Chapter 5

255 15 0
                                    

Gustong matawa ni Lawrence sa nakikita. Galing siya sa opisina. Hindi na sana siya uuwi ulit sa bahay nila sa Antipolo pero naawa siya sa Daddy niya. He’s sick, old, alone and lonely. Although he doesn’t say it but he knows he needs him. So for the meantime, napagdessisyunan niyang sa Antipolo na lang muna umuwi. It could be for just a month or two. It depends mostly on how his Father’s health would turn out. Nang malaman niyang magkakapit-bahay pala sila ni Miya kagabi, shock would be an understatement to what he felt. Hindi niya alam iyon. Buong buhay niya ay sa subdivision na iyon siya lumaki. Although he never goes out, but the fact that their house is just a block away, hindi niya lubusang maisip kung bakit ni minsan hindi niya ito nakita sa subdivision nila.

Well, matataas ang mga bakod sa mga bahay ng sudibisyon na iyon. At hindi iyon katulad ng mga ordinaryong subdibisyon na pakalat-kalat ang mga bata. Kung maglalaro ang mga bata, sa clubhouse na talaga iyon. And he never goes there. Pero natatawa siya ng Makita si Miya sa harap ng gate nila ngayon. Hindi siguro ito naniniwala sa kaniya kagabi ng sabihin niya rito na dito siya nakatira. Siguro naniniwala talaga ito na stalker siya nito. And to attest that he’s telling the truth, nasa harap ito ng gate nila ngayon.

Gusto na naman niyang matawa. Hindi niya maiwasang mangiti kapag nakikita ito. Siguro dahil para itong bata na may tantrums kapag nakikita niya. Kung hindi nakatikwas ang nguso nito. Nagdadaldal naman ito. Ang dali lang din nitong magalit. Para itong bata. She looks so fragile. Parang kapag sinabi niya na hindi totoo ang reindeer ay maglulupasay ito ng iyak. Gumagaan ang pakiramdam niya kapag nakikita ito. Siguro kasi larawan ito ng bagay na halos hindi niya napagdaanan- Innocence.  He, then, went out of his car.

“Prince charming.” narinig niyang sabi ng ate niya. Iyon nga rin talaga ang tumatak sa isip niya ng Makita niyang bumaba ng karwahe-este kotse nito si Lawrence. At nakangiti ito. Pwede na siyang kunin ni Lord. Naka mustard long sleeve ito, tie, topped with a black suit. Sa baba naman nito ay slacks na itim at itim na sapatos. Napapansin tuloy niya na parati na niya itong nakikitang nakangiti. Pero okay lang, sa ngiti nito kaya niyang kalimutan ang world crisis.

“Hi.” bati nito. Alanganin siyang sumagot. Dahil ngayong tapos na niyang pagpantasyahan ito, pumasok sa isip niya kung anong idadahilan niya kung bakit siya nakatunganga sa harap ng gate nito.

“Siya na ba si Lawrence?” bulong ng ate niya. Wala sa sarili na napatango na naman siya. Parati talaga siyang nawawala sa sarili kapag kaharap ang lalaking ito.

“What brought you here?” si Lawrence. Lumapit ang ate niya. At mas kinabahan siya. “I’m Yuri.” inilahad nito ang kamay. “I’m Miya’s sister.” tinanggap naman iyon ng lalaki.  Huwag itong magkakamaling ipagkanulo siya. Susunugin niya talaga lahat ng damit nito!

 “Lawrence.” Tanging sabi ng lalaki. “Pasok muna kayo sa bahay. May kailangan yata kayo eh?” Nanlaki ang mata niya. NO!

“Hindi na”

“Sure.”  magkasabay na sagot nila ng ate niya. Nakangisi si Lawrence sa kanilang dalawa. “We’re going inside.” sabi ng ate niya. Tumango si Lawrence at binuksan ang kotse.

“Mahaba-haba ang driveway namin. Sumakay na kayo.” Mabilis pa sa instant na umariba ang Ate niya papasok sa kotse. Sa likuran ito umupo. That left her no other choice but to sit beside Lawrence. Napabuntong hininga na lang siya.

Kanina pa ino-obeserbahan ni Lawrence ang magkapatid. Panay ang bulungan ng mga ito. Ayaw niyang maging praning pero pakiramdam niya ay may kinalaman sa kaniya ang bulungan ng dalawa. Mabaho ba siya?

“Ano palang maipaglilingkod ko?” pukaw niya sa silent communication ng mga ito. Magkaiba ang ganda ng dalawa. Yuri is pretty but she’s on the socialite and flirty side. Miya on the other hand is cute. Tila parating nakahandang ngumiti. Ito ang tipo na kapag dinala mo sa bahay ng mga magulang mo ay madaling makakasundo ng Nanay mo. Her beauty is refreshing. And so is her smile. Andami niya atang napapansin?

Miyaka's FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon