MY FIRST AND LAST CRUSH
(TYMARA's Duology: Book 2)
(COMPLETED)Started: DECEMBER 1, 2017
Ended: MAY 15, 2018*****
Chapter 1
Sampung taon ang lumipas simula nang ikinasal sina Tyron at Amara. Sampung taon na puno ng pagmamahalan, kasama ang kanilang tatlong anak na sina Tyreese, Tyler, at ang bunsong si Tyarra.
Ngayon ang araw kung saan i-cecelebrate ng mag-asawa ang kanilang 10th year Anniversary. Abala sa pag-aayos ng kanyang sarili si Amara, nang biglang may kumatok sa pintuan ng kanilang master's bedroom.
Tok! Tok! Tok!
"Please, come in." ani Amara na nakaharap sa kanyang vanity mirror. Nakita niya na agad namang bumukas ang pinto at iniluwa roon ang kanyang panganay na anak na si Reese.
"Naynay." bungad nito sa kanyang Ina, saka lumapit sa kinauupuan ni Amara.
Ngumiti naman si Amara rito, saka tinapik ang katabi niyang upuan para paupuin doon si Reese. Kinuha ni Amara ang brush sa kanyang tokador para suklayin ang buhok ng kanyang anak.
Ganito ang bonding ng mag-ina, lalo na kapag malungkot si Reese dahil binu-bully ito minsan sa eskwelahan.
"Naynay, Mamita calls you downstairs." saad ni Reese at ang tinutukoy nito na Mamita, ay ang Ina ni Amara na si Mommy Nadia.
"Okay, let me finish my makeup first. Sabay na tayo bumaba." wika ni Amara saka itinuloy ang kanyang pag-aayos.
Piling mga bisita lamang ang inimbitahan nina Tyron at Amara, para dumalo sa kanilang Wedding Annivesary.
Habang busy si Tyron sa pakikipag-usap sa kanyang mga business partners, napabaling ang kanyang atensyon sa hagdanan dahil pababa roon ang kanyang asawa na si Amara.
Nakasuot ito nang isang, fierce mauve strappy beige midi dress, na nakapag-palabas lalo sa kurbang hubog ng katawan ni Amara. Kung titingnan mo ito ay hindi halatang mayroon na itong tatlong anak, dahil sa alindog ni Amara na hindi papahuli sa mga dalagitang may mga kurbadong pangangatawan.
Photo CTTO
Halos mapatingin lahat ng mga bisita kay Amara, lalo na ang mga kalalakihang nagsidalo roon habang pababa ito ng hagdan kasama ang anak na si Reese.
BINABASA MO ANG
My First and Last Crush ✔️
Romance(COMPLETED) Sequel of TYMARA's Love Story. Book 1: Crush at First Sight (Completed) Book 2: My First and Last Crush (Completed) Hanggang saan mo kayang magtiis, alang-alang sa kapakanan ng iyong pamilya? ⚠️Note: Do not read this story, if you ha...