Chapter 8

278 14 1
                                    

Things get steamier at this point. Sa mga bata, babala.:)

“Tumahimik ka.” saway niya kay Lawrence. Nasa sarili niya siyang kwarto at kakapasok pa lang nito. Naka-upo siya sa harap ng computer niya nagcoconcentrate sa Farmville niya. Umaawit kasi ito sa hindi malamang dahilan. Nasa baba lang ang mga magulang niya.

Mula ng maging sila ay parati na ito sa bahay nila. Kanina pa rin sila nakatambay sa kwarto niya. Siya naglalaro ng farmvile ito ay nagbabasa ng hardbound na something serious book. Hiniyaan niya na lang itong nakahilata sa kwarto niya habang nagbabasa dahil hinahayaan naman siya nito sa pagpapa-farmville niya. Pero mula nang bumalik ito mula sa baba dahil nagutom daw ito, umaawit na ito na hindi niya maintindihan.

For some reason, ang mga magulang niya ay walang tutol kahit tumambay sila sa kwarto niya. Infact parang ang saya – saya ng mga ito. Kulang na nga lang ay ipamigay na sia.

“You’re mean, you know.” Napatuwid naman siya ng upo sa narinig at nilingon ito. Sensitive ito at parang nasaktan ito sa ginawa niya. Joke lang naman iyon sa kaniya. Palibhasa matanda na kaya hindi makasakay. Ngumiti siya lalo nang mabistahan ulit ang grasya na nakatayo sa may pintuan niya. Ang swerte niya at ang pogi ng boyfriend niya. Malambing nga. Tumayo siya at niyakap ito.

“Nagtampo ka naman. Sorry na…” Humagikhik ito. Natawa na rin siya. Napatili siya ng hinila siya nito at itinulak pahiga sa kama. Napahiyaw siya ng tila kukubabawan siya nito. Bigla siyang napa-upo dahilan para mag-untugan ang ulo nila. Sabay pa silang napahiga ulit sabay ungol.

“Shit ang sakit!” daing niya. Ito naman ay napamura din. Binalingan niya ito.

“Lawrence…you okay?” hinaplos niya ang ulo nito. “Bakit ka ba kasi umupo?” sinisi pa siya. Hinampas niya ito.

“Papatungan mo ako? Ano ako tanga?!” Napahalakhak naman ito sa sinabi niya. Hinila siya nito payakap rito.

“Yayakapin lang naman kita eh.”  Napa-hmph siya.

“Hitsura mo. Mas mabuti na ‘yung sigurado.” Natawa ulit ito sa kaniya. Aalis na sana siya mula sa pagkakayap rito ng hilahin ulit siya nito.

“Be still. I want to hold you.” Kinilig naman siya kaya hinalikan niya ito sa pisngi. Nakangiti siya ng lingunin siya nito. Nakatitig lang ito sa kaniya at naconscious siya.

“Babe?” nasabi niya. Para kasing nababasa na niya ang gusto nitong mangyari at parang natatakot na naeexcite siya. Willing naman siyang ibigay ang sarili rito. Hindi lang siguro as early as now. One week pa lang sila. At masyadong pa iyong maaga kung siya ang tatanungin. Pero alam niya, mahina lang ang self control niya. Kung parati itong ganito kalapit at kasweet baka sooner or later maisuko na talaga niya ang bandera. Napabuntong-hininga tuloy siya.

“You’re so beautiful, Miya.” Namula naman siya sa sinabi nito. Gusto niyang maiyak. Ang saya-saya niya. Buong buhay niyang ipagpapasalamat sa Diyos ang pagdating ni Lawrence sa buhay niya.

“I know.” lang ang nasagot niya. Nawala tuloy ang moment at napahalakhak na lang silang dalawa. She’s so happy that she could make him laugh. Effortless sa kaniya ang patawanin ito. Konting kibot niya lang ay nakatawa na agad ito.

“I’ll tell you a secret.” Pilya niyang sabi. She traced his lips using her hands. Hinuli nito ng kagat ang kamay niya na ikinatawa nila.

“What?” he asked.

“Schoolmate tayo simula elementary hanggang college. At eversince gwapong-gwapo na ako sayo.” Parang tangang sumiksik pa siya sa dibdib nito. Anyong nahihiya sa sinabi. Halakhak lang nito ang narinig niya.

“That’s very interesting.” narinig niyang sabi nito. Nahihiyang inangat niya ang mukha para mabistahan ang reaksiyon nito. Nakangiti lang ito. Tinukod niya ang siko at tinitigan ulit ito. Iniharap naman nito ang mukha.

Miyaka's FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon