“Boyfriend mo na ba si Lawrence?” tanong ni Becky isang araw na solo nila ang office. Katahimikan lang ang sagot niya. Because she just doesn’t know what to say. Ano ba talaga sila? Wala talagang siyang alam. They’re always together but he never said anything. But she can feel that they share something special. She just don’t want to presume. Malala na siya. Tumango lang si Becky.
“Mahirap iyan friend.” ang sabi nito. “I don’t know Becky. I don’t know what to do.” tiningnan siya nito mula sa dinodrawing nito.
“Honesty, regardless if it’s cliché, is always the best cure to every form of uncertainty.” sabi nito. Napabuntong-hininga siya.
“I’m scared.” sabi niya. “But Miya, you have to ask and get it cleared once and for all. I don’t want to see you falling deeper para sa isang bagay na wala pa’ng kasiguruhan.” napaluha na siya. Sa totoo lang, mabigat na rin sa kaniya ang sitwasyon.
She has already fallen in love. Matagal na niyang inamin iyon. Mahal na niya.
Pero hindi pa niya alam kung ano ba siya. May karapatan ba siyang umasa na may espesyal sa kanila? O ang pinakamalaking kwestiyon. May aasahan ba siya? Hindi niya namalayan na nakalapit na di Becky at inaalo siya.
“Hey, don’t cry. Wala ka namang kasalanan eh. With a guy that gorgeous and all, hibang lang ang hindi mahuhulog. Pero gusto ko lang na hindi ka mapunta sa lugar na alanganin. Klaruhin mo kung ano ang meron kayo, Miya. Tama na ang isang babaeng umiiyak sa mga kaibigan ko.” Humihikbi pa rin siya.
“Natatakot talaga ako, Becky.” sabi niya. “Miyaka Tantoco. Hindi bagay. Matapang ka remember?” tinitigan pa siya nito ng matiim. Napangiti naman siya.
“If it’s any consolation, I can feel that he feels the same way.” Ngumiti rin ito.
“You should have seen each other while we’re at the coffee shop. Ang sweet niyo!” kinikilig nitong dagdag. Nahampas niya tuloy ito ng wala sa oras sabay halakhak.
Later that day…
“Gutom ka na ba?” tanong ni Lawrence kinagabihan nang sinundo niya ito. Nakasakay sila sa kotse nito. Inimbita siya nito sa isang get together ng mga lawyer friends nito. Curious din siya makita kung anong klaseng kaibigan meron si Lawrence.
“Hindi pa naman.” wala sa sariling sabi niya. Sumandal siya ng maayos sa upuan pagkapatapos. Pagod siya. Siguro dahil na rin sa usapan nila ni Becky. Idagdag pa na umiiyak na naman si Celia kanina. Mas tagilid na daw ngayon ang kaso nito. Nalulungkot siya. Alam niya umaambisyon lang siya. Pero hindi niya maiiwasang mahiling na sana binitiwan ni Lawrence ang kaso ni Janus considering na kaibigan siya nito or something. Out of respect sa kaniya or whatever. Alam kasi niya na kung hindi si Lawrence ang hahawak ng kaso may tsansa ang kaibigan niya. Although she already had a feeling that it would probably never happen.
If there’s one thing she found out about Lawrence during the two months of constantly being with him, it’s his dedication to his work and his hate for defeat. Kapag naghahanda ito ng rebuttals sa kaso nito kahit ang Presidente ng Amerika hindi ito maiistorbo. Pero… Hindi niya talaga maiwasang mangarap na sana…Hay…
Napahilot tuloy siya sa sentido. Stress na siya. Naramdaman niyang pinaling ni Lawrence ang ulo niya sa direksyon nito. He saw tenderness in his eyes. Napangiti tuloy siya. Ayan ka na naman… Mas ipapa-inlove mo naman ako sa iyo…
“You’re stressed.” sabi nito. Tumango lang siya.
“We should go home.” sabi nito. Sumimangot siya.
“Oa ka. Hindi pa ako mamatay kung pupuntahan natin yung gathering na sinabi mo. Puntahan na natin iyon.” sabi niya. Nilingon ulit siya nito. “But you’re tired.” lumabi ulit siya.
BINABASA MO ANG
Miyaka's Fire
Romance“Maaga akong namulat na hindi totoo ang happy ending. Maaga kung naramdaman na hindi sapat ang pagmamahal sa isang relasyon. I was so young, Miya. I deserved to be innocent but they robbed it from me. Maaga kong naranasan na walang sapat sa mundo. P...