. Attention grabber talaga. Ni minsan sa pagkakasalubong niya hindi pa niya ito nakita na nakatikom ang bibig. Para itong bubuyog. Nakakulili.

Nang minsang magkasabay sila sa elevator ng school gusto niya itong singhalan. Hindi pa ito nakontento na nagsasalita ito sa isang confined space, volume five pa ang boses nito. Wala itong class. Nakakasuya. Ayaw pa naman niya ng mga taong maiingay. He treasures silence more than anything else. Kaya ang sino mang nakikita niyang walang pagpapahalaga niyon ay lagot sa pagiging judgemental niya.

Nawalan na siya ng gana mula sa sinusulat na Term paper kaya mabilis na niyang nilimis ang gamit at tumayo. Napansin niyang nakatingin ito sa kanya habang nag-iimis siya ng gamit. Pasimple niya itong nilingon. At nakatingin nga! Pero bilib din siya dahil hindi nito binabawi ang titig sa kanya. Binawi na niya ang tingin at naglakad.

Habang naglalakad palayo ay nakikita pa niya ito sa reflection ng glass wall. He saw her gaze followed him. And somehow he liked it that her expression was not of a girl looking love struck in front of her dream boy. What she has was more of curiosity. Whatever was the reason is beyond him now. He just has to admit that the girl is pretty. She is not just his type.

Miyaka's FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon