Chapter 6

244 15 0
                                    

Warning : Very Short Chapter.

“Nandito na ang karwahe at prinsipe mo.” Nakasimagot na sambit ni Becky. Nasa coffee bean na naman sila noon at sinabi niya kay Lawrence na doon na nalang siya sunduin. Nakangiti na sinundan niya na lang ang tingin ng mga kaibigan. Palabas si Lawrence mula sa kotse nito. Clad gorgeously in his usual business suit. Napalingon siya sa mga kabigan ng magsalita si Allie.

“Naku iba na iyan ha? Consistent na iyan. Dalawang buwan ka na ring sinusundo niyan. Infairness.” Kinikilig na napangiti na lang siya.

“Naku papalapit na.” sabi ni Celia. Napalis ang ngiti niya. Although her friends stopped talking about it, but she knows they’re not at ease with Lawrence still. Lalo na si Celia.

She wanted to tell them Lawrence is a good guy. Pero paano ba niya kukumbinsihin ang mga ito gayong hanggang ngayon ito pa rin ang humahawak sa kaso ni Janus?

Napabuntong-hininga na lang siya. Naramdaman niyang may humawak sa balikat niya. Nilingon niya si Lawrence at nginitian. Yumuko ito at hinalikan siya sa pisngi.

Mahinang umubo naman ang tatlo. Halatang nanunukso. Matagal na iyong gawi ni Lawrence. And each time, talagang ganoon ang reakson ng tatlo. Mula noong insidente sa bahay nila, tuwing sinusundo o nagkikita sila ay hinahagkan talaga siya nito sa pisngi.

Ewan niya kung anong meron sila. Parati itong nanunukso sa kaniya katulad ng maraming beses na nangyayari sa kanila pero hindi pa rin iyon basehan ng kung ano. Sinusundo siya nito everyday sa trabaho nagdidinner sila at hinahantid siya pauwi.

But he never said anything about what they have and she just doesn’t have the courage to ask. Pero she can feel that she is special to him. Because if not, he wouldn’t make any effort. Alam niya na hindi madali para rito ang sunduin at ihatid siya everyday dahil alam niyang busy at pagod ito everyday.

She is not obligating him pero ginagawa nito iyon. At sa tuwi-tuwina ay kinikilig siya. Ayaw niyang mag-feeling pero nararamdaman niya na may espesyal na namamagitan sa kanila.

“Hi girls!” Bati nito sa mga babae afterwards. Her friends greeted back. Infarness to them, they were always civil with Lawrence.

“Mahal na prinsesa. Makakaalis ka na dahil baka mainip na ang iyong prinsipe.” panloloko ni Allie. Palihim niyang hinila ang buhok nito na nagpa-aray rito.

Natawa naman si Lawrence.

“We can stay if you want.” sabi ng prinsipe niya. Mas lalo tuloy siya na-inlove.

He is well aware that Fridays is their girl-bonding day.

“Bawal kasi ang lalaki sa usapan namin. Censored.” si Allie ulit. Tumawa ulit si Lawrence. He then pulled one chair near and sat beside her. “Try me.” sabi nito.

Ipinatong nito ang isang braso sa sandalan niya.

Bahagya rin itong nakaharap sa kaniya.

“Hindi talaga pwede. Iwanan mo na ang girlfriend mo dito kung gusto mo at kami na ang maghahatid.” kinurot niya si Allie sa pinagsasabi nito. 

Anong girlfriend na pinagsasabi nito?! Napa-aray ulit ito. Pinandilatan niya ito ng mata.

“Pagsabihan mo nga itong girlfriend mo Lawrence. Brutal magmahal.” Nahihiya siya sa lumalabas sa bibig ni Allie. Tahimik lang na nakikitawa sina Becky at Celia sa eksena.

“You have no idea, Allie.” pakikisakay ni Lawrence. On the spot yata siya? hindi pwede to!

“Oh my god. Kinakagat mo si Lawrence?! Nagpaturok ka ba ng anti-rabies?!” Napahalakhak ang tatlo sa pinagsasabi ni Allie. Except sa kaniya. Sinimangutan niya ito.

“Nagsalita ang hindi kalahi ng canine!” sabi niya. “Pikon din iyan.” dagdag pa ni Lawrence.

“Excuse me?!” baling niya rito. Pinagkakaisahan na talaga siya!

“See?” tumatawang sabi ulit nito. Humahalakhak na din ang tatlong babae.

“Bakit on the spot ako? Kutusan ko kayo eh!” Dinampot niya ang menu at binuksan iyon.

“Ano gusto mong i-order we can eat here.” sabi niya.

“I’m really not hungry.” sagot nito.

“You want cake?” turo niya sa blueberry cheesecake.

“You love this.” paborito kasi nito ang blueberry cheesecake.

Tumango lang ito.

“Black coffee?” tanong niya ulit. They’re suddenly oblivious to the world around them.

Hindi na nila namamalayan na pinagmamasdan lang sila ng mga kaibigan niya.

“Nasa kotse ko iyong isang slippers mo. Kanina ka pa na ka heels.” puna nito sa heels niya. Rheumatic kasi siya. Napatingin naman siya sa paa. Simula nang sinusundo siya nito ay nag iiwan siya ng tsinelas sa kotse nito para marelax ang paa niya. O for emergency cases na may mahaba silang lakaran. Tiningnan niya ito pagkatapos.

 “’Wag na… Kanina pa rin naman ako naka-upo eh. Okay lang.” Itinuon niya ulit ang mata sa menu.

“Ay naku tama ‘wag ka nang magblack coffee.” bawi niya sa sinabi kanina.

“Puro ka na kape sa office. Mag mango juice ka na lang ha?” sumimangot si Lawrence. Napahalakhak siya sa reaksiyon nito. Ang cute nito!! Oo nga naman. Hindi bagay rito ang umiinom ng mango juice.

“Sige cappuccino na lang.” Tinawag niya ang waiter at inorderan ito. Pagkatapos ay inayos ang upo at naconscious nang Makita ang reaksiyon ng mga kaibigan. They we’re all grinning. Buti na lang si Lawrence ay hindi nakatingin sa mga ito. May nagtext kasi rito at kasalukuyan itong nagta-type ng reply.

“What?” sabi niya. Wala iyong boses. Si Becky ang sumagot na ikinatuwa nila ng malakas dahil wala sa personality nito ang ginagawa nito. She was flipping the menu then faced Allie. At inakto ulit ang lahat ng ginawa niya a few minutes back. Namula siya pagkatapos. She didn’t know she was that obvious.

“I hate you.” sabi niya pagkatapos tumawa. Doon nag-angat ang mukha ni Lawrence.

Inabot nito sa kaniya ang cellphone nito. Meaning tapos na itong magtext.

“What did I miss?” Ipinasok naman niya iyon sa bag niya. Kapag magkasama sila ay siya ang nagtatago sa cellphone nito.

Naturalesa dahil siya ang may dalang bag. Gusto niyang magpatiwakal sa sagot ni Allie.

“Magpakasal na kaya kayo. Mas mag asawa pa kayo umakto kaysa sa Nanay at Tatay ko.” Tumawa ang lahat habang siya ay pulang-pula. Mga hayop ang kaibigan niya!

Miyaka's FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon