A/N
Hi Guys! I appreciate you reading my story. Please vote and comment. I'm new at this and I really need to know if you want where this story is leading. Your opinion matters a lot. =)
“Miya…”angal nito. Bahagya niya kasi itong tinulak.
“Para hindi ako ang pag-initan mo, tuturuan na lang kita ng Farmville.” Nasa condo sila nito at nagsisimula na naman ito sa pahalik-halik nito. Alam na niya pag ganito ito. Nang ma-manyak na naman. Sinundo siya nito kanina sa trabaho niya at dumiretso sila sa condo nito. Ritual na sa kanila ang pag sundo hatid. Isang bagay na hindi niya dinedemand pero binibigay nito. Sino ba naman siya para magreklamo?
“I’m busy.” at hinalikan ulit ang leeg niya. For some reason paborito nitong halikan ang leeg niya. Inirapan niya ito.
“I don’t care.” sabi niya.
“Stop that or I’ll break up with you.” confident niyang sabi. Natigil ito at Napatanga lang ito sa kaniya. Natatawa na ito na ewan. Siya rin. Pero siyempre bawal siya tumawa so nagpanggap siyang seryoso.
“I’m serious. And…” inilapit pa niya ang mukha sa kasunod niyang sinabi.
“If you promise to learn the game…I will give you a reward that you will never forget.” kumindat pa siya. Natawa siya sa ekspresyon nito. Ang feeling ganda tuloy niya. Napatunganga kasi ito sa kaniya.
“Promise?” lang ang nasagot nito.
“Promise.” sabi niya.
The next minutes were spent on teaching him on how to play the game. Pero ayaw talaga nito sa Farmville. Pero tuwang-tuwang ito sa Diner Dash. Masaya na rin siya roon. Parang bumalik ito sa pagkabata. He was so into the game na halos wala na itong pakialam sa kaniya. Pero okay lang sa kaniya. She just wants him to soften a bit. Kontento na siyang nakatitig rito habang seryoso itong naglalaro. Masyado kasi itong seryoso. Halos lahat ng bagay ng pinagtutuunan nito ng pansin ay related sa mga kaso nito. Nakapanglumbaba siya rito. Natawa siya nang napahampas pa ito sa mesa ng tuluyan na maglahong parang bula ang isang grupo ng mga dalagita dahil hindi nito nabigyan agad ng order ng mga ito.
Nakangiting iniwan niya ito sa sala at tumayo. Time for dinner kaya pumunta na siya sa kusina. Isang buwan na sila. Ang bilis ng panahon. During that time, ilang beses na rin siyang nakapunta sa condo nito. At ilang beses na rin sila nag MOMOL. Sa kwarto nito, sa kwarto niya, sa living room nito at saan saan pa. Pero iyon nga lang, MOMOL pa lang. For some reason he seem serious about just pleasuring her.
Hindi niya naiintindihan ang ipinaglalaban nito dahil sa totoo lang okay na siyang ibigay rito. Kaya ng lang ayaw nito. Baka may iba siya? Bigla niyang naisip. Napailing siya. May tiwala siya rito. Hindi ito katulad ng ibang lalaki. He may be cold and all pero alam niya na one woman man ito. Sa loob ng panahon na magkasama sila ni minsan hindi niya ito nakitaan na tumitingin sa iba o may ibang kausap sa cellphone. He always showers her with attention. He may be handsome but he is not a playboy. Infact she felt na bago siya dumating dito wala talaga itong ka-fling kasi wala ni isang babae na nang-iistorbo dito o sa kanila. Walang nagte-text o tumatawag. Wala silang nakakasalubong sa resto and mall na biglang nangyayakap o nanghahalik katulad nang nababasa at nakikita niya sa TV. Infact ang smooth ng relasyon nila. Baka naman magaling lang magtago? Gusto niyang sakalin ang sariling utak. Hindi. Mabait siya.
Kung may isa man siyang problema rito ito ay ang pagiging malihim nito. She doesn’t know anything about him aside from the fact that he is a hot shot lawyer and is extremely good at his job. He never shares anything to her aside from the cases that he is handling. He never shares anything about his childhood, his family, his siblings…in short he never shares anything about his personal life. Napabuntong hininga siya. Isang buwan pa rin naman kayo, Miyaka. He will eventually. She consoled herself.
BINABASA MO ANG
Miyaka's Fire
Romance“Maaga akong namulat na hindi totoo ang happy ending. Maaga kung naramdaman na hindi sapat ang pagmamahal sa isang relasyon. I was so young, Miya. I deserved to be innocent but they robbed it from me. Maaga kong naranasan na walang sapat sa mundo. P...